MOONLIGHT CONFESSION

4 2 0
                                    

Ash's POV

I felt like kicking myself. I mean, how can I calm down when I'm alone with someone that I like in the room? Goodness, I'm losing my sanity here!

There was this kind of tension in the air, the only thing that I can hear is him, humming a 90's song. I tried to focus on what I was reading, when he broke the silence.

"Huy! Hindi ka pa ba uuwi?" I took a deep breath, trying to compose myself first, before looking at our Vice President-Poy, na nagsisimula nang mag-ligpit ng kanyang gamit.

"Um... I'm waiting for Patricia. Sabi niya kasi sabay kaming uuwi." I looked at my watch. It's 7:32 pm already. Mga ganitong oras ay natitira na lamang sa loob ng Arellano University ay ang mga estudyang naka-night shift, at isa ako sa mga iyon. Our class was dismissed already, pero kanina pa nagsi-uwian ang mga kaklase ko. Ibinalik ko ang atensyon sa librong aking binabasa, ngunit wala pang tatlumpung segundo ay nilingon ko ulit siya dahil napansin kong hindi pa siya umaalis.

"Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" Itinaas lamang niya ang magkabilang-kilay tsaka tumango-tango.

"Why?" I asked calmly.

Ngumiti lamang siya tsaka nagsimulang lumakad papunta sa silyang nasa harapan ko. Umupo siya dito at humarap sa akin.

"Hindi lang ikaw ang may hinihintay. I'm waiting for my girlfriend." Iniwas ko ang aking paningin tsaka itinuloy ang pagbabasa.

"It's supposed to be ex. You guys aren't together anymore, right?" Mahina pero tunog sarkastiko kong tanong dito tsaka siya sinulyapan, only to find out his gaze locked upon me.

"What? Am I wrong though?"

Itinagilid lamang niya ang kanyang ulo na para bang ine-examine ang mukha ko, then a feint smile escaped his lips.

"Nothing. Akala ko kasi ay wala kang pakielam sa paligid mo. Marunong karin palang maki-chismis." He stated and let out a small giggle.

"Hindi ako nakiki-chismis. Sadyang maingay lang talaga mga kaklase natin kaya ko nalaman." Iniwas ko ang aking paningin sa kanya tsaka tumingi sa labas ng bintana. Full-moon ngayon, at saktong walang gaanong ulap ang nasa langit kaya kitang-kita mo ang kagandahan ng buwan.

This is the first time I stayed in the university this late, and it's worth it. This is the first time I have ever seen the moon this beautiful, because in my room, the only thing you can see outside is the bright light coming from the lightpost in front of our house. But I can't seem to fully adore its ethereal beauty with all of these thoughts on my mind.

"The sun has set, and you're right here by my side."

Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko kung paano nag-reflect ang liwanag ng buwan sa kanyang mga mata. Nakatitig lamang siya sa kabilugan ng buwan habang mahinang pinupukpok ang lamesa na gumagawa ng mahina pero magandang tunog.

His voice is cold, but it's also warm. The kind of voice that will give you chills over your neck, creating an electricity to make your heartbeat faster.

"And the wind is blowing, but we're here, alone in the night."

Patuloy ko lamang siyang tinitignan habang pinapakinggan ang pagkanta niya ng Moonlight ni Ariana G. kahit pa iniba niya ang mga liriko nito. I remember him singing the exact song, with his own lyrics he made up, on the foundation week last month.

Ugh yeah I remember, he said he was singing this to his special someone. At that time, he and Veronica are still together. Lucky girl.

"Every look, every talk, makes me wanna give you my heart. I have a crush on you my baby, and I just can't stop 'cause..."

MOONLIGHT CONFESSIONWhere stories live. Discover now