49.

48 3 0
                                    

NANGINGINIG ang buong katawan ni Alaric habang buhat niya si Pamela na walang malay.

Oh, God, please, save my wife. Sa isip ay panay ang dasal niya na hindi mapahamak ang asawa niya.

Inutusan niya ang isang tauhan niya na paandarin agad ang kotse. Kailangan nilang makarating agad sa hospital dahil baka ano pa ang mangyari sa mag-ina niya.

Habang nasa kotse ay panay ang yakap niya sa katawan ng asawa na walang malay. Hindi siya iyakin na tao. Huling natandaan niyang umiyak siya ay nang mawala ang mommy niya. Pero dahil kay Pamela ay lumalabas ang emosyon niya.

"Faster, Lito!" may luha sa mata na utos niya. Alam niya ang kalagayan ni Pamela. Wala man siya sa tabi nito ay palagi siyang nakabantay rito. Gustong-gusto niya na samahan ito sa ob-gyne clinic, pero hindi pa niya natatapos ang mga plano niya.

Hinalikan niya ang noo ni Pamela. Namutla siya nang mapansin na mas lalong dumami ang dugo na umaagos sa binti ng asawa niya.

"K-Kapit ka lang, baby... 'Wag mo kaming iiwan ni mommy mo..." basag ang boses na kausap niya sa sinapupunan ni Pamela habang hinihimas ang tiyan nito.

Kasalanan ito ng dalawang matandang iyon. Sisiguraduhin niya na may kalalagyan din ang mga ito dahil sa ginawa ng mga ito sa asawa niya.

NAKATINGIN lang siya ngayon sa puting kisame. Narito na siya sa hospital nang magising siya.

Nang maalala niya ang nangyari sa kanya ay agad na naghisterikal siya sa pag-aakala na nawala na ang anak niya. Mabuti na lang at agad na pinaliwanag ng doktor na nasa maayos ang kalagayan ng anak niya kaya naman nakahinga siya maluwag. Paulit-ulit din siyang nagpasalamat sa Diyos.

Hindi siya makapaniwala na muntik nang mawala sa kanya ang anak niya. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan. "I'm sorry, baby... hindi kita na-protektahan. Muntik ka pang mawala sa akin... Pangako, simula ngayon, mag-iingat na ako nang sobra." Pinahid niya ang luha. Simula ngayon ay dapat na niyang lalo pang tibayan ang loob.

Hindi dapat siya magpaapekto dahil ang anak niya ang mas naaapektuhan sa mga nangyayari sa kanya. Hindi niya kakayanin kapag may nangyari na masama sa anak niya. Dito na lang siya kumukuha ng lakas ng loob... Baka hindi na talaga niya kayanin kapag nawala ito sa kanya.

Tumingin siya sa mga pagkain na nasa gilid. Sobrang dami n'on pero hindi naman niya alam kung kanino galing.

Tanda pa niya na bago siya mawalan ng malay ay nakita niya na sinalo siya ni Alaric. Mapait siyang ngumiti. Imposible. Namamalikmata lang marahil siya. Tama... namamalikmata lang siya.

NAG-LEAVE muna siya nang limang araw para makapag-pahinga. Nagpasya siya na magtuturo pa siya hanggang sa umabot ng limang buwan ang tiyan niya.

Kailangan niya ng dagdag na ipon para sa kanilang mag-ina. May pera naman siyang naipon at may malaking laman din ang bank account niya na galing kay Alaric pero hindi niya gusto na galawin iyon. Mahirap na at baka sumugod pa rito ang kapatid niya kapag nalaman iyon.

Kilala niya ang ugali nito. Masyado itong makasarili at walang pakialam sa ibang tao. Kung maaari ay ayaw niya na malaman pa nito na buntis siya. Hindi niya gusto na pati ang anak niya ay madamay kapag nalaman nito na buntis siya. Sigurado na magwawala ito sa galit at maging dahilan ng pagpunta nito sa bahay niya.

Kapag nakaipon pa siya ay aalis na rin siya sa lugar na ito. Gusto niyang magpakalayo-layo kasama ang anak niya.

Tumingin siya sa cellphone na hawak kung nasaan ang photos nilang mag-asawa. Gusto niya iyong burahin pero hindi niya magawa.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon