POSSESSION

264 17 0
                                    

Pintuan ng paraiso.

Marahas na napahakbang paatras ang dalawang babae na magkahawak kamay. Papasok na sana sila sa mala-tubig na pader na pintuan subalit dinaig pa nila ang itinulak paatras. Napakunot ang noo ni Estacie habang si Jessa naman ay napa-sulyap sa babaeng katabi.

"May problema ba?" Tanong ni Jessa.

"Hindi ako sigurado. Pero kanina, nakalabas at naka-pasok pa ako dito."

"Kanina?"

"Oo. Nang maramdaman ko na nahihirapan ang katawan ko sa lupa, lumabas ako para sana alamin kung bakit nararamdaman ko ang hirap na nararamdaman mo. Bumalik ako ng wala na akong naramdaman. Subalit ng makita kita sa di-kalayuan, muli akong lumabas kaya hindi ko alam kung bakit hindi na ako makapasok ngayon."  Paliwanag ni Estacie habang sinusubukan ang parin ang makapasok.

Napa-tingala si Jessa upang tingnan ang itaas na bahagi ng pintuan. Kung hindi siya magkakamali, nasa mahigit labing-dalawang talampakan ang taas ng nasabing pintuan. Mahigit dalawang metro naman ang lapad nito. Ang paligid ng pintuan ay sadyang madilim, subalit ang liwanag na nang-gagaling sa sinag ng pintuan ay siyang nagbibigay daan sa kanilang dalawa.

"Estacie, anong tawag sa pintuan na to?" Tanong ni Jessa habang inilalapat ang kanyang palad sa mala-tubig na pinto.

"Hindi ba at pintuan?"

"Ang ibig kung sabihin, anong pinto?"

Napa-kibit balikat si Estacie. "Hindi ko rin alam. Nang dalhin ako dito, nakita ko na tong pintuan na ito. Pumasok lang ako dahil nga natakot na ako sa sobrang dilim dito sa labas."

Hindi sumagot si Jessa. Napapaisip. Pagkatapos ay binawi niya ang kamay mula sa pagkaka-hawak ni Estacie. "Subukan mong pumasok."

Sinulyapan muna siya ni Estacie bago ito humakbang papasok sa pinto. Subalit hindi rin ito makapasok. Ginaya ni Jessa ang babae subalit ganun din ang naging resulta.

"Weird. Anong dahilan at nagkakaganito ang pinto?" Tanong ni Estacie.

Magsasalita na sana si Jessa ng bigla na lang lumiwanag ang nasabing pinto. Ang liwanag ay mas maliwanag pa sa dati nitong sinag. Napa-pikit pa nga silang dalawa dahil sobrang nakakasilaw.

"Hindi pwedeng makapasok ang kaluluwang hinati ng panahon. Subalit kung pagbibigyan kayo ng pagkakataon, at muling mapag-isa, maari na kayong pumasok sa paraisong nakalaan."

Parang kulog ang tono ng boses na narinig nang dalawa. Walang nakaimik at parehas na napa-kunot ang noo.

"Kaluluwang hinati ng panahon? Ha? Ano?" Si Jessa ang nakabawi.

Si Estacie naman ay napa-pilig lang ng ulo habang kunot ang noo.

Sa kanilang pagkamangha, lumabas ang matangkad na nilalang na nababalot ng liwanag na kasing silaw ng araw sa kalangitan. Hindi maaninag ng dalawa ang itsura ng nilalang subalit may edeya ang dalawa na ito ang bantay sa paraiso.

"Ang ibig kong sabihin, kayong dalawa ay iisa. Bawat tao na nabubuhay sa lupa ay may dalawang buhay na dapat suungin. Hindi kayo makakapasok sa paraiso hanggat hindi pa kayo nagiging isa. Iyan ang dahilan kung bakit ang iilang kaluluwa sa lupa ay nanatiling nasa lupa. Naghihintay ng kanilang kahati upang umakyat dito sa paraiso ng kalinisan."

Bumagsak ata ang panga ni Jessa sa narinig. Si Estacie naman ay napataas ang kilay. "Ang ibig mong sabihin, ako at si Estacie ay iisa? Hindi ba at hiniram ko lang ang katawan niya dahil namatay na ako sa sariling mundo ko?"

"Oo at Hindi." Sagot ng nilalang.

"Hey! Kuya.. Or whatever you may be. Lilinawin ko lang ha, ako, si Jessa. Siya si Estacie. Magkaiba kami ng katauhan, okay? Parehas kaming patay na."

"Hindi maaring magkamali ang pintuan ng kalinisan, Jessa o Estacie. At isa pa, sinong may sabi sa inyo na patay na kayong dalawa?"

Parang itinulos sa kinatatayuan ang dalawang babae.

"What?" Magkasabay pa nilang tanong.

Ikinumpas ng nilalang ang kanyang kamay at nabuo ang dalawang mala-salamin na bagay. Namilog ang mga mata ng dalawa sa nakikita.

Sa isang salamin, nakikita ni Jessa ang sariling katawan na nakahiga sa hospital bed at may mga tubong nakakabit sa kanyang katawan. Sa loob ng malaking silid na alam niyang ospital. Sa kabilang kama, nakahiga ang isa pang pasyente na talagang nagpatigalgal kay Jessa.

"Sir Vendo?"  Nilingon ni Jessa ang nilalang. "Hey, anong nangyari sa hinayupak na lalaking yan? I mean, sa boss ko? Bakit siya nakahiga sa hospital bed?!" Naka-turo pa si Jessa sa salamin.

"Sandali, Mr. Anong ginagawa ni Duke Arkhil? Bakit siya nakahiga sa tabi ng katawan ko at parang walang malay?" 

Marahas na napalingon si Jessa ng marinig ang sinabi ni Estacie. Lalong lumalim ang kunot ng kanyang noo ng makita yun.

Isang malutong na chuckle ang narinig ng dalawa.

"Ang Duke na sinasabi mo, at ang Sir Vendo na tinatawag mo ay iisa. Nag-iisang kaluluwa na naka-ugnay sa buhay nyong dalawa. Jessa, ang Sir Vendo na tinawag mo ay ang taong naging dahilan ng aksidente na naghatid sa'yo sa katawan ng kalahati ng kaluluwa mo."  Muling ikinumpas ng nilalang ang kamay at nakita ni Jessa kung ano ang nangyari.

Nang araw na mabundol siya ng sasakyan, hindi niya akalain na si Philip Xavier Vendo pala ang nagmamaneho nun. At dahil sa empak, at dahil walang suot na seat built ang lalake, tumama ang noo nito sa manebela na siyang nagresulta ng pagka-komatos nito.

"Estacie, ang dahilan kung bakit nakahiga ang tinatawag mong Duke ay upang gamitin ang kapangyarihan ng singsing na gawa sa puso ng dragon. Nang sa gayon ay masundo ang inaakala niyang ikaw."

Binuhusan na ata ng malamig na tubig ang katawan ng dalawang babae.

"Ngayong nandito na kayong apat-"

Magkasabay na napalingon sina Jessa at Estacie ng maramdaman ang dalawang nilalang sa likuran nila. Namilog din ang kanilang mga mata gayun din ang dalawang lalake na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Si Estacie ay literal na naka-kunot ang noo. Sa buhay niya sa Prekonville, tanging si Sinylve lang ang minahal niya. At wala siyang ikwentro sa Duke. Kaya literal na naguguluhan siya sa nangyayari.

Si Jessa naman, ay halos ganun din. May engkwentro siya sa buhay ni Philip, pero bilang trabahador lang. Tungkol naman sa Duke, hindi naman sila nagkaroon ng romantikong engkwentro.

So anong gustong mangyari ng mahiwagang nilalang sa ngayon?

"Gusto kong itanong sa inyo, saang mundo ninyo balak ipagpatuloy ang kwento ng buhay ninyo, gamit ang buo ninyong pagkatao?"

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon