HINDI siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa narinig.
"Eight years ago, I knew that you were applying for a scholarship, kaya ko binili ang university na pinag-apply-an mo at binigyan ka ng scholarship. Naduwag ako, Pam. Naduwag ako dahil masyado ka pang bata that time, kaya pinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako. Kaya sobrang galit ko nang malaman ko na may nobyo ka na, which turned out to be my brother. Mas lalong nabuhay ang galit ko sa kanilang mag-ina. They're the reason why my mother killed herself, hindi niya matanggap na iniwan kami ni Dad dahil sa mag-inang 'yon."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Walong taon na siyang mahal ni Alaric?! Ang lalaki na nakatatakot kung tumingin at para siyang babalatan nang buhay ay mahal pala siya, matagal na?!
"Kaya nang malaman ko kung sino ang nobyo mo ay nakaisip ako ng idea na gamitin ang pera ko para mapasa-akin ka. Makagaganti na ako kay Alden, mapapasa-akin ka pa. I'm sorry, Pam, nabulag ako ng galit at selos ko."
Nagsimulang pumatak ang luha niya nang maalala ang ginawa nito noon sa kanya.
"N-Nagsisisi ako, Pam. Dahil sa kagaguhan ko ay muntikan ka pang nawala sa akin, muntik kayong mawala sa akin ni Arem." Nagsimulang mabasag ang boses ni Alaric. "N-Nang maaksidente ka, sobra akong natakot dahil akala ko, tuluyan ka nang nawala. Nang mag-match ang DNA ng bangkay sa DNA mo ay hindi ako naniwala na namatay ka, I know that you're alive, Pam, at tama nga ako dahil hindi nag-match ang DNA mo sa bangkay nang ipaulit ko kay Red ang autopsy. Nagsimula akong magpaimbestiga hanggang sa natagpuan kita."
Habang naririnig niya ang paliwanag ni Alaric ay mas lalong lumilinaw sa kanya ang lahat.
"Hindi ako naniwala na anak ko si Arem noong sabihin sa akin ni Kyle na nagkaanak kami. I never slept with anyone, Pam. Nakakahiya man aminin pero hindi ko gusto na... na hinahawakan ako ng kahit sinong babae. Akala ng mga kaibigan ko ay may problema ako sa pagkalalaki ko. I reached twenty-nine without feeling any arousal, not until I met you."
"Weh?" hindi niya mapigilang sambit nang marinig ang sinabi nito. Hindi nakararamdam ng arousal noon? E, bakit ang libog-libog nito?
"That's true, Pam." Halata ang pagkahiya sa mukha ni Alaric. "I-Ikaw lang ang babae na pinapantasya ko simula nang makilala kita. Kaya nga nang makita kitang tulog sa guestroom nila Alden... minanyak kita nang kaunti."
Umawang ang labi niya sa narinig. "What?!" Pinahid niya ang luha at pilit na inalala ang unang beses na natulog siya sa mansyon ng mga Yinarez.
Nakita niya ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi ni Alaric. "Sorry, Pam, masyado ka kasing maganda kaya hindi ko napigilan."
Pinahid niya ang natirang luha sa pisngi niya at napangiti na lang. "Ang sama mo makatingin dati sa akin, tapos patay na patay ka pala sa akin."
Napakamot sa ulo si Alaric. "Hindi ko gusto na mahalata mo na mahal kita kaya naisip ko na titingnan na lang kita nang masama."
Nalukot ang mukha niya. Ah, gano'n pala 'yon. Kapag may gusto ka sa isang tao at ayaw mo na mahalata ka ay titingnan mo na lang nang masama. Ibang klase rin mag-isip ang isang Alaric Martin!
"Para matigil sa pangungulit sa akin si Kyle ay pina-DNA test ko ang bata. Kampante rin kasi ako na hindi ko anak si Arem that time, kahit na kamukha ko pa siya ay imposible na anak ko siya dahil wala akong ibang babae na ginalaw bukod sayo. Nang sabihin sa akin ni Red ang resulta ay sobra akong nabigla dahil positive ang resulta, nag-match ang DNA namin ni Arem at napatunayan na anak ko siya."
Nanatili siyang nakikinig kay Alaric. "Parang sasabog ang ulo ko, Pam. Paano ako nagkaanak sa ibang babae? Isang araw, kinausap ako ni Manang, ang inutusan kong magbantay sayo noon. Tinanong niya ako kung alam ko raw ba na buntis ka, nagulat ako sa sinabi niya, Pam. Wala ka namang sinabi sa akin na buntis ka, but she insisted. Sinabi niya na hindi siya maaaring magkamali, kahit matanda na siya ay hindi pa raw siya nagkakamali ng hinala. Noong una ay tinawanan ko lang siya, but later on, napaisip ako, what if buntis ka nga?"