Sabrina
Sakto pagpasok ko sa Main Entrance door ay nakita ko si Abby sa lobby habang sinasabit niya ang ID nito sa Leeg niya. Nagmamadali ako sa paglalakad ko para malapitan ko siya agad.
"Abby! Good Morning" I greeted. Nakangiti ako sa harapan niya ngayon.
Bigla kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin. Sinipat niya ako ng tingin simula ulo hanggang paa.
"Wow mukha masaya ka ngayon Sabrina ah! Ano meron, nanalo kana ba sa lotto tinatayaan mo? Balato naman d'yan oh" Nakangisi saad niya habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko kaya tinapik ko nalang ito at natawa.
"Hindi ako nanalo sa lotto, paano ako mananalo hindi naman ako tumataya" Napabuga ako ng hangin sa kawalan.
"Bakit masaya ka ngayon, yan ngiti mo abot langit. May dapat ba ako malaman Sabrina Nunez?" Kinalabit niya ako sa tagiliran.
Pinakita ko sa kaniya ang suot-suot ko engagement ring. Napaawang ang bibig niya.
"F-Fiance ko na si Ezra Montercarlos Abby. Kasi kahapon birthday niya. Pumunta ako sa Birthday party niya at na surprise talaga ako dahil sa araw ng kaarawan niya ay nag proposed siya sakin. Sa harapan ng magulang at mga kapatid niya. Sa harapan ng marami tao. Nakakagulat nga e, halos hindi ako makapaniwala na fiance ko na si Ezra" Saad ko.
Naningkit ang mata niya nakatingin sakin.
"S-Sana all Sabrina engage kana sa lalaki mahal mo, soon magiging Miss Sabrina Nunez Montercarlos kana. Alam mo ang swerte mo talaga pagdating sa lovelife dahil binigyan ka ng Diyos na mabait at gwapo boyfriend at mahal na mahal ka. e ako umaasa parin ako na babalik siya after one years ago" Bigla nalungkot ang mukha niya.
Hinawakan ko ang balikat niya.
"Hanggang ngayon ba hindi parin tumatawag sayo? Kahit text wala galing sa kaniya?" Tanong ko.
"Wala eh Sabrina. Akala ko naman mahal niya ako. Akala ko naman totoo ang sinasabi niya sakin. Ang dami niya kasi sinasabi sakin noon Sabrina na mahal niya ako. Ako lang ang babae mamahalin at papakasalan niya. Ito naman si Gaga umaasa dahil sa mabulaklak na mga pangako niya sakin. Alam mo hindi dapat magtiwala agad sa mga lalaki yan e, puro paasa" Saad niya.
"Baka busy lang ang tao Abby, diba sabi mo sakin may family business siya sa Canada" Sabi ko.
"Oo, sinabi ko naman kaya ko e, kahit sa anak nalang namin Sabrina e, kahit sa bata nalang. Pagkatapos niya ako pagsawaan sa kama, iiwan niya ako ere ng ganun-ganun lang" Parang maiiyak na siya. Hinagod ko ang likuran niya.
"Try mo kaya tawagan Abby baka sasagutin niya, wala naman masama sumubok diba?" Sabi ko.
"Marami beses ko na sinubukan kaso ayaw niya sagutin ang tawag ko. Kahit sa bata nalang sana, kahit wag na sakin. Naghahanap ang bata e" Aniya.
"Alam mo abby habang humihinga tayo may pag-asa, alam ko tatawagan karin niya. Maghintay kalang"
"Hindi na ako umaasa Sabrina. Masakit umasa sa wala. Mabuti kapa maayos ang Boyfriend mo. Matino, mayaman at higit sa lahat hindi sinungaling na tao. Kung sabagay dati Priest si Ezra kaya takot siya gumawa ng kasalanan sa Diyos" Saad niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mabait na tao si Ezra, alam mo marunong talaga ang Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan talaga. Binigyan niya ako ng isang Ezra."
"Sana all" Aniya.
