Chapter 10

8 0 0
                                    

“Where have you been?” paunang bungad sa akin pagbukas ko ng pintuan. “What took you so long?”

I saw Draze sitting on the sofa, still wearing his office attire. He was seriously looking at me kaya hindi rin ako nagpatinag.

“Eh, sa nilakad ko pauwi mula school,” pambabara ko.

Pero joke lang naman!

As if naman kakayanin kong maglakad mula doon. Edi parang pinalapa ko na ang sarili ko sa mga aso!

His forehead creased. “What?”

“Watawat!”

“What are you saying, Xenith?”

“Sabi ko, sorry na.”

“Hmm... really? Iba ang pagkakarinig ko.”

Bakit sobrang daldal niya yata?

Tinalikuran ko siya at umakyat para makapagbihis!

Kinukurot ko na ang sarili ko sa sobrang gigil.

Hindi ba dapat inayos ko na ang sorry ko? Para wala na akong dahilan para lapitan pa siya!

Pero hindi naman siya galit sa akin!

Parang okay naman siya ah. Ang daldal na nga!

“Alexis! Kumain ka na!”

Ate Lizzy naman!

Umiiwas iyong tao sa gulo eh!

“Opo! Sunod nalang po ako, di pa po ako gutom!”

“Aba! Bumaba ka na! Hindi ka ba nahihiya? Pinaghihintay mo si Sir Draze!”

ANO?!

“Mas lalo akong hindi ako bababa, mabulok siya!” inis na bulong ko.

Teka...

Ano ba ikinagagalit ko?

Para naman akong ewan!

Nakangiti akong bumaba na parang walang nangyari. Bakit ba kasi ako nagagalit?

Eh, kasi wala naman talaga!

Pagbaba ko ay malayo palang ay tanaw na tanaw ko na siyang nakaupo. Bakit hindi pa siya kumain? Ako ba ang ulam?

Hala!

“Hi,” bati ko. Hinanap ng mata ko si Ate Lizzy pero wala siya kaya naupo nalang ako sa tapat ng upuan ni Draze.

Nagtataka pa akong nakatingin sa pagkain na nakahanda. Ang dami! Hindi naman siya patay-gutom, ah?

Tsaka ang sipag naman ni Ate Lizzy magluto, ang dami-daming pagkain ang niluto niya.

“Eat,” biglang sambit niya.

Namayani ang katahimikan. Kahit paghinga ko ay napigil ko habang nararamdaman na nakatutok ang mata niya sa akin.

“A-Ang dami naman...” bulong ko pa, na akala ko ay hindi niya maririnig.

“Hindi naman ikaw ang kakain lahat.”

Napangisi ako. Marunong na siyang mambara, ah? At nagtatagalog na rin.

Hindi ko manguya ng maayos ang kinakain ko. Nakakainis! Ang sarap pa naman ng pagkain pero hindi ko yata kayang maging salaula sa harap niya! Malay ko ba kung backstabber at judgmental pala to!

“You're not eating,” sita na naman niya.

“Hey! I'm eating no? Hello? Mukha ba akong umiinom?”

Umangat ang sulok ng labi niya. He's smiling!

“You're smiling,” asar ko pa. Pero imbis na maasar ay ako pa ang natuod sa kinauupuan.

Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha ko at pinunasan pa ang gilid ng labi ko!

“And you're blushing,” he remarked.

What?

“I-I'm not! Guni-guni mo lang 'yon!”

*****

“Sorry,” biglang sambit ko sa gitna ng katahimikan.

“For what?”

“Hindi ko intensyon na pakialaman ang tungkol doon. Hindi ko sinasadya.”

“We're not talking about that again, Xenith. Just forget what I've said that night,” pag-iwas niya.

Tumahimik ulit ang paligid. Marami akong gustong itanong pero natatakot akong magalit siya. Alam kong makulit ako at madalas ay hindi ko na mapigilan ang mga namumutawi sa bibig ko.

I'm always the curious type. Hindi ako natatahimik hangga't wala akong natatanggap na kasagutan. Hindi nawawalan ng tanong ang utak ko.

“Dione is obviously not my biological mother,” he uttered out of nowhere.

I was shocked to hear that but I remained silent and let him talk.

“We're not that good. She keeps bugging me all the time. Now she wants me to collaborate with Felize,” he added. “I don't like her idea.”

“Pero siya ang may hawak ng company mo. And you should address her nicely, after all she's still your stepmother naman.”

“Yes, she is. But is she treating me like one?”

Doon lang ako natahimik. Wala naman kasi akong alam sa buhay niya. Hindi ko alam kung paano nila pakitunguhan ang isa't-isa. Pero kung ibabase ko sa kung ano ang nakita ko, Ma'am Dione was good to him. Pero ilang araw ko lang naman sila nakitang magkasama. Hindi ko naman sila nakitang magbonding.

“How about your company?” usisa ko.

“She's pairing me with her bestfriend's daughter, Felize Almonte.”

Ngayon ko lang naintindihan. Felize has beauty and brain. She can excell in any field, especially in modeling and acting. She's a successful woman at a young age. A young billionaire. Another thing is her family, he has a very influential and powerful family. They have everything in their hands.

Ma'am Dione only wants the best for her son. No, scratch that. It's stepson.

In the future, Almonte-Frialde will be a big powerful and filthy rich family.

Hindi ko alam pero bigla akong natahimik at nawala sa katinuan. Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng kirot na parang gusto kong tanungin ang sarili ko kung hanggang saan lang ako.

Kung pagandahan, mga sampung ligo lang ang kulang sa akin. Pero kung yaman, talent, at body, uuwi nalang siguro ako. Hindi ako mananalo!

Why am I comparing myself to her? Ano naman kung bagay sila?

Yeah, girl. Ano naman?

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakarating sa kwarto. My mind was occupied that I didn't notice na nakaakyat na pala ako.

I tried to wash my face, hoping that my weird thoughts would go away. Ilang beses akong natulala sa salamin. I even smile and made face to distract my mind. But it didn't work!

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa bedside table at itinapat sa mukha ko. I posted a sexy photo on my instagram story. Dump account naman ang gamit ko kaya malakas ang loob kong mag thirst trap.

Lost in my weird thoughts.

I wrote on the caption.

Nagulat ako nang sunod-sunod na pumasok ang notification.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa main account ko pala na-post! Hindi sa dump account!

Fuck!

Imbis na burahin ay inuna ko pang icheck ang mga viewers. Ngunit mas nagulat ako sa biglang pumasok na notification.

draze.frld followed you.

This is not him, right? No!

Muntik ko maihagis ang phone ko nang may kumatok sa door ng kwarto ko.

“Teka lang!” nagpapanic na saad ko.

Natataranta ako sa hindi ko malamang dahilan.

“Ano—”

“What are you wearing, woman?”


MASK OF SECRET SHADOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon