Let go (Short Story)

49 4 1
                                    

"Mae! Halika ka na! malalate na tayo! Bilis!"

Ako pala si Maedeline. Short for "Mae"

"Oo na! wait lang! Ang bilis mo kasi tumakbo eh!"

"Malalate na kasi tayo!"

Siya nga pala si Leanne. Best Friend ko since elementary pa kami. Para ko na nga siyang kapatid eh.Siya rin ang kakampi ko sa lahat ng mga umaaway saakin. Super hero ko yan!

"Ready ka na pumasok?" tanong ni Leanne

"READY!" sagot ko

*OPEN*

"Maedeline and Leanne! Your late again!"  sabi ng masungit namin na teacher. First subject pala namin siya ngayon.

"Sorry po ma'am" sabay namin sinabi

"Hays, sige na. Umupo na nga kayo.." sabi ni Ma'am

"Thank you po ma'am"

After 2 subjects

*RIIIIIINNNNNGGGG!* Recess na namin.

"Mae, halika punta tayo sa canteen" aya saakin ni Leanne

"Sige, may bibilhin din ako sa canteen eh." sabi ko

Pagkatapos namin bumili ng pagkain namin, pumunta kami sa isang bakanting table.

"Uy! musta na pala yung lovelife mo? Any progress? Kinakausap mo ba siya? Ano? Kinakausap mo din ba siya? hah?" tanong ni Leanne

"Hinay hinay lang sa tanong anne! haha! excited much?" sabi ko

Si Leanne din ang nag bibigay ng advice saakin para magustohan ako ni James. Ang crush ko ay hindi na pala crush, ang LABS ko. Tutal daw kaibigan niya si James. 

Yes, kaibigan ni Anne si James. 5 years na sila mag kaibigan.

"Sabihin mo na kasi eh!! Alam mo naman na matagal na kami magkaibigan ni Ja---" hindi ko na siya pinatapos at sinubuan ko siya ng tinapay.Pinagtitignan na kasi kami ng mga tao sa canteen. Ang ingay kasi eh! nakakahiya!

"Ano ka ba! ang ingay mo. Rinig na rinig ka na oh!"  bulong ko sakanya

"Okay okay" sabay tagal ng tinapay na sa bunganga niya "basta, yung advice ko sayo ha? wag kakalimutan? always drink milk, eat veges para mas lalo ka gumanda at para magustohan ka ni--"

"Oo na po. Oo na po! Kulit! haha!" sabi ko

Lagi kami ganito kasaya. Lahat ng secrets ko alam niya. Lagi niya ako tinutulongan. Kaya mahal ko ya eh! She is the best among the rest best friend ever! But until one day..

Parang lahat ng pinagsamahan namin NAWALA.

Palabas na sana ako ng classroom ng bigla ako tinawag ni Anne. 

Kinakabahan nga ako eh. Feeling ko parang may bad news or something. Base on her expression.

"Mae.." sabi niya with a worried expression

"Bakit? what's with that face?" tanong ko

"May sasabihin ako sayo.."  sabi niya?

"Hala ano yun? Natatae ka ba?" sabi ko habang tumatawa

"Mae, seryoso ako.." sabi niya. 

"Uy joke lang! Ito naman. Oh ano yun?" 

"Mae.. wag kang magagalit ha? kahit anong mangyari, friends parin tayo?"

"Kinakabahan ako sayo! ano ba yun?"

"Mae.. kami na..."  sabi niya 

"WEEEEEH? sino? who's that lucky guy?" sabi ko

"Si..." 

"Sino?"

"Si....

.

.

.

.

.

.

James."

Para ako naging statue. Hindi ako makagalaw. Para bang gumuho ang buhay ko. Di ko matanggap na sarili ko best friend, na parang kapatid ko na, ang girl friend ng lalaking mahal ko. Gusto ko magwala. Gusto ko magalit sakanya pero di ko kaya..

"Mae..Mae.." sabi niya saakin habang ni yuyugyug ako ng mahina. Hindi ko pala namalayan na nakatulala na pala ako.

"Ah.." sabi ko

"Sorry talaga. I'm really sorry."  sabi ni na parang naluluha na.

"Ano ka ba! Okay lang yun! :) I understand naman na mas matagal kayo magkakilala tapos magkaibigan pa kayo. Kaya I understand."

Nice lie Mae. Nice..

Napalitan ng expression niya. Naging masaya siya. Pero umiiyak siya. Tears of joy ba.

"Thank you talaga maedeline! Thank you!" 

sabay hug saakin. 

then I hug her back.

Pinipilit ko wag umiyak. Para sakanya. Para sakanila.

"Sige, mauuna muna ako sayo ha?" 

Nag nod nalang ako and smile.

Pero noon papaalis na siya ng classroom, bigla siya bumalik. At sinabing 

"Wag kang mag alala. AALAGAAN KO SIYA PARA SAYO."  then umalis siya.

Yung mga luha na tinitiis ko kanina? Di ko na nakayanan. I started crying. My tears won't stop falling.

After that day, I realize that sometimes, if you really love someone, you have to let go of them. Kahit masakit. Kailangan. Kahit sa Best Friend mo pa siya mapunta.

&

THERE ARE MANY FISHES IN THE SEA! ika nga nila :)

~~~~~~~~

True story po ito :) Story ko haha :D sad noh? pero okay lang yan! I believe na makakahanap ko din ang Mr.Right ko. Not now, but someday. Malay niyo BUKAS pala yun! hahahaha~

At kong tinatanong niyo kong kumusta ang best friend ko? 

Yun, okay lang naman kami, Still friends :) 

Sorry po kung lame story ko hehe. Nanenervous pa nga ako ipublish to baka hindi niyo magustohan. hehe

VOTE, COMMENT & BE MY FAN/ FOLLOWER (kong gusto niyo)

 Ciaooooo ☆

~Blue_twinklestar

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let go (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon