31.

111 3 0
                                    

DAHIL si Alaric ang naghugas ng plato no'ng nakaraan ay nagpasya siya na siya naman ang maghugas ng pinagkainan nila.

"Lalo kang gumanda, Pam."

Natigil siya sa pagbanlaw ng pinggan at inirapan si Alaric. "Manahimik ka nga r'yan, Alaric. Alam ko na maganda ako, matagal na kaya hindi mo na ako kailangang bolahin," pambabara niya.

Mahinang natawa si Alaric dahil sa sinabi niya. "Ang sungit mo naman, Pam."

Nang matapos maghugas ay sumandal siya sa lababo at tinaasan ito ng kilay. "Masungit? E bakit narito ka sa bahay ko kung nasusungitan ka pala sa akin? Pwede ka namang umalis anytime, Alaric. Mas maganda nga sana kung aalis ka na."

Tumuwid ng upo si Alaric at tumingin nang matiim sa kanya. "Hindi ako aalis kahit magsungit ka pa habambuhay sa akin, Pam."

Habambuhay? Nagbibiro na naman ba ito? Kapag naputol na ang ugnayan nilang dalawa at tuluyan nang naputol ang kasal nila ay wala nang habambuhay para sa kanila. Tuluyan na silang magkakahiwalay at mabubuhay nang malayo sa isa't isa.

"Dami mong alam, Alaric. Mabuti pa at matulog na tayo. Good night, Alaric. Makatulog ka sana nang maayos diyan sa sofa," nakangisi niyang sabi rito. Alam niya kasi na hindi ito kumportable sa kinahihigaan na sofa dahil masyado itong malaki para sa sofa niya.

Natawa siya nang makita kung paano nalukot ang gwapong mukha nito. "Pwede naman kasi na tabi tayo," ungot ni Alaric.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Subukan mo para mapalayas kita nang tuluyan," hindi nagbibiro na banta niya.

Pilit na ngumiti ito sa kanya. "Sabi ko nga, ang sarap matulog dito sa sofa mo, Pam. Kumportable na kumportable ako rito," napipilitan na sabi pa nito.

Pinigilan niya ang pagsilay ng ngiti sa labi at nagmamadali na tumalikod para pumasok sa kwarto niya. Ang gwapo naman kasi, baka mamaya, maawa pa siya rito at patabihin pa niya sa kwarto niya.

Shocks! Ano ba ang iniisip niya?! Hindi ba at nangako siya sa sarili na titiisin niya si Alaric at ipakikita na wala na itong halaga sa kanya?

Pero bakit parang palagi na lang siyang natutukso? Makita lang niya ito ay nag-iiba na naman ang nararamdaman niya at tila panandalian na nawawala ang galit sa puso niya.

Nang makapasok sa kwarto ay binagsak niya ang katawan sa kama at saka mahina na sinabunutan ang sarili. "Gising, Pamela. Hindi ka marupok at lalong hindi ka na mahuhulog ulit sa taong nanakit sayo!" kausap niya sa sarili.

Tumitig siya sa kisame ng kwarto niya nang matagal. Hindi niya namalayan ang pagngiti nang maalala ang nakabusangot na mukha ni Alaric. Napamura siya sa isip.

Hindi niya maalis si Alaric sa utak niya! Ano ba ang nangyayari sa kanya?! Hindi pwede na ganito!

Teka, baka naman dahil lang sa gwapo ito nang sobra kaya naman hindi mawala sa isip niya ang mukha nito?

Tama! Dahil lang iyon sa kagwapuhan nito at wala nang iba. Bakit naman kasi napakagwapo nito? Daig pa ang isang Hollywood actor.

Pinilig niya ang ulo at pilit na inalis ang imahe ni Alaric sa isip niya bago natulog.

MUNTIK na siyang mapatili sa gulat nang pagdilat ng kanyang mga mata ay nabungaran niya si Alaric na malaki ang ngiti sa labi.

"A-Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko?!" utal na tanong niya na halos hindi humihinga dahil sa malapit nitong mukha sa kanya. Ang aga-aga tapos mukha nito ang nakita niya!

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon