Nagkagulo ang mga kawal at tauhan ng Dukedom na dumating sila Estacie Na bitbit ang walang malay na Duke. Bagamat sobrang putla na ng lalake. Siguro ay dahil sa lason na nasa loob ng katawan nito.
Kanina, bago sila dumiritso sa Dukedom, dumaan muna sila sa bahay ni Estacie at kumuha ng telang ibabalot sa katawan ng Duke. Ayaw niyang idisplay ang katawan ng Duke sa kalsada habang tumatakbo ang kabayo. Mabuti na lang malaki ang kabayo ng Duke, nakaya silang tatlo. Well, hindi rin naman sila mabigat ni Elena.
"Miss. Estacie Somyls!" Sigaw ng isang lalakeng nakasuot ng kulay itim na long-sleeves at itim din na pambaba.
Hindi niya alam kung paanong nakilala siya ng lalake pero wala na siyang pakialam doon. Hindi rin naman niya ito kilala. "Kung lumapit ka sa akin para magpasalamat, hindi ako ang dapat mong pasalamatan kundi ang dalagita na nasa tabi ko, Mr. Siya ang unang nakakita sa Duke at nagpa-tulong lang sa akin dahil hindi siya marunong magpatakbo ng kabayo." Awat ni Estacie sa sasabihin ng lalake.
Nilingon naman nito si Elena na bahagyang nanginginig pa rin. "What is your name, Miss?" Tanong ng lalake.
Kung huhulaan ni Estacie ang posisyon ng lalake sa palasyo ng Duke. Masasabi niyang isa itong Butler.
"Elena.. Elena Sebastian, My Lord." Naka-yukong sagot ni Elena.
"Bring her water, can't you see, nangangatal pa rin siya dahil sa takot?" Napapa-buntong hininga na sambit ni Estacie sa Butler na bahagyang napa-pitlag.
Mukhang kahit hindi nito ipahalata, nakikita ni Estacie na natatakot ang Butler para sa amo nito. Ilang beses itong tumango at tsaka inutusan ang isang taga-silbi na kumuha ng tubig. Nanatiling nagmasid na lang si Estacie.
Napansin niya ang malaking chandelier sa mataas na kisame ng palasyo. Pinaghalong kulay ginto at silve-wait! Don't tell her! It's really Gold and Silver?! Seryoso? Hiyaw ng utak ni Estacie.
So, totoo ngang napakayaman ng Dukedom. Wow! Puro mga mamahaling bato ang nakikita niyang naka-disenyo sa dingding na nasa loob ng palasyo. Napansin din niya ang malaking portrait na nakasabit sa dingding. Bagamat hindi niya alam kung sino iyon. Sa harapan niya, nakasabit naman ang malaking portrait ng Duke. He looks so elegant and handsome. Kundi nga lang sa pangit na ugali neto.
"Mr. Vettel! Delikado! Masyadong malakas ang lason na nakalagay sa palaso! Kumalat na sa katawan ng Duke at kasalukuyang patungo na sa kanyang puso."
Sabay-sabay silang napalingon sa Doktor na biglang sumulpot. Dinig ni Estacie, personal doctor ito ng Duke at naka-tira din sa palasyo ng Dukedom.
Si Elena ay napa-singhap sa kanyang tabi. Hinawakan ni Estacie ang nanlalamig na kamay ng dalagita at tsaka bahagyang pinisil.
"Sinasabi mo ba na kailangan na nating tawagin ang Saint para sa kaligtasan ng Duke?!" Bulalas ng Butler.
Nang tumango ang Doktor, napa-kunot ang noo ni Estacie. Anong Saint ang pinagsasabi ng mga ito? Mukhang may nakakalimutan ata siya sa estado ng buhay ng mga taong naka-tira sa mundong kinabibilangan niya na ngayon.
"Mahabaging Goddess! Alam mo ba kung ilang oras ang gugugulin bago makarating ang Saint sa Dukedom!?" Sigaw ng Butler.
