CHAPTER 44: BLOOD

55 3 32
                                    

WALA akong makita dahil sa nilagay nilang sako sa ulo ko. Hindi ko alam kung maayos ba ang tawag sa damit na suot ko ngayon. Isang itim na bra at isang black fitted jeans lamang ang natatangi kong suot.

"Saan niyo ba ako dadalhin!"sigaw ko pa. Alam ko ding nakasakay kami ng sasakyan ewan ko ngalang kung saan nila ako dadalhin.

Mas lalo akong nanginig sa kaba at takot dahil sa pagkakaladkad na naman nito sa akin palabas ng sasakyan.

Pinakinggan ko ang paligid dahil wala naman akong makikita na kahit ano.

Nagtataka ako dahil sa subrang ingay, may nagpaputok ng baril kaya napaiktad ako sa pagkabigla. Hindi ko alam ano gagawin ko.

Nagpasalamat nadin naman ako dahil tinanggal na nila yung nakatakip sa ulo ko.

Anong nangyari? Bakit ganito?

Napatingin ako sa paligid na nagpapalitan ng putokan sa isa't isa. Yung tila namanhid ka sa kinatayuan mo, madaming naka handusay na walang buhay. Natakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan ko.

Kinaladkad nila ako patungo sa harapan ng madaming taong halos wala ng mga emosyon na makikita dahil sa nangyari.

Nandito kami ngayon sa stage kung saan dito din halos lahat nagpapatayan.

"Masaya ba!" Sigaw ni Miguel sa mga taong nagpalitan ng suntok kaya naman natigilan silang ano ang gagawin nila.

"I'm happy to see you slowly disappear in front of me! You know why I do this because everything depends on it!" Holds the microphone and laughs watching the students kill each other.

Bakit ito nangyari sa akin, gusto ko lang naman mamuhay ng payapa at gawin kung ano ang gusto ko. Napaiyak ako, dahil naiisip ko na ding patayin ang sarili ko. Bakit ba hindi ako marunong makipaglaban man lang para sana matulongan ko iyong mga taong nangangailangan sa akin.

"Don't worry, I'll tell you why I'm here and I'm with one of your students here." He turned to me and pulled my hair so I fell to my knees from what he did. "Watch the students slowly die because of you. If you don't want to sign the paper I'm going to give you won't be the only one you'll see."

Pinilit kong pinatatag ang sarili ko para kahit papaano may lakas akong unawain ang lahat.

Napapitlag ako dahil sa lakas ng pagsabog. Napatingin ako doon pero wala naman akong nakikitang mga tao.

Ayukong nakikitang unti-unting nasisira ang unibersidad na ito. Dito ako nakahanap ng mga taong naging kaibigan ko.

Ano ba kasing nangyari?

"Lollie, anak!"bigla akong nabingi dahil narinig ko. Isang boses na hindi man lang familiar sa pandinig ko.

Hinahanap ng aking mga mata kung saan nanggaling ang ganoong boses. Wala akong nakita ni kahit anino man lang.

Bakit nawala? Nasaan naba yun?

"Vannez!"nanlaki ang aking mga matang tumingin sa mga kapatid kong puro sugatan ang katawan.

Hindi ko makapaniwala na ngayon ganito na sila, no'ng una kong kita sa kanila halos wala pang galos sa mukha. Muntikan na akong matumba dahil hanggang ngayon hindi padin ako nakakain ng pagkain.

"Subukan mong lumapit sa kapatid mo at basag yang bungo mo!"sigaw nito sa mga kapatid at kaibigan ko na sumunod pala sa kanila.

"Bakit mo dinamay sila dito! Wala kang hiya kahit kailan."bigla akong tinutukan ng baril sa noo.

Pero bigla naman akong kinabahan at napaluha dahil ngayon ko lang naman na matagal pinangarap ko nang gustong marinig ang salitang 'anak'.

"Subukan mo ding itutok yang baril sa ulo ng anak ko at magkamatayan tayo."bigla naman kaming napatingin sa nagsalita sa likuran ni Miguel." Long time no see my step brother."n
mahahalata talaga sa boses nitong nagtitiim bagang na hindi mapigilang sumabog dahil sa galit.

Mata,ilong, at makakapal nitong kilay kapariho-pariho kila kuya. Pero yung maninipis nitong labi ay kagaya ng sa akin.

"Hindi mo manlang sinabi sa akin na ganito ka pala mag welcome party sa akin."nakatulala lang ako sa mukha nito.

Madaming tanong na pumasok sa isip ko pero kahit ni isa wala man lang ako masagotan sa tanong ko.

Madaming bulungan ang naririnig ko sa mga studyante na siya daw ang dean lister ng skwelahan na ito.

Sandali lang kasi hindi ko pa maprosseso ang lahat ng nangyari ngayon simula pa no'ng na wala ako hanggang sa napunta sa ganitong sitwasyon.

"I already told you not to involve my children. I granted your request so you wouldn't hurt them!"nakatutok padin yung baril nito kay Miguel.

"I followed my child's request here, Lorenzo, not yours."

"I haven't done anything wrong to you! Pero anong ginawa mo sinira mo lang ang pangalan mo!"

"Sa amin dapat ang titulong ito Lorenzo,kung hindi mo inagaw sa akin. Maayos na sana yun kung hindi mo pinatay ang asawa ko!"

Huh? Asawa? Pinatay? Sino?

Ano ba itong nasa harapan ko? Ang gulo.

"Ako nga ba ang pumatay sa asawa mo. Subukan mo kayang tanungin yang anak mo at magkaalaman tayo!"nangangalaiti na naman ito sa galit." Hindi mo ba alam na pinatay ng ampon ninyong anak ang asawa mo... Bulag ka kasi sa pangyayari."

"LEE!"kapag siguro may kasamang bompa ang boses nito paniguradong sumabog na ang tinatayuan namin ngayon dito.

"Do you killed your own Mother?"tanong nito, akala naman nandito si Lee sa harapan niya.

Wala akong nakitang ni anino ni Broccolee dito. Kanina kasi hindi ito sumama sa amin papunta dito.

"Pakawalan mo ang anak ko, Miguel...sinasabi ko sayo no'ng una palang huwag na huwag mong idamay ang mga anak ko!"napantig ang tinga ko dahil sa sigaw nito." Dahil dinamay muna ang panganay ko, tapos idadamay mo pa ang bunso ko dito."

Ang sakit marinig ang salitang anak na matagal mo nang gustong marinig.

"What do you mean, panganay?"takang tanong ng kapatid kong si Kuya Leo. " Ibig sabihin may tatawagin pa akong Kuya."napahagulgol ito.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito kahina sa harap ng madaming tao.

"Matagal ko nang pinangarap na hindi ako ang panganay dahil akala ko lahat ng responsibilidad ay sa akin mapupunta."napaupo ito dahil sa paghihina.

Akala ko, ako lang yung nasasaktan ng ganito.


_________________________________
Sorry sa late update...

Hanggang matapos ang story puro Kay Lollie nalang talaga ang POV na'to. Kaniya ko i-focus yung kwento at chapter nat

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED/Under edited)Where stories live. Discover now