"NAKAHANDA na ba ang lahat?" tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela.
"Yes, Sir!" agad na sagot ng mga ito.
Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya.
"That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigigil talaga siya sa sobrang galit.
Napakatuso ng babaeng ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!
"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras," giit pa ni Zandro.
Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.
KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang napakadilim na kwarto. Bigo siya sa pagtakas!
Pinahid niya ang luha at niyakap ang tuhod. Bakit ba palagi na lang siyang malas?
Mas lalo lang siyang naluha sa naisip. Kinapa niya ang tiyan at saka patuloy na umiyak. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan niya sa kamay ni Zoren kaya mas lalo siyang natatakot para sa kanila ng magiging anak niya.
Kung nagawa lang sana niyang tumakas ay wala siya ngayon dito!
Natigil siya sa pag-iyak nang makarinig ng pagtatalo sa labas ng kwarto kung nasaan siya. Pinahid niya ang luha at tumayo para lumapit sa pinto.
"It's all your fault, bitch! Kung sinunod mo ang plano natin noon ay wala tayong problema ngayon! Kaya 'wag mo akong sisihin sa kapalpakan mo!" galit na singhal ni Zoren sa kausap.
"Kasalanan ko pa?! Magpasalamat ka na lang dahil dumating ako! Dahil kung hindi ako dumating ay baka pinaglalamayan ka na ngayon!" Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses na kilalang-kilala niya Ang Ate Kyle niya!
Umiiyak na umatras siya. Kumalat ang liwanag sa kwarto kasabay ng pagbukas ng pinto at pumasok ang dalawa. Tama nga siya! Ang kapatid niya ang kausap ni Zoren!
"A-Ate Kyle? B-Bakit?"
Ang dami niyang gustong itanong dito. Paano nito nagawa sa kanya ang ganito? Oo at hindi kapatid ang turing nito sa kanya. Pero hindi naman niya inaasahan na aabot sa ganito ang kaya nitong gawin. Nakipagsabwatan ito kay Zoren para kidnap-in siya. Bakit?
Inikutan lang siya ng mata ni Kyle at sumandal ito sa pader. "'Wag ka nang maraming tanong, Pamela. Sumama ka na lang kay Zoren at magpakalayo-layo kayo para manatili kang ligtas."
"B-Bakit mo ginagawa sa akin 'to? A-Ano ba ang nagawa kong mali sa inyo nina Mama at Papa?" puno ng hinanakit na tanong niya.
Bumakas ang inis sa mukha ni Kyle. "Ang drama mo! Sundin mo na lang ang utos ko." Tumingin ito kay Zoren. "Ipatanggal mo ang bata katulad ng napag-usapan," sabi nito bago lumabas at iniwan sila ni Zoren.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Ipatanggal ang bata? Ang anak na nasa tiyan niya ba ang tinutukoy nito?
"It's alright, Pamela. We can make our own babies. I don't want you to give birth to that fuckìng child."
Gumapang ang sobrang takot sa katawan niya. "H-Hindi niyo maaaring gawin sa akin 'to! Hindi niyo papatayin ang anak ko!" Nag-uunahan sa pagtulo ang luha niya.