Nag-simula ang lahat nang may tumawag sa telepono. Sinagot ko ang tawag at ganoon nalang ang aking kalungkutan nang sinabi sa akin na patay na ang aking lola, na si lola Julia.
(Tumunog ang telepono)
Vhera: Hello, sino 'to?
Unknown: Good morning, is this Ms.Vhera?
Vhera: Yes, I'm Ms.Vhera who is this?
Atty.Limosinero: My name is Atty.Limosinero your grandmother's lawyer.
Vhera: Attorney? May attorney ang lola Julia ko? Bakit, anong meron?
Atty.Limosinero: Gusto ko kayong makausap kasama ng mga kapatid mo ng personal para sa pag-uusapang mana na ibibigay ng lola Julia mo. Hindi na niya magagawa iyon dahil namatay ang lola Julia niyo sa bahay niya. Bago siya mamatay sinabi niya sa akin na sa bahay magtipon-tipon ang kaniyang mga apo pero akala ko ay makikita ko pa siya sa tinakdang araw na sinabi niya para sa pag-uusapang mana pero napaaga ang araw para sa pag-uusapang mana. Inaasahan ko na kayo ay makadadalo sa bahay ng lola Julia niyo. Maraming salamat.(Binaba ang telepono)
*Vhera's pov*
Hindi ko ine-expect na namatay na yung lola ko na tinuring kong mahalagang tao sa buhay ko. Mabait si lola Julia at magaan siya sa aking puso kasi masaya ako 'pagkasama siya. Yung mga araw na nagbo-bonding kami 'pagdumadalaw ako sa kanila, yung ipaghahanda ka ng meryenda tuwing hapon, yung yakap niya at LAHAT NA! Kaya ngayon hindi ko mapigilan na umiyak ng sobra. Ikaw ba naman na mawalan ng mahal sa buhay. Umiiyak ako sa kama ko ng magdamag halos basa na yung punda ng unan ko kaiiyak hanggang sa nakatulog na ako...
*Vhera's dream*
Nabasag ang plorera*
Sinakal*Boses: Bakit niyo ginagawa sa akin ito!
Boses: Augh!
Boses: AHHHH! wag mo akong saktan!
Boses: Mga hayop kayo mamamatay tao!Hinampas ng martilyo*
Nagising si Vhera*
*Vhera's pov*
Vhera: AHH!
Mula sa pagkakatulog ko dahil sa pag-iyak binangungot ako. Nanaginip ako ng dalawang tao na pinagtutulungan ang isang matandang babae. Nabasag ang plorera at sinakal ang matandang babae hanggang sa hinampas siya ng martilyo ng isa sa dalawang tao. Hindi ko malaman kung sino-sino sila kasi malabo ang panaginip ko pero yung mga boses ay napakalinaw. Hindi kaya si lola Julia 'yon? Diyos ko wag naman sana na brutal ang pagkamatay ni lola hindi ko matatanggap 'yon.
*Somewhere in Luzon*
*Jm's pov*
Matapos akong tawagan ni Atty.Limosinero 'di ako makapaniwala na patay na si lola Julia siya pa naman ang favorite lola ko kasi noong bata ako lagi akong ipinagluluto ng fried chicken at masarap siya magluto kaya malaki yung kalungkutan at panghihinayang na nararamdaman ko kasi wala na siya. Sabi ni Atty.Limosinero namatay daw si lola sa loob ng bahay pero hindi ko alam kung ano ang ikinamatay kasi wala pa siyang sinasabi about doon pero sasabihin niya nalang sa personal kapag sama-sama na kami na magkakapatid sa bahay ni lola. Pumunta muna ako sa sala para magdamdam dahil sa nangyari pero sa unting panahon lang dahil magiimpake muna ako kasi malayo yung probinsya nila lola sa Ormoc, Leyte pero bago ako umakyat sa kwarto ko para magimpake nakarinig ako na may nabasag kaya pumunta ulit ako sa sala at baka kinabig nanaman ng pusa yung plato sa lamesa pero hindi ang plato ang nabasag kundi yung picture frame na magkasama kami ni lola ang nabasag. Lumapit ako sa picture frame at pinagmasdan ko yung mukha ni lola na parang malungkot, hindi tulad dati na ang saya-saya ni lola sa picture kaya pinunasan ko yung mata ko na may unting luha pa at baka nagkamali lang ako ng tingin dahil sa mga luha na nakaharang sa mga mata ko. Tinignan ko ulit yung picture frame at tama ako na yung luha ko lang pala ang may problema kaya inangat ko yung picture frame para dalhin sa lamesa pero bago palang ako makarating sa lamesa nagbagsakan yung likod ng frame kasama yung picture at yung basag na salamin. Nasaktan ako dahil bumagsak yung basag na salamin sa mga paa ko kaya sobrang nagdugo yung paa ko dahil narin sa mauugat ang mga paa ko. Kinuha ko agad yung picture naming dalawa ni lola dahil 'yon yung mahalaga. Pagkaharap ko ng picture namin ay puro duguan yung mukha ni lola dahil sa mga paa kong nabubog kaya agad kong pinunasan habang ako kay lumuluha dahil 'yon yung pinakamahalagang picture naming dalawa ni lola at ayokong masira iyon. Nang mawala na ang dungis ng dugo sa mukha ni lola ay bumugso yung luha ko kasi hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari ngayon. Isabay mo pa yung hapdi ng sugat sa mga paa ko dahil sa bawat luha na pumapatak sa mga paanan ko. Umiyak ako ng todo habang yakap-yakap ko yung nag-iisang picture na masaya kami ni lola noong araw. Nang makatigil na ako sa pagluha ay isinantabi ko muna yung picture kung saan hindi magagalaw ng kung ano man para hindi masira, lalo na yung pusa namin na kahit ano-ano nalang yung pinagkakalmot. Minsan kamay ko yung kinalmot niya nung hinawakan ko siya para harutin ta's minsan sa mukha kasi minsan hinahalik-halikan ko 'yon para harutin pero parang hindi niya ata gusto yung paghaharot ko sa kaniya at minsan yung mga paper works ko na assignment, iniwanan mo lang ng sandali yung mga papel mo pero maya-maya wala na, kasi nginangatngat at pinaglalaruan kaya tinago ko talaga yung picture namin ni lola sa drawer para hindi pagtripan ng pusa namin. Hays, mga orange cat nga naman. Pagkatapos ko itago yung picture ni lola, paika-ika akong hinanap yung first aid kit para maalis yung bubog sa paa ako at malagyan ng betadine at gasa. Pagkatapos ko gamutin yung mga paa ko bumili ako ng panibagong picture frame at wall plug para sa pader baka kaya bumagsak 'yon kasi marupok na yung kinakapitan. Pagkauwi ko kinuha ko yung barena pero natigilan ako sa kinatatayuan ko. Nagtaka ako kasi ok pa naman yung turnilyo na nakabaon sa pader at hindi siya nauga nung ginalaw ko gamit yung daliri ko kaya hinanap ko yung picture frame at baka yung sabitan ang may problema. Natigilan nanaman ako kasi nung pagkakita ko sa likod ng picture frame ay ok naman, walang senyales na baka marupok yung kahoy na frame at yung pangsabit na nasa likod kaya naguluhan ako at naghinala na baka nagpapahiwatig na may masamang nangyari o kaya nagmumulto si lola kaya binagsak niya yung picture frame namin. Umakyat na ako sa kwarto ko para magimpake para makaalis na ako kinabukasan kaso iniisip ko parin kung paano nahulog yung frame.
(Somewhere in Cavite)
*Daisy's pov*
Maganda talaga ang lugar kapag punong-puno ng halaman yung garden mo at puro ng halaman din yung labas ng bahay mo kasi tuwing umaga lasap na lasap mo yung sariwang hangin dahil malayo sa polusyon yung lugar mo hindi tulad sa Manila na paglabas mo ng eskinita puro sasakyan yung bubungad sayo kaya sakitin ako dati at inuubo dahil sa mga usok na galing sa tambucho ng jeep na kung bumuga parang kapre na nagsisigarilyo kaya malaking pasasalamat ko noon na nakalipat ako sa Cavite at may sariling bahay na hindi tulad noon na nakatira pa ako sa inuupahan na bahay idagdag mo pa yung matandang lalaki na may-ari ng inuupahan na laging humihiram ng pera kesyo may mahalagang pag-gagamitan pero isinusugal lang naman kaya sa tuwing parang pupunta siya sa akin ay pinapatay ko yung ilaw at hindi ako gagawa ng ingay para kukunwari walang tao sa bahay o kaya kukunwari natutulog ako. Effective siya kaya minsan lang siya makakuha ng pera sa akin at malas lang sa kaniya kasi yung ibang kapitbahay ko na nakiki-upa lang din ay palaging wala at tuwing gabi lang na uwi (Deserve). Kumusta na kaya yung matanda ngayon? Siguro sumakabilang buhay na, joke. Kasi ini-imagine ko, kasi last many years is nagka-pandemic dahil sa Covid-19 kaya baka nahirapan 'yon. Minsan bumibisita pa ako sa Parañaque para mag-simba at mamasyal, nakikita ko rin yung matanda minsan. Grabe ang puti na ng buhok at balbas non pero parang malakas pa ata kasi nakakalabas pa siya. Hindi na niya ata ako nakikila kasi nag glow up ako. Ini-imagine ko na what if na mamatay 'yon sino maghahandle ng upa? Kasi sa pagkaka-alam ko, hindi ko nakita na may dumalaw man lang na relatives or anak nung matanda, nag-iisa na ata sa buhay 'yon. Siguro pag nangyari iyon magiging sariling bahay nalang nila iyon kasi sinong magsasabi na siya yung may-ari ng paupahan at sinong magmamana ng paupahan? What if may last will yung matandang iyon? Pero kanino? Never mind nalang 'di ko na problema iyon, basta meron na akong sariling bahay at sariwa ang hangin dito period. Habang nag-aayos ako ng halaman at nag-didilig may tumawag sa cellphone ko at ang sabi "unknown number" kaya sinagot ko. May tumawag na Atty.Limosinero at sinabi na patay na si lola kaya kailangan naming pumunta sa bahay ni lola para pag-desisyunan yung mana at last will ni lola Julia. Nabigla ako at 'di ko inaahasan, tumulo agad yung luha ko habang nasa garden ako. Akala ko mabibisita ko pa ulit si lola pero hindi na at wala na akong bibisitahin na mahalaga sa buhay ko kasi wala na. Naaalala ko pa na masaya kami ni lola Julia na nagtatanim sa garden niya noon sa probinsya at pumipitas pa kami ng mga bunga at kinakain namin pagkauwi at hindi lang iyon sa bawat kain namin ng mga bunga na may buto-buto ay nililinis namin iyon at tinatamin para kapag naisipan naming mag tanim ay meron kaming mga buto. Kaya parang gubat yung likod ng bahay ni lola dahil samu't sari ang mga tanim. May mga gulay, prutas at mga bungang kahoy. Kaya malaking panghihinayang kasi hindi ko na makaka-bonding si lola pagmagtatanim kami ulit pero hindi ko makakalimutan yung ala-ala na ginawa namin. Sobrang nawasak yung puso ko dahil sa nangyari. Habang umiiyak ako na naka-upo sa garden ko nagulat ako dahil bumagsak yung halamang nakapaso sa tabi ko, nakapatong kasi iyon malapit sa bintana. Nang tignan ko yung halaman na bumagsak napansin ko na ito yung regalo sa akin ni lola na halaman bago ako umalis sa probinsya ni lola. Tinignan ko yung lugar na pinagpatungan ng halaman pero wala namang kahit ano mang tumumba sa halaman at naka-sarado yung bintana at hindi p'wedeng mag-swing yung bintana para matumba yung halaman. Wala naman akong alagang hayop para patumbahin yung halaman, maliban nalang kung may malaking daga na dumaan pero imposible dahil mabigat yung plorera. Nagtaka na ako at natatakot na baka si lola yung nagpaparamdam kasi 'yon yung paborito niyang halaman at iyon lang ang natumba at hindi yung ibang halaman. Napasabi ako sa sarili ko na "hala baka si lola na yung nagpaparamdam", kaya pumunta ako agad sa altar at nag-sindi ng kandilang puti at ipinagdasal ko siya at kinausap ko na rin. "Lola? Kung ikaw man yung nag patumba ng plorera at kung may gusto ka mang sabihin, sana mag-bigay ka ng sign. At tsaka lola may tanong ako ano ang nangyari sayo? May gumawa ba ng masama sayo? Sana bigyan mo ako ng sign or magparamdaman ka man lang". Bigla nalang pumasok yung hangin sa loob at may lumipad na dahon. Tinignan ko yung dahon at nanlaki yung mga mata ko dahil 'yon yung mga halamang dahon na paborito ni lola. Sabi ko sa sarili ko "dahon? Dahon ang sign na binigay sa akin ni lola? 'di ko gets". Tinapos ko na yung pagdadasal ko at winalis yung mga nakakalat na dahon. Napaisip ako kung saan nanggaling yung mga dahon kaya tinignan ko yung halaman at naalala ko nga pala na bumagsak nga iyon pero hindi naman agad nagsi-lagas yung mga dahon nung nakita ko. Kaya inayos ko yung halaman ni lola at kumuha ng bagong paso. "Lola ano ba talaga?" Wika ko, pumunta ako sa kwarto ko para mag-ayos ng mga damit para i-impake para wala na akong aalalahanin bukas.
(End of chapter 1)