Chapter 001
My goal is to become a Rich Tita.
The one who will spoil all my future nieces and nephews, my siblings, and my inaanak. The goal was clear. At maraming nakakaalam kung gaano ako ka-focus sa goal ko once I had it set.
Pero hindi ko maintindihan kung paano nasisira ng tamang tao, not in a bad way, ang mga goal mo na ‘yon. You’ll be like, the goal was there. . .but this time, it will be different because there’s another person involved.
I was confused.
Tulad ng naramdaman ko nung dumating siya sa buhay ko. . .
“Anne, ikaw muna bahala kay Angel,” sabi ni Ella, kaklase namin na magmi-make up kay Angel, ang best friend ko.
Acquaintance party ng department namin ngayong araw, kadarating ko lang sa school at iyon ang bungad niya. Umiiyak daw kasi si Angel dahil sa kaba at bilang kaibigan niya, I have to be here. For her. In all honesty, hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong kaya niya yung pageant, but at the same time, not because I know her strengths ay hindi na niya kailangan ng supporta.
“Nasan ba siya?”
“Sa pub.”
Umalis ako agad ng Social Cultural Hall para puntahan si Angel. Pagpasok ko, madilim yung office, naabutan ko siya sa gilid—magulo ang lamesa dahil puno ‘yon ng make ups at damit na gagamitin niya siguro mamaya. Bagsak ang balikat, nanginginig, may tissue na hawak habang pinupunasan ang luha niya sa mukha—ganoon ko naabutan si Angel.
“Teh,” tawag ko sabay lapit sa kanya. Humila ako ng upuan sa gilid at umupo sa harapan niya.
“Teh. . .” basag ang boses niya.
Hinawakan ko lang ang kamay niya at sinuklay ang buhok niya. Hindi ko naiintindihan yung mga taong hilig haplusin or suklayan yung buhok ng kaibigan nila once umiiyak lalo na pag may away sa classroom, pero nakita ko na gumaan pakiramdam ni Angel dahil sa ginawa ko.
“Kinakabahan ako,” pagsasalita niya. “Gusto kong manalo,” dugtong niya pa.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. “Mananalo ka. Believe me.”
“Thank you, teh. Kasi nandiyan ka. Kayo,” wika niya pa.
Noong nakaraan, bago pa man ang lahat ng ito, kinakabahan na talaga siya. This is not her forte but this is something she wanted to try on. And as her friend, I believed in her. Angel is the kind of person that when she pours her heart into something, palaging all-out. Simot at walang tinitira. So, I know and I believe that she can slay this one.
“Oo naman. Bakit naman hindi? Kaibigan mo kami.” Ngumiti ako sa kanya. “Alam naming kaya mo ‘yan kaya maniwala ka lang din sa sarili mo.”
Naalala ko yung usapan naming dalawa nung nakaraan, s-in-endan niya kasi ako ng practice niya ng rampa. Pina-critic niya. Kinabahan nga ako kasi hindi naman ako magaling sa pasarela. Pero honored din kasi, she’s letting me witness everything. At ang galing niya. Talagang lumabas yung improvement coming from the several practice.
Bumuga siya ng hangin. Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng hinanakit niya lalo na all throughout the pre-pageant, ang dami na niyang naririnig na pangda-down sa kanya. Sino ba namang magiging kakampi niya kung hindi kaming mga kaibigan niya?
“Shit, wala rito yung eyelashes ko!” pagmumura niya ng inaayos na niya yung mga gamit niya.
Pati yung pagmumukmok niya naka-time management dahil matapos niyang ilabas lahat sa akin, bumalik na siya sa pag-aayos ng gamit niya.
“Hindi kaya naiwan mo sa inyo?” tanong ko.
Kagat-kagat yung kuko niya, kinuha niya yung phone niya at nagsimulang mag-type. Baka nag-chat sa pamilya niya.
Inikot ko yung tingin sa pub at nakita ko yung Filipiñana collection na gagamitin niya mamaya, nabanggit lang niya nung nakaraan na may narentahan siya pero ngayon ko palang makikita ng actual. Tumayo ako para lapitan yung damit.
“Naiwan sa bahay. Dadalhin daw ni kuya kasama si Princess,” aniya.
Kinuha ko sa sinasampayan niya yung damit at tinapat ‘yon sa pwesto niya. “Bagay sayo ‘to, teh!” Maputi kasi si Angel at mukha pang mahinhin. Modern Filipiñana kasi itong damit niya, kaya panigurado akong mas mae-emphasize yung features niya rito.
Lumapit din siya sakin at kinuha sa akin yung damit. Tinapat niya ‘yon sa katawan niya at umikot sa harapan ko. “‘Di nga, teh?”
Tumango ako. “Dalagang Pilipina na may pagka-Alpha Female ang dating.”
“Tinuruan ako ng trainor ni Jesh kung paano ‘to irarampa pati yung sa blue collection.”
Tumango ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil kinakabahan na nae-excite ako para sa kanya. “Nasan na yung eyelashes mo pala?”
“Ihahatid daw ni kuya,” sabi nya habang naka-focus ang tingin sa damit.
Kuya. . .
So, mami-meet ko na pala yung kapatid niya? Never ko pa kasi nakita in person si Janmie, kapatid ni Angel. Though, matagal ko ng naririnig yung pangalan niya since first year dahil sa mga kwento ni Angel. Ang pagkakaalam ko pa, galing siyang Manila.
Alam ko lang dahil nung July, in-add niya ako sa Facebook at nagsabi pa siya kay Angel na ipakilala daw siya sa akin. Ayaw namin pareho ni Angel. Dahil wala akong time sa love habang ang rason naman ni Angel, maybe he’ll not be prepared for it.
Simula rin nung naging friends kami sa Facebook, walang araw na hindi no’n hina-heart yung pictures ko sa myday na nasanay na lang yung notification ko sa kanya.
Natigil lang pag-iisip ko nang tumunog ang tyan ko.
“Bili tayo pagkain.”
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
RomanceMatagal nang sinukuan ni Anne ang pag-ibig. Sawang-sawa na kasi siyang maniwala sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan, kung saan nakatatak na sa isipan niya ang long-term goal niya, iyon ay maging isang Rich Tita. Sa paniniwala niyang hindi ma...