"E-Elvidio, nasasaktan ako." Sabi ni Juvilina habang sinisikap na makawala sa pagkakasabunot ng asawa sa kanyang buhok.
Ito ang unang pagkakataon na maranasan niya ang saktan ng asawa. Hindi niya akalain na magagawa nito ang ganun dahil base sa mga kwento ng lalake sa kanya noon, hindi nito napag-buhatan ng kamay ang unang asawa. Gayun din ang kwento ng mga katulong sa mansyon na pinagtanungan niya.
"Papa! Hindi ka dapat na magalit sa amin, aaminin ko na oo! Kumukuha ako ng pera sa ipinagkatiwala mo sa akin, pero hindi ba at ikaw din ang may utos nun sa akin? Sabi mo, pwede ko kunin ang gusto ko dahil gusto mong maranasan ko ang mabuhay na katulad ng kay ate.." Umiiyak na sabi ni Lucy habang nanginginig sa takot.
Hindi rin niya akalain na ganito ang kahahantungan ng lahat. Nung Estacie pa ang pinagkakatiwalaan ng Baron, halos lahat din naman nakukuha ni Estacie. Bakit ngayon, parang mali ang ginawa niya? Bakit pagdating kay Estacie, okay lang!? Wala ba siyang karapatan na maranasan ang maging maginhawa ang buhay kahit sandali lang!?
"Yun ang pinaka-malaki kong pagkakamali! Nung si Estacie ang humahawak ng Treasury, ni minsan, hindi siya kumuha ng pera na hindi nagpapaalam sa akin! Pero ikaw!?" Dinuro ni Elvidio ang dalagang natigilan. "At isa pa, ano ang sinasabi ni Estacie na sinipingan mo ang Crowned prince kahit sila pa ang magkarelasyon!?"
Lalong namutla ang mukha ni Lucy. Si Juvilina naman ay pasalampak na binitiwan ng Baron. Napasubsob pa nga ito sa marmol na sahig ng mansyon.
"H-hindi yun totoo! Siguro ay nag-seselos lang si ate dahil ako ang napili ng Prinsipe na pakasalan." Halos magkanda-samid si Lucy habang nagsasalita.
"Nagseselos?! Nakalimutan mo na ba na siya pa ang humiling sa hari na kanselahin na lang ang kasal nila ng Prinsipe!? Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit mas pinili ni Estacie na hiwalayan na lang si Sinylve!?" Humakbang si Elvidio palapit kay Lucy na napa-atras naman.
Sunod-sunod ang iling neto habang sinisikap na magpaliwanag. Pero mukhang nalinawan na nga ang isip ng Baron. Natigilan lang ito ng biglang kumatok ang Butler na humahangos.
"My Lord! The Royal carriage has arrived! A Royal order has arrived too!" Natatarantang sabi neto.
Lahat ay napa-tingin sa may pinto. Mabilis namang tumayo si Juvilina at sinikap na ayusin ang sarili. Si Lucy naman ay mabilis na nakalabas ng silid at patakbong sinalubong ang tauhan ng palasyo. Tinawag pa ito ng Baron pero parang wala itong narinig.
Sa labas ng mansyon, ang humahangos na si Lucy ay bigla rin natigilan ng makita ang taong may hawak ng Royal order. Ito ay walang iba kundi ang panganay na anak ng hari. Si Princess Sylvia. Malamig ang anyo ng babae at halatang wala itong pakialam sa itsura ni Lucy.
"Princess Sylvia.." Ang Baron ang nagsalita. Nakasunod na ito kasabay si Juvilina na halatang mukhang nabigo din.
Inaakala kasi ng mag-ina na ang prinsipe ang dumating.
"Baron Elvidio Somyls, gustong iparating ng aking amang hari ng Prekonville na muling binago ng palasyo ang araw ng kasal ng iyong anak. Sa kadahilanang isasabay sa pagdating ng pinaka-importanteng bisita ng palasyo." Panimula ng prinsesa.
Matyagang naghintay naman ng kasunod na salita ang tatlo.
