Chapter 9

3.2K 60 2
                                    

Author's Note: Bitin po kayo sa flashback ni Monika sa Chapter 7? Well, heto na po ang continuation para mapuzzle po ninyo kung paano naging sila ni Gio.. hahaha spoiler ko anu, hehehe, ganun ko kayo kamahal mga beloved readers! Muah :* ^___^

---------------
Hindi kinibo ni Gio si Monika ng tanungin siya tungkol sa kanyang ina. Hanggang ngayon ay iniisip siya kung saan siya kukuha ng 10 million para sa kakailangan na operasyon ng kanyang ina. Samahan pa dito yung bahay nila na nasama sa sunog sa kanilang lugar.

"Ahh.." mahinang wika ni Gio sa kanyang sarili at ginulo niya ang ayos ng kanyang buhok.

Naawa si Monika sa lagay na sitwasyon ni Gio. Agad niya kasi nabalitaan ang nangyari sa ina ni Gio kasama dun ang pagkasunog ng kanilang bahay.

"S-sorry po Ma'am Monika.." mahinang wika ni Gio. Saka na kasi niyang napansin na tinatanong siya ni Monika tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. Naluluha man siya ay agad niya pinunasan ito ng kanyang panyo.

Nahabag ng husto si Monika kay Gio.

"Gio, please come to my office." turan ng CEO at umalis ito sa harapan ni Gio.

Biglang kinabahan ang binata sa pag-aakala niyang hindi niya sinagot si Monika ng ito'y nagtanong.

"Sundan mo na lang siya.." mahinang wika naman ni Jiro, katabi niya sa kanyang station. Half-filipino at half-japanese ito.

Kinakabahan na tinungo ni Gio ang office room ni Monika at kinatok nito ang pintuan ng CEO.

"Please come inside Gio." dinig niya ang boses ni Monika.

"Sorry Ma'am Monika kung hindi kita agad kinibo..." simulang paliwanag ni Gio kay Monika. Nauutal pa ito sa pagpapaliwanag at nakayuko pa ang kanyang ulo.

"Anu ba Gio, just call me Monika.." natatawang sambit ni Monika.

Tumingin si Gio kay Monika ng iniangat na niya ang kanyang ulo.

"Gio, kapag tayo lang ang magkaharap, just call my first name, okay." wika ni Monika at tumayo ito sa kinauupuan niya.

Pilit na ngumiti si Gio. Hindi na niya makuhang ngumiti ng tama dahil sa problema na kinahaharap niya kanina.

"Gusto ko lang tanungin, kung kumusta na ang inay mo?" tanong muli ni Monika tungkol sa inay ni Gio.

"Hindi siya okay. Kailangan kasi siya maoperahan sa madaling panahon.." mahinang sagot ni Gio. Niyuko niya ang kanyang ulo dahil nararamdaman na naman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Ipa-opera mo kaya siya." wika agad ni Monika at nilapitan niya si Gio. Nag-abot siya ng tissue kasi alam na niya na lumuluha na si Gio dahil sa boses niya kanina.

"Wala kaming pera.." saad ni Gio,kinuha niya ang tissue na iniabot sa kanya ni Monika at pinunasan niya ang namamasa niyang mga mata.

"How much the operation?" tanong ni Monika.

"Ten million. Wala kaming pera na ganung kalaki-" naiiyak na wika ni Gio.

Pinutol agad ni Monika ang pahayag ni Gio.

"Ako na bahala sa ten million."

Nagulat si Gio sa sinambit ni Monika.

"Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ni Gio kay Monika.

Ngumiti si Monika sa tanong ni Gio.

"Heto na naman po tayo, yung hindi ka na naman maniniwala sa akin." tampong tugon ni Monika. Ganitong-ganito kasi eksena nilang dalawa noon sa kalsada na ini-hire niya si Gio. Ayaw kasi maniwala ang loko kaya ipinakita niya noon ang business card ng kanyang kompanya. Oo, sa kanya ang kumpanyang ito. Ito ay pag-aari ng yumaong asawa niya noon. Nang namatay ang kanyang asawa sa isang aksidente ay ipinangako niya sa kanyang sarili na sisikapin niya palalakihin ang kompanyang ito kasama ang naiwan niyang anak na iisa pa lang ang taon nito.

"Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi mo eh." tuwang sambit ni Gio kay Monika.

"Ah ganun, gusto mo maniwala? Wait, kukuha ako ng tseke. " Natatawang turan ni Monika at ng akma na niya kunin ang tseke sa kanyang mesa ay biglang hinila siya ni Gio at niyakap.

" Salamat Monika. Salamat."bulong na wika ni Gio kay Monika.

Ngumiti si Monika at niyakap niya rin ang binata. Maya't-maya pa, nagtama ang kanilang mga mata sa isa't-isa at parang nahihipnotismo si Monika sa pagtitig sa kanya ni Gio hanggang naglapat ang kanilang mga labi sa isa't-isa. Ninamnam ni Monika ang tamis na halik na galing kay Gio.

-------

Itutuloy!

--------
Author's Note:  Keneleg po ba kayo ulit sa scene na ito? Bitin po ba ang pangalawang flashback ni Monika? Sad nu?  Don't be sad kasi sa next update, dahil super intense ang gagawin ko. Malay ninyo, lagyan ko ng SPG ang next na update, hahaha.. So expect po na ang story na ito ay SPG. Pagbigyan po ninyo ako kasi ganito ung genre na sinulat ko. Please give a comment and vote. Libre po siya. Kindly share din po sa mga friends ninyo. ^_____^

My Mom's Lover (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon