AGAW BUHAY

263 13 1
                                    

"Babae'ng pinag-sasabi mo? Alam mo nang ayaw ngang malapitan ng babae yan diba?" Sagot ni Von na nag-simula na ring mag-linis.  "Tigilan mo na ang kakaisip ng imposible, tulungan mo na lang ako dito para makauwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga, aba!"

Naka-pout na kumilos ang napapa-isip pa rin na si Edward.

Samantala..  Mabilis na pinapatakbo ni Eckiever ang kanyang kabayo kahit nga ba hindi pa rin mapakali ang kanyang isip. Hanggang sa nga sandaling iyon kasi ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Estacie. Nagtataka si Eckiever kung bakit hindi natatakot ang dalaga na pwede nga niya itong parusahan ng kamatayan. Bakit ba parang malakas ang loob ng babae hindi ito mapaparusahan?

Napapaisip din si Eckiever na baka ang dahilan ng pagmamataas ni Estacie ay dahil apo ito ng Hanvoc family. Subalit imposible ding mangyari iyon dahil simula ng mapangasawa ng anak ng Hanvoc ang Baron, tinalikuran na ng Pamilya Hanvoc ang anak. Ayun sa sinabi ng Ate ni Eckiever noon bago namatay. Ayun pa sa kwento, ayaw ng Hanvoc Family sa Baron dahil nga sa estado ng buhay neto noon. Kaya naman, talagang naguguluhan si Eckiever.

At dahil nga naguguluhan, hindi niya napansin ang palasong mabilis na tumama sa likuran niya.  Isang pag-daing ang kanyang namutawi na muntik pa niyang ikinalaglag sa kabayo. Subalit kahit na natamaan ng palaso, nagawa pa rin niyang hawakan ang kanyang maliit na punyal at naihagis ng malakas sa taong tumarget sa kanya.

Narinig ni Eckiever ang halinghing ng kabayo kasabay ng pag-daing ng kung sino man. Kaya nagpatuloy siya sa pagpapatakbo ng kabayo. Subalit may napansin siya sa sarili. Bigla na lang siya nakaramdam ng pagkahilo.

"Shit!" Tiim bagang na nabigkas ni Eckiever ng mapagtanto na  may lason ang palasong tumama sa kanya.

At ilang sandali pa nga bumagsak siya sa lupa. "Damn it!" Muli niyang usal.

Alam niyang matatagalan pa bago makasunod ang grupo ni Von dahil nililinis pa ng mga ito ang lugar na pinaglabanan. "Hah! Sa palagay ko dito na ako mamamatay?  Sayang, hindi ko na malalaman ang sinasabi mong katotohanan."  Bulong niya sa sarili bago ipinikit ang mga mata.

Samantala, isang malakas na pag-tili ng isang babae ang umalingawngaw sa di kalayuan. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumakbo palapit sa kina-bagsaksakan ni Eckiever. Pinilit ng babae na pansamantalang itago ang katawan ni Eckiever sa madamong tabi ng daan at tsaka natatarantang sumakay sa kabayo na hindi naman umalis, kahit hindi siya marunong.

Sa bahay ni Estacie, katatapos lang niya maglinis ng buong loob ng bahay. Wala pa ang kanyang Ina na si Vista. Maaring Hapon na iyon makakabalik. Idinaan niya sa paglilinis ang inis para sa Duke. So, ayun nga, magpapahinga na siya.

"Ate Yssa! Ate Yssa!" 

Ang malakas na sigaw ni Elena ang nagpa-pitlag kay Estacie sa kanyang kinauupuan. Patakbong tinungo niya ang pinto at binuksan iyon.  "Ano ba at para kang takot na takot? May nangyari ba sa Mama mo?"  Kunot noong tanong niya.

