51.

50 1 0
                                    

ISANG buwan na ang matulin na lumipas. Tatlong buwan na rin ang kanyang tiyan. Kung titingnan ay para lang siyang busog.

Nakangiti na hinimas niya ang tiyan sa harap ng salamin nang makarinig siya ng katok. Napairap siya sa hangin. Sigurado siya na si Rob ito. Simula nang malaman nito na magkapitbahay lang sila ay palagi na lang itong nagpupunta sa bahay niya.

"Ano na namang kailangan mo?" agad niyang tanong nang mapagbuksan ito ng pinto.

"Sungit mo naman, buntis. Ang aga-aga para magsungit. Sige ka, gusto mo bang maging kamukha ko iyang anak mo?" pang-aasar nito sa kanya. Sinipa niya ito sa binti na kina-aray nito. "Brutal mo— Ahhh, sakit!"

Tinalikuran niya ito at sumunod naman ito sa kanya. Kahit ganito naman ang tratuhan nila ay masasabi niya na isang kaibigan na ang tingin niya rito. Alam na rin nito ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi nga lang niya sinasabi ang nangyari sa relasyon nila ni Alaric. Hindi pa siya handa na magkwento sa iba tungkol sa nangyari sa kanya.

"Hinatiran na nga kita ng sopas tapos ganito pa matatanggap ko mula sayo." Inilapag nito ang dalang plastic container na may lamang sopas.

"Salamat, Rob. Ang bait mo talaga. Baka sa sobrang bait mo ay kunin ka na ni Lord." Matamis na nginitian niya ito samantalang nanlaki ang butas ng ilong nito sa sinabi niya.

"Salamat, ha? Pakisamahan, 'di pa ako ready. Mabubuhay pa ako nang matagal para guluhin ka araw-araw," nakangisi na saad nito sa kanya. Napabusangot na lang siya.

Marami siyang nalaman tungkol kay Rob. Kaya pala ito napunta sa isla ay dahil sinusundan nito ang fiancé nito na narito na naninirahan. Ang problema ay hindi nito alam kung saan nakatira ang babaeng mahal nito. Sana all, mahal.

"Teka, 'di ba, sabi mo ay samahan kita na mamili this weekend?" tanong ni Rob sa kanya habang feel na feel ang pagkakaupo sa sofa niya habang nanonood ng television. Tumango siya rito.

"Bakit nga pala hindi ka na lang samahan ng mister mo? Saka simula nang tumira ako rito ay never ko pang nakita na may kasama ka sa bahay. He shouldn't leave you alone in this house. Lalo na at buntis ka pa." Tutok ang mga mata nito sa television habang kumakain ng piattos.

"H-He's busy. Alam mo na, kailangang kumayod para sa magiging anak namin," sabi na lang niya.

"Kumayod? 'Di ba, si Alaric Martin ang asawa mo?" Nakatingin na ito sa kanya ngayon.

Tumingin siya rito nang may pagtataka. Paano nito nalaman?

"'Yan ka na naman. Hindi ako tsismoso, okay? Alam kasi sa mga katrabaho natin kung sino at gaano kayaman ang asawa mo," paliwanag nito sa kanya. "Teka, nasaan ba ang asawa mo? Nag-away ba kayo?"

Mahina siyang natawa. "Oh, tingnan mo, 'yan ba ang hindi tsismoso?" kunwari ay pang-aasar niya pero ang totoo ay iniiwasan lang niya ang tanong nito. Dahil kahit siya ay hindi niya alam kung nasaan na ba si Alaric. Wala na siyang balita tungkol dito at sa kapatid niya. Saka wala na rin naman siyang pakialam.

Natigil sila sa pag-aasaran nang makarinig ng katok. Bigla ang pagtambol ng dibdib niya sa kaba. Hindi kaya si Alaric ito?

"Pamela?" tawag ni Rob sa kanya kaya natauhan siya.

Tumayo siya sa single couch na inuupuan niya at binuksan ang pinto. Gano'n na lang ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya nang makita kung sino ito. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo niya sa sobrang galit. Anong ginagawa ng mga ito sa bahay niya?!

"Ano? Titingin ka na lang ba r'yan sa amin? Hindi mo ba kami papapasukin?" nakataas ang kilay na tanong ng mama niya.

Kumuyom ang kamay niya. Nagsimulang magtaas-baba ang paghinga niya sa galit. Bakit narito ang mga magulang at kapatid niya?

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon