Chapter 1

236 17 1
                                    

-I'm dead

SOPHENE

Nakahiga ako ngayon at hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak dahil sa dinanas ko kanina kay Zadeo. Hindi ko magawa lahat ng kagustohan ko dahil palagi s'yang nakahadlang dito.

Subukan ko mang tumakas ay hindi ko magawa dahil sigurado akong madadamay rito sina Mama at Papa. Napaka delikado talaga kapag nasa kamay ka ni Zadeo, isa sya sa mga kinatatakutan dito sa lugar namin at wala akong laban sakanya dahil isa syang Mafia.

Tumingin ako sa kamay ko at napansin ang ilang mga pasa. Sunod ko namang tinignan ay ang binti ko at napansin ko rin na sumasakit ito dahil nagkaroon din ako ng mga pasa dito at si zadeo ang may kagagawaran non.

I clenched my fist as I remembered what Zadeo did to me causing me to have this bruise.

•FLASHBACK•

"Please maawa ka sa'min, Zadeo. Sa susunod namin mababayaran ang utang namin sa'yo..." Pagmamakaawa ng babae sa baba at parang boses ni Mama 'yon.

Nasa kwarto ako ngayon at nanonood ng favorite movie ko at hindi na pinansin ang ingay sa baba dahil baka boses lang 'yon ng mga tao dito sa pinapanood ko.

"Sa susunod nalang, Zadeo. Nagmamakaawa kami, wala pa kaming pera na maibabayad sa'yo." Lalaki na naman ang narinig kong boses at parang ka boses 'yon ni Papa.

Ni replay ko ang pinapanood ko at parang hindi naman boses 'yon ng ingay sa baba. Dahil sa inis ko, bumaba ako para tignan kung sino ang kausap nina Mama at Papa dahil kanina pa nila ako naiisturbo sa pinapanood ko.

"Ano ba 'yan, kanina ko pa kayo naririnig sa taas at kanina pa--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita na may nakapalibot na grupo ng mga lalaki sa kinauupoan ni Mama at Papa.

Lahat sila lalaki at ang tatlo sakanila ay nakatutok ang baril sa ulo ni Mama at Papa at hindi ko maiwasang matakot. Lahat sila ay nakasuot ng itim na suit at napansin ko na lahat sila ay may mga hawak na baril.

Lumingon sa'kin si Papa. "Sophene, anak! Bumalik ka sa kwarto mo!" Utos sa'kin ni Papa.

Dahil sa takot ko ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Why didn't you tell me that you have a gorgeous daughter?" Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko na nakaupo sya sa tapat nina Mama at Papa.

Sya yata ang boss nila kaya sya lang ang nakaupo sakanilang lahat. My eyebrows furrowed when he's gazing at me and smirking.

Fucking weird!

My parents realized something. "Zadeo. Alam ko ang binabalak mo, h'wag ang anak ko..." Saad sakanya ni Papa.

"Sophene tumakas ka ngayon na!" Utos sa'kin ni Mama.

"Calm down Mr. and Mrs. Ulysses, you must be forgotten that your debt is worth one million isn't it?" Kalmadong tanong pesting boss nila.

Hindi makasagot ang mga magulang ko, ngayon ko lang nalaman na may utang pala silang isang milyon sa lalaking 'to.

"Kasalanan mo 'to Armando, bakit nakipag sugal ka pa sakanya! Sana inisip mo muna na isa syang mafia!" Galit na saad ni Mama kay Papa.

Nagsinyalis ang boss nila sa mga tauhan nya kung kaya't humahakbang sila papalapit sa'kin.

"Sophene. Makinig ka, tumakas ka!" Galit na utos sa'kin ni Mama at dahil sa takot ko ay sinunod ko ang sinabi niya.

Tumakbo ako at nabigla ako nang may bumaril sa ilaw sa itaas ko dahilan para madapa ako sa sahig. Tatayo na sana ako nang makita ko na nasa likod ko na pala ang pisteng boss nila at binuhat ako.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now