39.

59 2 0
                                    

WALANG tigil sa pag-ring ang phone niya. Siya naman ay nakatingin lang dito. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya o hindi katulad noong nakaraan.

Bumuga siya ng hangin at mas pinili ma lang na sagutin iyon.

"Mabuti naman at sinagot mo!" may inis na boses na bungad ni Zoren.

Natigilan siya. Ngayon lang niya narinig na ganito ang tono ni Zoren na halata ang inis sa boses.

Sabagay, sino bang hindi maiinis kung hindi sinasagot ang tawag mo nang ilang beses? Kahit sino ay tiyak na maiinis.

"K-Kumusta na?" ilang na tanong niya. Wala si Alaric ngayon dahil may pinuntahan ito.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, Pamela. Iniiwasan mo ba ako? May problema ba tayo?" Halata ang paghihirap at lungkot sa boses ni Zoren. Ito na naman ang dibdib niya na kinakain ng konsensya.

"H-Hindi kita iniiwasan, Zoren. Bakit naman kita iiwasan, 'di ba?" pagsisinungaling niya.

Nakahinga nang maluwag si Zoren sa kabilang linya. "Mabuti naman, Pamela. Akala ko ay iniiwasan mo talaga ako. Mayroon nga pala akong magandang balita sayo na tiyak na ikatutuwa mo." Nanatili siyang nakikinig dito. "Tutulungan ako ng kakilala kong abogado na mapadali ang annulment niyo. Sa oras na mapawalang bisa ang kasal mo sa kanya ay magpapakasal agad tayo—"

Hindi niya nagawa na makinig sa sinasabi ni Zoren. Ilang beses siyang napalunok. Humigpit ang hawak niya sa phone niya.

"Pamela? Are you there?"

Gusto man niya na putulin ang tawag ay hindi niya ginawa. Baka lalo lang sumama ang loob nito sa kanya.

"N-Naririnig kita." Iyon lang ang tanging lumabas sa labi niya.

"I love you, Pamela, and I miss you so much," puno ng damdamin na sambit ni Zoren.

Bumuka ang labi niya pero walang salita na namutawi roon. Rinig niya ang pagbuga ni Zoren ng hangin sa kabilang linya. Alam niya na nasaktan niya ito.

Matagal nang putol ang tawag pero heto siya at tahimik pa rin na nakaupo. Malapit nang umuwi si Zoren at hindi niya alam kung papaano ito haharapin.

Kasalanan mo iyan, Pamela, kaya harapin mo! kastigo ng utak niya.

Tumayo siya at inunat ang braso. Madilim na sa labas dahil maga-alas siete na ng gabi. Wala siyang pasok ngayong araw kaya narito lang siya sa bahay maghapon at nagmukmok. Wala rin si Alaric kaya naman siya lang mag-isa rito ngayon.

Lumabas siya ng bahay para namnamin ang malamig na simoy ng hangin. Gusto niyang maglakad-lakad sa paligid. Safe naman sa kanilang lugar kaya ayos lang ang magpahangin kahit sa ganitong oras.

Natigil siya sa paghakbang nang mapansin ang isang babae na nakatayo sa kalayuan. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o hindi pero tila masama ang tingin nito sa kanya at kamukhang kamukha ito ng Ate Kyle niya.

Nakaramdam siya ng inis. Kung ang Ate Kyle nga niya ito ay hindi siya natutuwa na makita ito. Pero bakit masama ang tingin na binibigay nito sa kanya? May galit ba ito? Pero paano kung ibang tao ito?

Aba, wala itong karapatan na tingnan siya nang masama na para bang kakainin siya nang buhay. Saka wala naman siyang ginagawa na masama rito!

Nagmamadali na lumakad siya papalapit dito pero napayuko siya nang mapansin na makatatapak sana siya ng tae ng aso kaya umiwas siya. Nang tumingin siya sa babae na pupuntahan niya ay wala na ito ro'n. Ano 'yon multo?

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon