Chapter 8

273 62 2
                                    

A/n: sorry for the slow update. Hahabaan ko nalang wordcount ko. Hindi kase everyday na may load ako. Slapsoil akong tao kaya asahan ang hindi palaging pag-update. Sa wordcount nalang ako babawi.

______________

Hei-En's POV

Hinawakan ko nang mahigpit ang aking cellphone kasabay nang pagkunot ng aking nuo dahil sa kakaibang nararamdaman tungkol kay Josh.

Walang ano-ano akong tumakbo para sundan siya. Kahit sinong nababangga ko ay hindi ko na rin pinagtuunan pa ng pansin dahil ang tangi ko nalang na gustong mangyari ngayon ay ang habulin siya at tanungin.

Mabilis ang ginawa kong pagtakbo sa corridor namin para lang maabutan siya. Huminto ako nang makita ko siya sa medyo may kalayuhan sa akin habang nakikipagtitigan kay sir Eyolandro.

Hinawakan ko ang aking tuhod para habulin ang aking hininga.

Napatingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay matamang nakikipagtitigan sa isa't-isa. Kahit pagkurap ay hindi nila magawa.

Nangunot nalang ang aking noo kasabay nang pagtayo ko nang maayos at paglapit sa kanila.

Ngayon ko lang napansin ang pag-igting ng panga ni sir Eyolandro samantalang si Josh naman ay kuyom ang mga kamao habang nakikipagtagisan ng titig kay sir.

Lalapitan ko pa sana sila nang maayos nang biglang magsisulputan ang mga kaibigan ko na ngayon ay humahangos pa dahil sa pagtakbo.

"HeyN!" Bahagyang tawag sa akin ni Crixtal na ikinabalingan ng tingin ko.

Mabilis ang ginawang paglalakad ni Josh paalis sa kinaroroonan namin habang hindi maalis ang kuyom ng kanyang mga kamao at si sir naman ay nakasunod nalang ang tingin dito.

Anong meron sa kanila? Bakit ganoon na lamang silang magtitigan?

Patakbo akong pinuntahan ng mga kaibigan ko at si Crixtal ang unang kumausap at nagtanong sa akin kung ano ba ang nangyari.

Hindi kase namin sila kasama sa second class namin kaya ganoon na lamang ang tindi ng kuryusidad sa mga mukha nila.

"Anong nangyari doon?" Tumingin ako kay Crixtal na ngayon ay naguguluhan sa nangyayari.

Mataman lang silang nakatingin sa akin at naghihintay sa aking sasabihin samantalang si Oliver ay kaswal ang tingin sa mga estudyanteng nagpapanic dahil sa nangyayari hindi kalauyan sa amin.

Unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga teachers. Ang iba ay nakahawak sa kanilang selpon at tumatawag marahil ng ambulansya para kunin ang bangkay na ngayon ay nasa sahig pa rin at nakahandusay.

"Tara na. Sa cafeteria tayo." Pag-aaya ko sa kanila at hindi na lumingon pa sa bangkay ni Mira.

Nangingilabot ako. Parang tumatayo ang mga balahibo ko sa tuwing magagawi ang aking tingin sa kanyang bangkay. Kalunos-lunos ang kanyang sinapit.

"Teka lang! Sisilipin ko lang siya!" Hindi na hinintay pa ni Crixtal ang sasabihin namin dahil patakbo na nitong tinungo ang cr kung saan namatay si Mira.

Tinawag pa ni Seb ang pangalan nito pero hindi siya nakinig at itinuloy lang ang balak.

Napapikit nalang ako kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.

"Hindi na niya dapat pang tiningnan." Ang salitang lumabas sa aking bunganga.

Prente lang naman silang nakatingin sa tinungo ni Crixtal. Umiiling-iling pa si Liam.

"Curious woman in everything, tsk." Umiiling pa na sabi nito.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Crixtal pero ganoon na lamang ang pagpapakawala ko ng buntonghininga dahil sa naging ekspresyon ng kanyang mukha.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now