Chapter 17

16 6 1
                                    


Friday, walang pasok dahil busy ang mga guro para sa paghahanda ng gs prom. As I was studying for our upcoming exam, they were probably preparing for their prom. Hayss, it's so enviable. I wonder what it feels like to see your crush at the JS prom. Tapos mangangarap ka na habang tahimik kalang na nakaupo sa isang tabi ay lalapit siya para yayain ka ng sayaw. Bakit ba kase nauna siyang pinanganak? Bakit ba kase hindi kami magkabatch.

Buntong hininga akong napasandal sa upuan at walang ganang pinagmasdan ang papel ko na puro may mga numbers. Ang hirap pero keri ko naman . . . pero mas magandang kung tuturuan ulit ako ni Jal ng math. Pero baka isipin niya na ang bobo ko naman para hindi pa magets ang ganun kasimpleng problema.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ko. Sunod-sunod ang pagpopop nun, ibig sabihin may nag-iingay sa messenger.

I immediately check it at hindi ako nagkamali ng isiping sa gc naming magkakaibigan yun.

Sa vm sila nag uusap kaya kinailangan ko pang isa-isahin yung mga reply nila.

Prince Ricochet: Naiinis talaga ko kay Mam Pilarca! Lahat daw ng nilesson niya lalabas sa exam, so ibig sabihin hindi aabot ng 50 item yung exam kaseeeee halos hindi naman pumapasok yun!

Jennylyn Tanocco: trueeee yan din sana sasabihin ko eh. Tapos eto pa ha, mag review daw, eh ano irereview natin? Eh Hindi naman ako nagtatake note

Prince Rico: shalaaaa kasalanan mong hindi ka nagtake note. Pero same. Hindi rin ako nagtatake note. Stock knowledge nga lang to eh

Jen: dibaaaaa? Kahit stock knowledge nga wala ako eh kase hindi nga pumapasok yun, kaya anong e-estock ko?

Prince: Pero parang pumapasok naman siya pero as far as I remember, bilang lang sa mga daliri ang mga araw na pumapasok siya sa klase natin.

Jen: Isa pa 'tong si sir Magnum, palaging late mag announce teh! Isipin mo gabi mag-aanouce may pa summative raw tapos bukas na agad yun. Alangan naman isacrifice ko yung sleep ko?

Prince: ay shalaaaa pero pagdating sa pagbabasa ng Wattpad, sa umaga na natutulog.

Jen: Tvngina mo . . . Ikaw nga, puro kayo late night talk ng jowa mo. Matutulog nalang nagvvc pa, ano yun pahabaan ng hilik?

Prince: Wow! I'm just stating the fact na puro ka Wattpad at wala naman akong problema sa pagrereview ng gabi. Kahit Hindi nako matulog oo! Ikaw lang 'tong may say.

Jen: Ede sorry. Well anyway nabasa mo na ba yung casa inferno na bagong release na book ni Serial sleeper?

Prince: Ay oo, I just bought a book from orange app. Subrang ganda beh

Jen: luh? Totoo? Pahiram

What just happened? Bakit parang ang daming nangyari? Nagrarant lang sila kanina about sa mga guro, tas biglang napunta sa stock knowledge, sacrifice of sleep, biglang nag-away tapos biglang move on to other topic agad?

Prince: Feeling famous yung Isa oh, puro seen

Feeling ko ako yung pinaatamaan nito.

Jen: naggc pa kung dalawa lang tayont nag-uusap. Nagpm nalang sana oo!

Ang ooa ng dalawang to.

Agad na'kong nagtipa para magreply dahil baka kung ano pang sabihin nila .

Ballpen Jeke Vacenciou: nag-aaral kase ako

Prince: ay aral well teh, Ikaw ang pag-asa namin

Jen: Hindi kami kukuntra teh, mag-aral kalang, Ikaw ang source of answer namin

Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon