Karma's P.O.V
*Broom-broom-Broom!
*Bro-ro-ro-ro-ro-ro-rom!
*Vooooommm-voo-voommm! Vo-voomm!
*Vo-voooommmmm! Voooommmmmmmmmm! Vo-vo-vo-voommmmm!
Punong-puno ng ingay na galing sa ugong ng mga motor ang namumutawi rito sa gitna ng Plaza, rito pa rin sa Smog Town. Isang oras na lang kasi at magaalas-dose na, ibig sabihin magpapalit na naman ng taon.
Mas maraming dumalo ngayon kaysa noong nakaraang taon. Siguro mapepera na ang mga kabataan ngayon, dami na kasing mga naka-motor eh. Tulad ng sinabi ko, halos mga menor-de-edad ang nandito, at karamihan s akanila ay talagang tigitig-isa pa ng motor.
Kaya mas dumadami customer ng talyer, dahil sa kanila 'yon. Todo bomba kasi, tapos kapag nasunog na ang ibang parts ng motor, itatakbo sa talyer namin. Pabor-na-pabor din ang ganitong pagkakataon kasi mas nakararami ako ng ipon.
Motor Show ang nagiging ganap ng Plaza tuwing sasapit na ang Bagong Taon. Palakasan, at patibayan talaga ng motor, ayon nga lang dapat patibayan na lang din ng ilong at tenga dahil sa mga usok, at sobrang lalakas na tambutso.
"Oy! Long time no see," anang malagom na boses. "Buti nagawi ka ulit dito, mukhang busy ka na."
"Joshua, ikaw pala! Marami kasi akong trabaho eh, kaya ngayon na lang ako nagawi rito," bati ko pabalik.
"Ganda ng motor, ang angas!" Napansin ko kasi ang motor niyang parang kumikinang pa sa sobrang linis.
"Ayos ba? Ngayon ko lang nilabas eh, para lang talaga sa event na 'to," sagot naman.
"'Wag kang mayabang, unggoy! Mas maganda pa rin motor ko sa'yo," bigla namang sumulpot si Jordan at mapaglarong inakbayan si Joshua.
"Mga ungas! Pareho lang namang 155 cc mga motor niyo!" pangaasar ko naman na ikinabusangot nilang dalawa.
"Ikaw nga walang motor!" asik ni Joshua.
Ngumisi muna ako bago sumagot, "Hindi ko dinala talaga, baka kasi mainggit kayo."
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Teen FictionWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...