CHAPTER 43

400 23 3
                                    

Patuloy ang pagpa-practice naming lahat para nga sa magiging laban sa Tiago Rios. Syempre by pair ang siste ng practice. Kaya kahit paano ay naging close na kami ni Mcqueen. Maganda din ang tambalan namin dahil nakakasabay kami sa isat isa.

Halos iyon nga ang focus ko ngayon. Kaya bihira na kaming magkasama ni Kaizer. Sa school nalang din kami nagkikita dahil pagtapos ng trabaho sa gabi ay diretso na ako sa pagpapractice.

Pero patuloy pa din naman ang komunikasyon namin. Nag uusap kami gabi-gabi sa video call. Although, namimiss kong matulog sa condo niya.

Sabi ko, saka nalang ako babawi.

Kasabay nga ng paghahanda ng big match laban sa Tiago Rios ay hindi mawala sa isip ko ang birthday ni Kaizer. Excited ako sa araw na yun. Nakabalot na nga ng maganda ang ireregalo ko. Tapos memorize ko na ang birthday message ko sa kanya.

Sana lang walang maging aberya sa araw na yun.

"Bugatti." Tawag ni Mcqueen.

Inabutan niya ako ng bottled water na agad ko namang tinanggap. Binuksan ko ang takip nito bago tinungga para uminom.

Pasado alas dyes na ng gabi at katatapos lang namin magpractice ngayon.

Nandito kami sa Mt.Grallo na isa sa out door race track ng Death Race. Dito namin napiling mag practice dahil sakto ang delikadong kalsada nito sa magaganap na laban namin sa linggo.

Sa mabilis na paglipas ng mga araw ay hindi namin namalayang bukas na magaganap ang laban namin sa Tiago Rios kaya halos hindi na kami mapakali.

Lalo na ako.

"Kinakabahan ka ba?" Rinig kong tanong niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Nang maibsan ang uhaw ay tinakpan ko na ang bote ng tubig na hawak ko.

"Medyo. Kase big game yun. At nakakahiya kung matalo. Mas maganda nga kung lahat ng match ay mapanalo natin." Sagot ko.

"Yeah, agree."

"Ikaw, kinakabahan ka ba?" Balik kong tanong.

Nakangiwi siyang tumango.

"Nakasagap ng tsismis si Cyber na grabe daw maglaro ang mga members ng Tiago Rios. Medyo natatakot lang ako baka pagtapos ng laban natin sa kanila. Wala na akong kamay."

Bahagya akong natawa sa narinig.

"Huwag ka mag alala. Hindi mangyayari yan."

Hindi naman na siya umimik pa.

Nang matapos ang pagpapahinga namin ay nagpasya na kaming umuwi sa Death Race.

Sabay kaming dumiretso ni Mcqueen sa HQ. Nagkahiwalay lang kami ng tumungo na siya sa 5th floor kung saan naroroon ang kwarto nilang mga miyembro ng Bastard Devils. Habang kaming mga Expedallion Crusaders naman ay sa 8th floor.

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong naligo at nagpalit ng damit. Nang matapos ay humiga na ako sa kama ko. Sakto namang tumatawag si Kaizer sa video call. Mabilis ko itong sinagot kaya nag pop up bigla ang mukha niya sa screen.

"Baby, good evening." Bati nito.

Nakangiti kong itinapat sa mukha ko ang cellphone na hawak.

"Nasaan ka?" Tanong ko nang mapansin na hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya.

"Nasa hideout namin sa Milfiore."

"Oh." Tanging na ibulalas ko.

Napansin kong naka-bagsak ang buhok niya ngayon. Walang wax kaya natatakpan ng kanyang buhok ang noo niya.

Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon