Kabanata 16

9 8 0
                                    

Kabanata 16

Matter

“Ikaw pala iyong vice president sa SSG, Amare?” tanong ni Ysa.

Nagulat rin ako, hindi ko alam iyon kung hindi sinabi ni Tan sa amin ngayon. Ngayon lang sumama sa amin si Amare. Gusto niya kasing makisalamuha sa mga kaibigan ko. This is also what they wanted to do. 

“Ah… oo, Ysa…” nahihiya niyang sagot sa kaibigan ko. “Hindi ko lang pinagsabi dahil hindi naman kailangan.”

“Gagi, ang jackpot. Mabait na, matalino pa! Jusko, saan ka pa makakahanap nang ganito, Bee?”

Sumama ang mukha ko sa kaniya. “Anong ako, magkaibigan lang kami! Kahit kanino mo nalang ako nirereto!”

“Ysa, ano ba? Nandito pa ako? Full package rin ako.” Nilamas niya ang kaniyang muscle at maangas na tumingin sa amin.

Pati ako napangiwi sa ginawa niya.

“Full package sa kagaguhan, siguro oo!” 

Malakas akong natawa.

“Sama talaga ng ugali ninyong dalawa!” duro niya sa amin.

“Paano ka magiging full package ni hindi ka nga na perfect kanina sa chem eh! Kung wala pang bunos hindi ka magkakaroon ng score!”

Tan nodded repeatedly. Tinuro niya pa si Gab.

“Taena, wrong spelling pa iyong bunos na nilagay sa papel ko,” sabat ni Tan.

Nagtatawanan silang dalawa. Masama ang tingin ni Gab sa dalawa, nang dumapo ang tingin sa akin. Tinarayan ako.

“Oh may gusto ka bang sabihin?”

I smirked at him. Hindi na ako sumabay sa biruan nila dahil pareho kami ng score. Baka mabuking pa ako, nandito pa naman si Amare. Nakakahiya.

“May insecurities lang kayo sa akin kasi gwapo ako kaya kayo ganiyan!”

Ysa looks disgusted. Tan only laughed. My right brows rise up. I disagree!

“Never kami na insecure sa mukha mo. Kamukha mo ba naman itong unggoy sa zoo. Nuh-ah. Pass, Gabriel.”

“Mahal mo naman?” banat niya sa sinabi ni Ysa.

“Ulol!”

I stopped minding them. They are still arguing. I saw Tan go back to his phone again. Nasanay na kaming dalawa sa kanila. Ganito ba naman ang araw-araw namin. But I am worried about the man beside me. I see Amare eating peacefully. Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. I smiled. He was smiling.

“Sorry maingay kami kumain,” wika ko nahihiya sa kaniya.

Ngumuso siya. “It's okay. Sanay na ako sa mga kaibigan ko. Alam mo naman kung paano magbangayan sina Mashlee ‘di ba? Kaya okay lang, Adri.”

Ah, oo nga pala! Mas malala nga lang kina Ysa at Gab. Napalingon ako sa dalawang ng biglang umuga ang lamesa. All of our eyes are on them. Nag babatukan na sila. Kulang na lang ihahagis nila ang plato sa isa't isa. May napikon na siguro.

“Hays, I have to live with Ysa and Gab bardagulan,” bulong ko.

Nagaalala siyang tumingin sa dalawa kong kaibigan.

“They aren't fighting for real, right? This is just their love language?” He sounds and looks worried while looking at me.

Pagod akong tumango. “Love language na nila iyan. Word of affirmation ang ginagawa nila. Kung mag kasakitan man sila, physical touch na iyon.”

Broken Vessel (AMOG Series #1)Where stories live. Discover now