CHANDRIA LILY LOPEZ
Tumakbo kaagad ako pagkababa ko ng sasakyan. Hanggang sa nakita ko si Violet na hinahagod ni Tita Marie, nasa tapat sila ng morgue.
"Ate," naitukod ko ang kamay ko sa pader para makabalanse, pero kaagad ding napaupo.
"Hindi nila ibibigay si papa ng hindi nababayaran ang bills ate." Napatingin ako kay Violet ng sabihin niya iyon.
Kaya ang hirap maging mahirap. Lahat ng galaw kailangan ng pera. Kahit na patay ka na, kakailanganin mo parin ng pera.
"Hahanap ako," sabi ko tsaka tumayo.
Pagkaharap ko ay nakita ko si Reid na walang emosyong nakatingin saakin, nakapamulsa pa ang isang kamay nito. Hindi ko na siya pinansin dahil busy ako.
Sinubukan kong tawagin si Queenie. Pero hindi siya sumasagot. Simula kasing tanggihan ko na ang request niya ay hindi na ito nakipag-usap saakin.
Nahagip ng mga mata ko ang numero ni Donya Gigi. Kinakabahan man ay tinawagan ko ito.
"My, my, Lily. Anong atin?" Salubong niya saakin matapos sagutin ang tawag ko. Rinig ko ang mapaglarong tono ng kanyang pananalita.
"Kailangan ko ng pera, Donya." Tumawa ito ng malademonyong tawa na ikinainis ko.
Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako bababa sa ganitong pwesto para lang makautang ng pera.
"Malaki na ang utang mo saakin, Lily. Kaya mo pa bang bayaran?" Naikuyom ko ang kamao ko sa tanong ni Donya.
"I will do everything in my power to repay you, Donya. Don't worry." I said with full of determination, even if I know to myself I won't be able to pay it all at once.
Hindi ko alam kung kakayanin kong bayaran lahat ng iyon bilang tagatinda lang ng bulaklak. Pero handa akong pumasok ng kahit anong trabaho para lang mabayaran ang lahat ng utang ko iyon.
"Okay, just send me the details and I'll transfer it to you as soon as possible." Kaagad niyang pinatay ang tawag.
Kaya magandang utangan si Donya Gigi dahil hindi na ito magtatanong kung para saan ang pera, pero nakakatakot siyang magalit kapag hindi ka nakabayad on time.
Muli akong pumasok sa loob at laking pasalamat ko ng hindi ko na siya makita. Simula kasing ginulo ko ang kasal niya ay nagkamalas-malas na ako. Kasalanan ko naman, kaya siguro karma ko lang iyon. Pero nanaisin kong hindi ko na siya makita pa, dahil ayoko ng ipahamak ang sarili ko.
***
Kaagad kong natanggap ang perang hinihiram ko kay Donya Gigi at kaagad ko ring binayaran ang ospital. Kaya pagkatapos kong magbayad ay idineretso na sa punenarya ang ama ko para maipaglamay na namin siya.
Hindi ko na pinatagal pa ang lamay ni papa dahil mas magastos kung papatagalin ko pa. Wala na kaming sapat na pera para ipanggasto doon. At ang perang natatanggap namin ay ilalaan ko nalang sa tuition ni Violet at pangbayad ng utang.
Madaming umattend sa libing ni papa, mga kasamahan niya sa farm namin, kapit-bahay, at buong lungsod narin ata.
Kilala kasi si papa bilang mapagmahal at mapagbigay. Kahit na walang-wala ka na ay nandyan parin si papa para tulungan ka, kahit na walang-wala din siya.
"Pasensya na po Aling Mina, kailangan ko po kasi ng pera para ipambayad sa mga utang ko sa mga bills ni papa." Sabi ko sa mga trabahador namin nang ipagbigay alam ko sa kanila na ibebenta ko ang lupa ni papa.
Pumayag naman si Tita Marie kasi alam niyang may malaking utang ako, basta may kahati lang siya sa lupang minana nila sa kanilang ama.
"Wala narin ho akong maipapasweldo sa inyo," malungkot kong sabi sa kanila. Nagkatinginan naman silang lahat at nagbulung-bulungan pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/369162958-288-k37171.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted Fate (Reid Sierra)[Under-Editing]
Любовные романыWARNING: R18+ on some chapters. Read at your own risk. Reid Sierra x Chandria Lily Lopez Reid Sierra and Luxury Suarez had been together for a decade before their wedding day arrived. However, their joyous occasion turned into chaos when a woman, na...