Chapter 11: Blue Card

158 23 0
                                    

Blue Card

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

Lahat ng mga tao sa silid na ito ay napasinghap sa narinig at gulat na gulat sa narinig. Maski ako ay natigilan. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nanlalaki ang mga mata nila. Iyong iba naman ay napatakip na lang sa kanilang mga bibig. 

Pero ang nakakapagtaka... bakit hindi man lang nagulat sina Kuya Vio, Kieth, at iyong magkambal? 

Alam na ba nila ito noong una pa lang?

Pero bakit hindi nila sinabi sa'kin ang tungkol dito? Lalo na si Lolita?

Napatingin ako kay Lolita. Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayaring ito ngayong araw o nananaginip lang ako at isang bangungot lang ito?

Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin kay Lolita... Kahit na hindi ko sabihin ng malakas ang gusto kong itanong, nahalata na agad ni Lolita ang tanong sa'king mga mata. Nakangiti ito ng matamis sa'kin at bahagyang tumango.

G-garcia ako?

Garcia talaga ako?

May dugo akong Garcia?

At ang totoo kong mga magulang ay sina...

Napatingin ako sa mag-asawang katabi ni Lolita. Matamis silang ngumiti habang nakatingin sa'kin. Kumalas mula sa pagkakayakap si tita Keya sa bewang ng kanyang asawa at masiglang nagtungo sa direksyon ko at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Emrys" bulong niya sa tenga ko at mahigpit akong niyakap. 

Napatingin ako sa likod ng makita ko ang kanyang asawa na palapit na sa'min. Ngumiti ito sa'kin at nakisali na sa yakap. Sakop na sakop ng kanyang dalawang braso ang pagkayakap sa'min ni tita Keya. Napasinghap ako at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. 

Kingina. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Napayakap na rin ako ng mahigpit kay tita Keya.

Nagtagal pa ang yakapan namin nang kumalas silang mag-asawa sa'kin. 

Lumapit sina Kuya Vio, Kieth at iyong kambal sa direksyon namin. 

Ngumiti si Kuya Vio sa'kin at niyakap din ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tinapunan ng tingin sina Kieth at iyong kambal. 

Nakahalukipkip lang sila habang nakatingin sa'kin. 

Ngumiti ako sa kanila. Ngumiti ang kambal sa'kin ng tipid habang seryoso pa rin ang tinging ibinibigay ni Kieth sa'kin. Umiwas ng tingin si Kieth nang tapunan ko siya ng tingin. 

"Kieth, greet your sister." sambit ni tito Don Xiy pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Naka krus lamang ang kanyang braso at seryosong nakatingin sa sulok ng sala.

"I'm not in the mood today" malamig niyang sambit tsaka umalis sa sala. 

Rinig ko pa ang pagtawag sa kanya nina Lolita at tita Keya pero hindi man lang siya lumingon.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang puso ko nang sabihin iyon ni Kieth. Para bang ayaw niya akong maging kapatid.

Naramdaman ko ang marahang paghawak ng kung sino sa kamay ko. 

Nag-angat ako ng tingin at nakita si tita Keya na matamis na nakangiti sa'kin. 

"From now on, call me Mamá Keya" sabi niya na siyang ikinangiti ko.

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now