Sabay kami pumasok sa Opisina. Napansin ko malungkot si Abby, sa maganda niya ngiti at tawa ay meron siya dinadala problema ngayon. Sa totoo lang mahirap ang maging isang single mom, halos pinagsasabay niya ang trabaho at ang isang Pagiging ina sa anak niya.
May mayaman kasi siya Boyfriend at iniwan siya nito at pumunta sa ibang bansa. Nakakalungkot man isipin kailangan Tumiis ni Abby. Kahit mahirap kinakaya niya para sa anak niya.
Pumunta ako sa Cafeteria para kumuha ng mainit na kape. Isa sakin at ang isa para kay Abby. Lumabas ako sa Opisina at tinungo agad ang Cafeteria. Pagbalik ko sa opisina ay agad ko nilapag ang mainit na kape sa Desk ni Abby. Umangat ang tingin niya sakin.
"Magkape ka muna, pampatanggal yan ng stress at pagod. Alam ko pagod kana Abby" sabi ko sa kaniya at tinapunan niya ako ng isang matamis na ngiti.
"Thanks for the hot coffee Sabrina. Ang bait-bait mo talaga kaibigan sakin kaya nahihiya ako sayo. Salamat dito" Saad niya.
"Ano kaba Abby! Magkaibigan tayo, kaya tayo dalawa ang nagdadamayan kapag may problema oh pinagdadaanan ang isa. You're welcome Abby. Basta kapag may kailangan ka huwag ka mahiya lumapit at magsabi sakin ah" sabi ko.
I sip my hot coffee. Yummy!
"Oo na nga kahit nahihiya na ako sayo Sabrina." Saad niya.
"Balik na ako sa Desk ko ah" sabi ko at tumango nalang siya.
Bumalik ako sa Desk ko at hinarap na agad ang mga trabaho na naghihintay sakin ngayon araw.
Bigla ako nilapitan ni Manager Saadverina habang may hawak-hawak na transparent na envelope! Pinasadahan niya ako ng tingin habang nagdutdot ako sa Keyboard.Binalingan ko siya ng tingin.
"May bago files documents na dumating Miss Nunez, mag overtime ka ngayon, ako bahala sa overtime pay mo basta matapos mo lang ito"Umarko ang kilay niya at tsaka niya ako pinasadahan ng tingin.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Ganun ba Sir, sige po mag overtime ako para matapos narin ito." Saad ko.
"That good Miss Nunez, hindi ka katulad ng ibang employer dito na reklamador kapag may binibigay ako trabaho, Good Job! Pagkatapos mo gawin yan, ibigay mo agad sakin at makakauwi kana" Saad niya.
"Sige po Sir" sabi ko.
Umalis siya agad sa harapan ko. Dalawa oras lang ang overtime ko at lumabas ako agad sa Opisina pagkatapos ko gawin ang pinapagawa niya.
Nag text ako kay Ezra na mag overtime ako at nag reply siya sakin na nauunawaan niya ako dahil sa trabaho.
Mabuti nalang dalawa oras lang ang tinagal ko sa loob at makakauwi ako ng maaga nito sa bahay. Kailangan ko e treat ng masarap na food ang magulang at kapatid ko kaya nag order ako ng pagkain sa food panda at ipapa-deliver nalang sa Bahay.
Gusto ko lang sila e treat. Masaya ako ngayon dahil okay ang lahat at sa awa ng Diyos ay wala problem dumarating sa akin at sa Pamilya ko.
Nakatingin lang ako sa mga sasakyan na dumadaan sa harapan ko.
YOU ARE READING
MBS #2 Priest Falling Inlove [R-18] Complete
RomantikEzra Montecarlos is a Priest, Mahal na mahal niya ang maglingkod sa Diyos at Mangaral ng salita ng Diyos. Isang araw makilala niya ang babae si Sabrina Nunez, Masayahin, Palangiti. Hindi namamalayan ni Father Ezra na Mahuhulog na pala ang loob niya...