"Ang kasal ay gaganapin, bukas ng umaga sa mismong hardin ng palasyo."
Napa-angat ng tingin ang Baron may pagtataka sa isip. Bakit parang masyadong minamadali ang kasal? Parang hindi normal ang nangyayari. Kung ang Baron ay napapa-isip, ang mag-ina naman ay halatang masayang-masaya. Dahil sa wakas, nagtagumpay na silang matakasan ang kahirapan! Wala na silang pakialaman kung maghirap pa ang Baron, may bago na silang pagkukuhanan ng kaperahan.
"Masusunod ang gusto ng hari." Ani Elvidio.
"At syanga pala. Sa tulong ng aking kapatid na prinsipe, nabawi na ang Tears of the Goddess sa taong nag-nakaw neto. Heto, suotin mo, Miss. Lucy Somyls." Inabot ni Sylvia ang maliit na box kay Lucy.
Si Elvidio naman ay literal na natigilan. "Paanong ninakaw? Sino ang nagnakaw?!" Hindi niya napigilan ang magtanong.
Muling namutla si Lucy, pero saglit lang.
"Ahh.. Hindi mo ba alam? Ang sabi kasi ng anak ninyong si Lucy, ninakaw ni Estacie ang tears of the goddess. Kaya sapilitang binawi ng kapatid ko ang mga yan sa kamay ni Estacie." Hindi manlang nabago ang ekspresyon ng mukha ni Sylvia habang nagsasalita. "Kung wala na kayong ibang tanong, aalis na ako. Nasabi ko ng matagumpay ang habilin ng aking ama. Aasahan namin ang inyong pagdating sa palasyo bukas." Ani Sylvia at tsaka tumalikod.
Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang dalaga na may hawak ng maliit na box. Pagkasakay niya sa kalesa, isang nakakalokong ngiti ang kanyang pinakawalan.
"Saan tayo susunod na pupunta, kamahalan?" Tanong ng kanyang bodyguard na nasa labas.
Mabilis na nai-de-kwatro ni Sylvia ang mga hita. Tsaka ipinatong ang baba sa likod ng kanyang kamay. "Sa bahay ni Elena. Bilisan mo dahil baka naghihintay na doon ang taong may pakana ng lahat. Ayaw kong pinaghihintay ang kaibigan ko." Sagot ni Sylvia.
Bukas, sa araw mismo ng kasal ng kanyang kapatid, mangyayari na ang matagal na niyang gustong mangyari. Ang paglabas ng katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. At ang katotohanan sa buong pagkatao ng kanyang kapatid na prinsipe.
Kung alam lang ni Sylvia na tanging ang babaeng yun lang ang makakatulong sa kanya, matagal na sana niya itong kinaibigan. Excited na rin siya sa mangyayari kapag nakita ng bisita na suot ni Lucy ang alahas ng yumaong barones.
"What an exciting event! Mom.. Malapit na. Malapit ng lumutang ang katotohanan sa pagkamatay ninyo ng kapatid kong si Simon. At sigurado ako, pati ang kapatid mong si Eckiever ay magugulat sa katotohanan!" Makahulugang sabi ni Sylvia habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
Ilang sandali pa, narating niya ang bahay ni Elena. Pagbukas pa lang pinto, sinalubong na siya ng dalagita. "Maligayang pagdating, prinsesa Sylvia." Pagbati sa kanya ni Elena.
"Dito na ba siya?" Tanong niya sa dalagita.
"Opo.. Kararating lang din niya. Medyo nahirapan daw siyang makapunta dito." Sagot ni Elena.
"Hmm.. Parang alam ko na kung bakit." Tumatangong sagot ni Sylvia habang binubuksan ang naturang silid sa bahay nila Elena.
Nakita niya ang tao sa loob na nakasuot ng fitted na pantalon at damit na hindi niya alam na maganda tingnan kapag suot ng babae. Akala kasi niya ay panlalake lang ganung damit.
"Nabigay mo ba ang pinabibigay ko, princess?" Tanong ng babae ng makapasok siya.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...