Xi
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
Nakarating kami sa bahay ni Lolita nang hindi umiimik.
Naunang lumabas sa sasakyan sina Luz at Kuya Louis at agad akong pinagbuksan ng pinto. Inalalayan ako ni Luz nang mapansin ang panginginig ng tuhod ko.
"Careful." sambit ni Kuya Leyhz na nasa gilid ko na rin pala.
Nasa likod namin si Kuya Louis.
Pagkapasok namin sa loob, rinig na rinig ang ingay nila sa sala. Nagpunta kami roon at nakitang kumpleto na silang lahat. Mukhang kami ang nahuling makarating.
Nang makapasok kami ng tuluyan sa loob ng sala, nalipat ang atensyon nilang lahat sa'min.
"Paano ba 'yan bro, ako na ang mas mabilis magmaneho sa'ting dalawa" nakangising sambit ni Kuya Raphael.
"Tagal niyo naman, Kuya Leyhz." dagdag pa ni Kuya Rainier.
"I apologize for being late. Something happened when we were on our way to Abuela's house." seryosong sambit ni Kuya Leyhz. Nagtatakang napatingin sa kanya ang mga pinsan nila.
"Anong nangyari kay Kina? Namumutla siya." Nagtatakang sambit ni Roxhtin ng makita ang histura ko. Pagkasabing pagkasabi ni Roxhtin iyon ay agad na nagsipagtayuan ang ibang mga pinsan nila at napatingin sa'kin.
Dahan-dahan akong pinaupo ni Luz sa upuang malapit sa'min.
Lumapit ang mga pinsan nila sa kinaroroonan namin at nagtatakang napatingin sa hitsura naming apat.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Kuya Raphael kay kuya Louis.
"Kuya Vio, Abuela, can we talk outside?" seryosong sambit ni Kuya Leyhz tsaka inilabas ang cellphone ko na itinago pala niya sa kanyang bulsa.
Seryosong tumayo si Kuya Vio at nagsimula nang maglakad papunta sa direksyon namin nina Kuya Leyhz. Bago tuluyang lumabas si Kuya Vio ay tinapunan muna niya ako ng tingin.
May kinuhang magazine ang ibang pinsan nila sa ilalim ng mini table ng sala at iyon ang ginamit nilang pamaypay sa'kin.
"Hindi yata siya makahinga. Tapatan niyo ng electric fan." rinig kong sabi ni Rylee na siyang ikinangiwi ko.
"Aircon na lang kaya para mabilis?" singit naman ni Roxhtin na nakikiusyoso na pala sa'min.
Napatingin ako sa mga magpipinsan na umalis saglit at may bitbit na ngayong electric fan. Iyong iba naman ay buhat-buhat iyong nakatayong aircon sa gilid ng sala. Medyo malaki-laki iyong aircon kaya nahirapan silang buhatin iyon papunta sa kinaroroonan namin.
"Idiots!" rinig kong sambit ni Kieth sa mga pinsan niya na may hawak na electric fan at aircon. Napatingin ako kay Kieth na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa couch ng sala. Naka krus ang kanyang mga braso at salubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa mga pinsan niya.
"Mga engot! Hindi talaga siya makakahinga kung pinalilibutan niyo siya diyan!" inis na sabi ni Luz at dali-daling tinutulak ang mga magpipinsan palayo sa'kin.
Lumapit si tita Keya sa pwesto ko at nag-aalalang sinipat-sipat ako.
"Anong nangyari? Nanginginig ka." nag-aalalang sambit niya.
Nang mapansing hindi ako nagsasalita, si Luz at kuya Louis naman ang binalingan niya ng tingin. Lumapit na rin sa'min ang ina nina Kuya Leyhz at nag-aalalang sinipat-sipat din ang anak.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mistério / SuspenseUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...