CHAPTER 1

100 14 0
                                    

I'm on my way to school right now while driving my car, at hanggang ngayon pinipilit kong alalahanin kung sino ang lalaking nasa camera ko. Kung ano ba talaga ang nangyari kagabi, may ginawa ba akong hindi maganda?

Napatingin ako sa bintana ng kotse ko nang may kumakatok dito. Si Eunice pala, ang best friend ko. Sa kakaisip ko di ko na pala namalayang nakarating na pala ako.

Eunice has been my best friend since we were in our first year of college. Now, nasa second year of college na kami, parehong civil engineering ang kinuha naming dalawa. Since first year, magka-klase kami.

"Hey sis!" bati nito sa akin nang maka baba ako ng kotse at agad kaming nagyakapan.

Naglakad kami papuntang visual arts building. Sumali ako ng photography club since when I was in first year, si Eunice naman ay sa theater club.

Photography was really my passion. Pero engineer ang gusto ng mga magulang ko para sakin at ayokong biguin sila pareho. Ngayong wala na sila, mas sisikapin ko pang makapasa sa kursong ito para sa kanila.

"Guess what?" excited na tanong ni Eunice.

Binigyan ko lang siya ng nagtatakang mukha habang nakangiti.

"Na-promote ako!" Masayang sigaw nito.

"Kaylan ka pa nagka-trabaho?" Sarkasmong tanong ko habang natatawa.

"Gaga! Na-promote ako bilang star ng show!" Natuwa ako sa balitang 'yun.

"Wow! Congrats, alam ko talagang kaya mo 'yun" Tumingin ako sa kanya saglit at binalik ang tingin sa daan.

"Naman, ako pa. By the way, sa'n ka ba nagpunta kagabi? Bigla ka nalang umalis sa birthday party ni Knchnle" Napahinto ako sa sinabi niya at hinarap ko siya.

"Anong ginawa ko kagabi?"

"Hindi mo maalala?" tanong nito pabalik.

"Ano nga?" Medjo galit ang tono ko.

"Kalma! Lasing ka kagabi at bigla ka nalang umalis ng walang paalam, umiiyak kapa nga eh. Drinive mo ang kotse mo. Sinubukan ka naming sundan ni Knchnle, pero hindi ka namin mahanap. Tinatawagan ka namin pero pinapatay mo ang phone mo. Sa'n ka ba talaga nagpunta?" Hindi ko siya sinagot dahil wala naman talaga akong maisasagot, wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Ang naalala ko lang ay nagkakasiyahan kaming lahat dun, the rest wala na.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at napapansin kong unti-unting nawawala ang ngiti sa aking labi sa walang dahilan. Patuloy pa rin sa pagkwe-kwento si Eunice, ngunit hindi ko na ito maintindihan, hindi ko na siya marinig ng maayos kasi malayo na naman ang isip ko.

"Hello! Ghurl nakikinig kapa ba?" Nahimasmasan ako nang kinaway-kaway niya ang kanyang kamay sa harapan ng mukha ko. Hindi ko na naman namalayang nandito na pala kami sa harap ng visual arts buillding.

"Iniisip mo pa rin ba ang pagkawala ng mga magulang mo?" Mahinahong tanong niy sakin.

Tumango nalang ako ng kaunti bilang sagot.

Nilapitan niya ako at kinuha ang mga kamay ko upang himas-himasin. Ito ang tanging pagpapakita niya ng pag-comfort sa akin.

"Wag mong isiping nag-iisa ka, nandtio lang ako palagi para sayo" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Count me in" Dinig namin mula sa likuran ko. As expected, si Knchnle.

He was wearing a white long sleeve with khaki pants that suited his white skin. Have an innocent face. The cute smile he have. Mabait at matalinong tao si Knchnle, no wonder na siya ang heartthrob sa buong campus. But, he's not my type kahit may gusto siya sa'kin. Pero hindi ko pa siya pinapayagang manligaw sa'kin. Dahil wala naman talaga akong balak siyang sagutin kasi nga hindi siya yung tipong lalaking gusto ko. Isa pa, wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend. Ayaw ko siyang saktan, ayokong maging dahilan ng pag-iyak niya.

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon