That feeling that I-don't-know

5K 100 7
                                    

Day Six


May 22, 20**


Dear Ma and Pa,

I feel so weird... I feel at my worse... Ma... Pa... for some reason I feel a sudden burden in my chest. A heavy pounding just knocks in me. For some reason, I just want to go home, there, with you, with Andrew. But... I promise to go home there at Alaska with Andrew's mother. However, what if I can't find her? What if, she isn't here anymore? What if she's not with us in this world... anymore? Probably you're curious with all my sudden questions, but please feel at ease... Just ignore these rumbling thoughts of mine... just ignore...

I'm just gonna send you another e-mail as soon as I have a new information...


Your Son,

Marcus

***


Kakaibang liwanag ang gumising sa akin mula sa aking pagkatulog. Napamulat ako. Nakalimutan kong isara ang kurtina ng bintana ng room ko. Hula ko alas-nuebe na ng umaga base na rin sa angat na araw sa kalangitan. Napapikit pa ako habang pinipilit ang aking sarili na tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama. Pagkalagpak ng aking mga paa sa carpeted floor ng room ko, napansin ko ang isang piraso ng pink na tela sa sahig. Mukhang panyo... ata. Dinampot ko iyon at tuluyan ng tumayo. Pinagmamasdan ko ang tela sa aking kamay. Nagtataka kung saan galing. Napakunot-noo ako.

"Tagal mong magising," komento ng isang boses na sobrang pamilyar ako.

Biglang kilabot ang naramdaman ko. Pakiwari ko binuhusan ako ng malamig ng tubig. Napatingin ako sa upuan malapit sa bathroom ng room ko. Kaagad kong nakita ang buntis na dalaga sa suot niyang pink na night dress. Nakayapak lang ito. Wala siyang suot ni tsinelas. Maaliwalas pa rin ang mukha nito habang nakangiti sa akin.

"Paano ka nakapasok dito?" kalmado kong tanong, pinipilit ikulong ang gulat na nararamdaman ko.

Medyo tumawa ito at saka tumayo, dahan-dahan. Maalaga niyang hinaplos ang tiyan niya habang palapit sa akin. Inabot ko sa kanya ang tela sa aking kamay. Sigurado akong sa kanya iyon base na rin sa mukha niya. Inabot naman niya ang tela at nagpasalamat.

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko," medyo nakukuha ko na ang kompusyor ko, "Bakit at paano ka nakapasok dito?"

"Ikaw kaya ang nagdala sa akin dito," sagot ni Ms. Preggy sabay biglang higa sa kama, para lang bata. 

Kung matatandaan ko, Annie pala ang pangalan niya. Annie... Pero bakit di ko masabi sa kanya ang sarili nitong pangalan? Nakakailang ba o... ano?

"Ang maalala ko lang, nasira na naman ang elevator at saka bumaba ako ng seventh floor at iniwan kita mag-isa sa elevator," saad ko sabay sara ng kurtina para harangan ang maliwanag na sinag ng araw.

Tumawa ito habang nakahiga pa rin sa kama, "Correction, ang nangyari kahapon, este kagabi, bigla mo na lang akong yinakap ng pumasok ka ng elevator. Pagkasara ng elevator, nasira na naman ito at saka kumawala ka sa pagkakayakap mo sa akin. Nang gumana na naman ang elevator, tinanong kita ba't mo iyon ginawa di mo ako sinagot at bumaba ka na lang dito sa seventh floor."

Mas lalong kumunot ang aking noo. Bigla akong may naalala, nagmadali akong naglakad papunta sa pintuan ng hotel room ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon sa nakita ko. Maglalakad na sana ako pabalik sa kama para komprantahin si Annie tungkol sa aking nadiskubre. Pero paglingon, nakita ko na lang na nakatayo na si Annie sa likuran ko. Napalunok ako.

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon