PAGHAHARAP

308 21 0
                                    

Dahan-dahang bumaba sa hagdan ang mag-asawang Hanvoc at lumapit kay Estacie na ngayon ay kunwaring tulala.

Of course, kailangan siya ang kawawa. Which actually totoo naman.

"Oh my Goddess! My grandchild, I'm so sorry. We are late."   Umiiyak na sambit ng kanyang Lola.

Bahagyang naantig ang puso ni Estacie. Lalo pa nga at kamukha ito ng kanyang ina sa modernong mundo. "I-im okay now, grandma."  Medyo pumiyok pa nga siya.

"Tell us what happened." Ma-otoridad at madiin na sambit ng kanyang Lolo na nakatayo na ngayon sa harap ng kanyang ama.

"Father.. I.. I don't know that Estacie got.."  Isang suntok sa panga ang dumapo sa mukha ng Baron.

"You don't know!? You're the father, yet you don't know!? Anong klaseng ama ka!? Kaya talaga simula pa lang noon, ayaw ko na sa'yo bilang asawa ng anak ko! You're irresponsible!" Dinuro pa ng matanda ang Baron na napaluhod na lang.

Nilingon ng matanda si Clewin. "Tell us! What did you find?" Ma-otoridad netong tanong.

Napatikhim si Clewin bago bahagyang yumuko.  "According to my investigation, this earing, is actually made by Mr. Salora. Isang sikat na jewelry maker sa Isla ng kololo." 

"Isla ng Kololo? Diba dyan nanggaling ang mag-inang Juvilina at Lucy?"  Sigaw ng isang bisita.

Tumango si Clewin.  "Yes. And he's also here to testify that he was the one who made this." Nilingon ni Clewin ang isang matandang lalaki.

Lumapit ito at tsaka nagsalita. "Ako nga po ang gumawa niyan my Lord. Pero iyan ay ipinagawa sa akin ng isang lalake na may malaking tattoo ng Escorpion sa kanyang dibdib. Ang sabi niya sa akin ay ireregalo niya sa kanyang anak na si Lucy."

Sa sinabi ng matanda. Hindi lang ang hari ng Prekonville ang napa-tayo kundi pati si Eckiever na kanina pa hindi mapakali.

Lahat ay napa-tingin sa mag-ina. Gayun din ang Baron.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Juvilina. "Elvidio.. Makinig ka. Nagsisinungaling ang matandang yan. Hindi ko kilala ang sinasabi niya." 

"Mrs. Porvila, walang apilyedo na binanggit ang matanda pero iniisip mo na agad na ang anak mo ang tinutukoy?" Si Clewin ang nagtanong na nagpa-gulat sa nanginginig na si Juvilina.

"Maalala ko, My Lords, pasensya na. Ako ang ina ni Aloha. Dating Lady in waiting ng iyong apo na si Estacie. Nabanggit niya na nakita ni Lucy ang grupo ng Escorpion noong araw na nawala si Estacie. Hindi kaya, konektado si Miss. Lucy sa pagkawala ni Estacie at sinadya ang krimen?"

Ngayon ay medyo naliliwanagan na nga ang lahat.

"Kaya ba, hindi mo ako pinahanap dahil alam mong si Lucy ang nagpadukot sa akin, Father?" Si Estacie ang nagtanong sa ngayon.

Mabilis na napatingin sa kanya ang Baron.  "Maaring nasaktan kita, pero hindi ako ganun kasama upang ipahamak ka, Estacie. Naging bulag lang ako at hindi ko nakita ang mga palatandaan na nasa harapan ko na mismo. Patawarin mo ako anak."

"Nakalimutan ko, hindi na nga pala kita ama. So dapat, Mr. Somyls lang ang ipatawag ko sayo."  Napa-pitlag ang Baron sa sinabi ni Estacie.

Nasa mukha ang pagsisisi.

"Sabihin mo. Sino ang may-ari ng tela na napunit?"  Sa ngayon, tinatanong ni Estacie si Clewin.

Hindi agad sumagot si Clewin at napa-sulyap pa sa hari.

"Sabihin mo Clewin. Wag kang matakot. Alam ng lahat na hindi ka pumapanig sa kasinungalingan."  Si Eckiever ang nagsalita. Bagamat madilim ang anyo nito.

Hindi alam ni Estacie kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata. Pero kung ano man yun, wala siyang pakialam.

"This hem is part of Royal Family's cloth. Your Highnesses."

Ang sagot ni Clewin ang literal na nag-patahimik sa buong Hardin.

Si Sinylve ay mabilis na napa-lingon kay Clewin. Namumutla at halatang balisa.

"Clewin Lecilion, you know the price of accusing the Royal blood, right!?" Sigaw ng Prinsipe.

"I know exactly, your Highness." Puno ng magmamalaking tugon ni Clewin.

"Paano mo nasabing sa prinsipe nga ang hibla ng damit na iyan, Sir Clewin?"  Ang Prinsesa ang masusing nagtanong.

"Ang tela ay gawa sa silk cloth na kulay red-orange, princess.  Bawat isa sa Royal blood ay may kanya-kanyang kulay na sinusuot.  Sa hari ay Pula, sa Reyna ay Orange, sa prinsesa ay Dilaw, at sa prinsipe ang Red-orange."  Paliwanag ni Clewin.

Napatango si Sylvia.  "How strange. Ngayon ko lang din napagtanto. Tama ka.  Pero..." Nilingon ni Sylvia ang Duke na naka-titig kay Estacie.  "Uncle, ang telang napulot ko malapit sa katawan ng Mama ay kulay Purple. At hawak ko parin yun hanggang ngayon."

Kunot ang noo na nilingon ni Eckiever ang pamangkin na bagamat hindi niya tunay na pamangkin. "Purple?"  Tanong niya.

"Purple, your Highness? How coincidence, ang kulay ng panyo na naiwan sa loob ng silid ng Mama, noong namatay siya sa Lason ay kulay purple din."  Pag-singit ni Estacie sa sinabi ni Sylvia.

Ang lahat ay napa-sulyap sa iisang direksyon.

Bawat pamilya sa Prekonville na kasama sa alta sosyedad ay may kanya-kanyang kulay na nirerepresenta.

"Baron Somyls, paki-paliwanag ang lahat?"  Kasing lalim ng dagat sa Pacific Ocean ang naging boses ng Hari.

"Mr. Somyls, please tell me that my thoughts are wrong."   Kasing lamig naman ng Antarctica ang boses ni Eckiever na mahigpit na naka-hawak sa puluhan ng espada neto.

Napa-tayo si Elvidio. Nanginginig ang katawan na hindi alam ang gagawin. 

Purple cloth.  Kulay ng damit na nabibilang sa pamilya Somyls. To be precise, ito ang tela na ibinigay sa kapatid ng Baron na isa sa concubine ng Hari.

"Father, before confronting him, please hear me out. When mother died, I found her diary. She said, my brother, my real brother, died, the day before she was poisoned. And the child who was besides her that time, is not actually her son!" 

Namimilog ang mga matang napa-sulyap ang lahat sa pwesto ni Sylvia. Hindi lang si Eckiever, kundi pati ang Crowned prince.

"I have evidences in me. And I'm telling you all now, Crowned prince, Sinylve, is not the Queen's real son, but actually Concubine Somyls. She was also the one who poisoned my Mother the queen, and the mother of Miss Estacie!"  Dugtong pa ni Sylvia.

Kung ang lahat ay talagang nagulat sa dami ng revelation, si Estacie naman ay lihim lang na nag-bubunyi.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon