Umuulan ng gabing iyon. Wala akong nagawa kaya pinili kong takbuhin ang sakayan ng bus. Pagkarating ko sa waiting shed ay basang-basa ang buhok ko at nararamdaman ko na din ang pagkabasa ng damit ko dahil sa ulan. Ginamit ko lang ang kamay ko pampunas dahil nakalimutan kong magdala ng panyo kaninang umaga dahl sa pagmamadali ko sa pagpasok sa trabaho. Laking gulat ko na lang ng may mag-abot sa akin ng panyo at pagkatingin ko sa taong iyon ay namula ang aking pisngi dahil sa itsura niya. Bakit pakiramdam ko nilagnat ako kaagad?
"Sayo na" aniya at ngumiti sa akin. Kinagat ko ang bahaging likuran ng labi ko at pasimple iyon na tinanggap.
"Salamat" sambit ko sa isang mahinang boses at ipinampunas sa basa kong buhok at nabasa kong braso. Minadali ko pa iyon dahil sa pag-aakalang aalis na siya kaagad at hindi ko man lang maibigay ang pinahiram niyang panyo. Pagkatapos ko iyon mapunasan ay handa ko na iyon ibigay sa kanya pero pagkalingon ko ay wala na siya sa tabi ko. Tiningnan ko ang panyo at napangiti ng wala sa oras. Kinuyom ko iyon sa kamay ko at itinago sa bulsa. Makaraan ang ilang segundo ay dumating na ang bus na sasakyan ko kaya pumasok na ako.
Maybe,
It happened for a reason.
PAGKALIPAS ng isang linggo ay lagi kong dala-dala ang panyo dahil nagbabakasakali akong makasalubong ko siya o kaya makita man lang sa dinadaanan ko pero wala pa din hanggang ngayon kaya tago-tago ko padin sa bulsa.
Kinuha ko ang folder na kakabigay lamang sa akin ni Rechy na secretary ng boss ko. Panibagong gagawin na naman kaya magiging busy na naman. Wala din namang pinagbago doon dahil araw-araw naman may ginagawa dito sa opisina. Pahirapan na nga mag-aral ng accountancy pahirapan din pala pagdating sa trabaho. Jusmeyo!
Nasimulan ko na ang ginagawa ng humalumbaba sa harapan ko si Tessie na dakilang tagapagbalita sa akin in short taga-chismis pero gayunpaman hindi naman siya nagkukuwento sa akin kapag hindi niya mismo nakita at napatunayan. Hindi ko siya pinansin dahil masyado akong abala sa trabaho ko.
"May bago daw na empleyado dito. Sabi nila gwapo daw kaya tiningnan ko at ng tiningnan ko ang department ng mga IT ay nakita ko siya. Grabe! Ang pogi niya" mahina niyang tili. Umiling na lang ako at hinayaan siya.
"Malay mo magkagusto iyon sayo" pagkasabi ko nun ay saka ako napaangat ng ulo at sinalubong siya ng tingin.
"Tumahimik ka nga. Busy ako kaya gawin mo na din trabaho mo" pagtataboy ko sa kanya. Inirapan niya ako pero bago siya umalis ay kinuhanan pa ako ng biscuits na nakalagay sa gilid ko. Napailing na lang ako habang nakangiti at ipinagpatuloy ang pinaggagawa ko.
"Bye Friend. Ingat sa pag-uwi" ani ni Tessie at hinalikan ako sa pisngi. Tumango lang ako sa kanya at naglakad na din papalabas ng building. Nakarating ako sa pintuan at bago ko pa mahawakan iyon ay may ibang kamay ang humawak doon. Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako ng makita ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo. Huwag mong sabihing dito din siya nagtatrabaho?
"Dito ka din nagtatrabaho?" tanong ko. Then it happened he said yes.
We meet again...
MAYBE we meet again for a reason.
Pagkalipas ng ilang buwan ay hindi ko inisip na hahantong kami sa isang relasyon. Sinagot ko siya matapos akong ligawan ng mga dalawang buwan. Hindi naman ganoon kadaling ibibigay ko na lang basta-basta ang pagtitiwala ko. Ginawa niya ang lahat para mapasagot ko siya at naramdaman ko din naman iyon. Hindi niyo naman ako masisi dahil mahal ko na din siya.
Pero sana hindi nalang pala.
Dumating ang unang anniversary namin. Siya ang pinakaunang boyfriend ko at ikinatutuwa ko iyon dahil nagtagal kami ng isang taon at hanggang ngayon ay matibay padin ang pagsasamahan namin. Nakita ko kung gaano ako kaswerte na napili ko siya. Maybe he's the one for me. Mahal ko siya at dahil sa sobrang pagmamahal ko na iyon pati sarili ko ipinagkatiwala ko sa kanyan. Oo ng gabing iyon may nangyari sa amin. Hindi ko iyon pinagsisihan hanggang sa nalaman kong ....
BINABASA MO ANG
Everything Happened for a Reason
RandomLife is everything to me. Sa tuwing nakikita ko ang liwanag ng papalubog na araw narealize ko ang sarap mabuhay pero mayroon pa pala akong hinahanap. Simula ng dumating siya sa buhay ko ibinigay ko na ang lahat pero hindi pa pala sapat. Iyong pagmam...