"Pero siya lang ang kailangan natin! Gagawa ako ng paraan para humina ang pagdaloy ng lason sa katawan ng kamahalan. Ipatawag mo na ang Saint!" Pagkasabi nun ay mabilis ng tumalikod ang Doktor upang bumalik sa kwarto na pinagdalhan ng mga ito kay Eckiever.
Ang Butler sa tabi niya na tinawag na Mr. Vettel ay natatarantang iniwan sila ni Elena ng walang paalam. Dahil dun, napa-tingala si Estacie at tsaka bahagyang hinila si Elena upang sumunod sa Doktor.
Nagulat pa nga ito ng makita siya. May ilan ding kasama ang Doktor-kung tawagin sa modernong mundo, nurses.
"He looks dying." Usal niya sa Doktor na napa-lunok.
"My Lady.. We would like to thank you for bringing him here." Napa-lunok ito sa harap niya.
Hindi umimik si Estacie. Bagkus ay nilapitan ang Duke. "Hey! Don't you dare die, hindi pa kita nasisingil sa utang mo sa akin. I need you to see kung paano ko ipamukha sa'yo na mali ang pagkakakilala mo sa akin." Tiim ang mga bagang na wika ni Estacie.
Nakakaramdam siya ng inis ng mga oras na iyon. Marami pa siyang gustong sabihin sa lalake pagkatapos na mapatunayan niya na siya ang totoong biktima at hindi ang babaeng kinakampihan nito.
At dahil sa inis, umangat ang kamay niya at wala sa sariling ipinatong sa sugat na nasa likod ng Duke. Narinig niya ang pag-singhap ng mga naroon.
"I won't allow you to die without asking my forgiveness, Eckiever Arkhil. Not in this world!" Napapikit si Estacie sa tindi ng emosyon na nararamdaman niya. Galit, at pagkasuklam. Kapag namatay si Eckiever, paano niya lilinisin ang kanyang pangalan sa harap ng lalake. "I hate you for insulting me, for accusing me. I hate you! Dahil sa'yo, isang beses na akong namatay, kaya hindi ako papayag na mamatay ka ng hindi humihingi sa akin ng kapatawaran."
"Oh my Goddess!"
Narinig ni Estacie ang sunod-sunod na pagbulalas ng mga tao sa paligid niya pero nanatiling naka-pikit ang kanyang mga mata. Ayaw niyang ipakita sa iba ang galit na alam niyang naka-display sa kanyang mga mata.
"How is that even possible!? The wound is healing!" Napa-twitch ang kanyang tenga sa narinig.
Pinagsasabi ng mga to? Dahil sa curiousity, nilingon niya ang mga kasama sa loob ng kwarto ng Duke kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata. Ang kanyang kamay ay nanatiling nasa katawan parin ng Duke.
"What happened?" Kunot noong tanong niya ng makita ang namimilog na mata ni Elena at ng Doktor.
"Ate Yssa... You're a saint!?" Bulalas ni Elena na lalong nagpakunot ng kanyang noo.
Kaya nalilitong sinulyapan niya ang lalake sa gilid niya. Literal na nabawi niya ang kamay at napaatras ng makita ang likod ng Duke. Wala na doon ang sugat. At bumalik na rin ang orihinal nitong kulay. Anong nangyare?
"Nasaan na ang sugat ng Duke? Wait, is he alive now then?" Lutang pa rin siya dahil sa nasaksihan.
"Ate Yssa! Ikaw ang gumamot sa Duke! You're a saint!" Masayang banggit ni Elena bago hinawakan ang kamay niya.
"Anong Saint!? Hindi ako Saint!" Bulyaw niya dito. "I'm sorry- sigh.." Bahagyang napaatras si Elena kaya humingi siya ng sorry dito. "Look, hindi ko alam ang sinasabi mo. So, pwede na ba tayong umuwi? Medyo, nahihilo ako-" hindi na nga niya natapos ang sinasabi. Nagdilim na ang paligid ni Estacie.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...