Natatandaan kasi niya na may sakit ang ina ni Elena.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Elena bilang sagot. Subalit ang takot at pag-aalala ay sa mukha pa rin niya.  "Okay lang si Mama. Medyo nakaka-tayo na nga. Pero kasi, may nakita akong tao! Nalaglag sa kabayo! Sugatan! May nakatusok pa ngang palaso sa likod niya. Pero may pulso pa! Nawalan ng malay-"

"Relax! Hinga ng malalim... Yan ganyan."  Kahit si Estacie ay parang nataranta na rin sa klase ng pag-kukwento ni Elena.  "So, asan na yung taong sinasabi mo?"

Nanginginig ang mga daliring itinuro ni Elena ang dereksyon ng pinanggalingan.  "D-doon! Halika na at baka mamatay yun! Bilis!" Hinila na nga siya ni Elena kahit pa puro pawis pa siya.

"Sandali! Isasara ko lang ang pinto!"  Aniya bago sumunod kay Elena.

Bahagyang kumunot pa nga ang kanyang noo ng makita ang kabayo na sinakyan ni Elena. Saan ba niya nakita ang kabayong yun? Whatever! Kailangan niyang tulungan si Elena na maligtas ang sinasabi nitong tao. Kahit pa nga, kahit siya ay hindi rin alam kung makakatulong ba.

Pagkasakay sa kabayo, mabilis itong pinatakbo ni Estacie. Mabuti na lang, ugali niyang sumama sa kaibigan niya noon. Taga Batangas ang kaibigan niya noong nag-aaral pa siya ng highschool. May alagang kabayo ang kaibigan at madalas silang naglalaro sakay ang kabayo. Kaya marunong si Estacie magpatakbo nun.

"Dito! Ate Yssa! Ayun, ayun siya!"  Nag-aalalang sabi ni Elena.

Nakita naman ni Estacie ang damit na bahagyang naka-labas sa mga dahon kaya pinahinto niya ang kabayo.  "Tinakpan mo nga ng dahon."  Aniya habang ibinababa si Elena.

"Opo! Kasi baka makita ng taong tumugis sa kanya. Kawawa naman. Halika, dali!"

Napasunod si Estacie kay Elena. At ilang sandali pa, literal na napa-tuwid ang likod ni Estacie. Sinong mag-aakala na ang lalakeng kaaway lang niya kanina, ay heto't walang malay habang nakadapa dahil sa palasong naka-tusok sa likuran nito?

"Ate! Bilis! Tulungan mo ako. Ano ba gagawin natin?"  Ani Elena na natataranta pa rin.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Estacie. Well, hindi naman masama ang tulungan ang mortal mong kaaway diba?   "Damn it!" Bulong niya sa sarili bago humakbang palapit sa walang malay na lalake.

"Relax Elena. Hindi pa siya patay. Nawalan lang siya ng malay dahil lason na naka-lagay sa palaso." Aniya habang naka-patong ang dalawang daliri sa may leeg ng lalake.  "Tulungan mo akong maisakay siya sa kabayo."  Dugtong pa niya.

"Okay-okay. Pero saan natin siya dadalhin?"  Tanong ni Elena.

Saan? Saan nga ba? Ayaw naman niyang dalhin sa bahay niya ang lalake. Hindi rin pwede sa bahay ni Elena. Gusto niyang sapakin ang Duke sa totoo lang.  "Alam mo ba ang dereksyon patungo sa Dukedom, Elena?" Tanong niya sa dalagitang natigilan.

"D-Dukedom?"  Napa-kurap pa nga ito ng ilang beses.

"Hmm! Ang Duke ang taong gusto mong tulungan, Elena. So be grateful. Kapag nakaligtas ang Duke, malaki ang posibilidad na magsimula ng magbago ang buhay mo. Ngayon, alam mo ba ang daan patungo sa Dukedom?"

Wala sa sariling tumango si Elena. Ginulo naman ni Estacie ang buhok nito bago ngumiti. "Then help me bring him to there. Let's go." 

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon