Kabanata 32
Dum spiro spero
"Happy complete remission day!" My husband sang in the tune of happy birthday.
Nagising ako sa ganoong tagpo. Agad akong napangiti at umayos ng upo sa aming kama. Nahihiya ko namang pinahid ang aking mukha ng marka ng pagtulog ko sa nakaraang gabi.
Mukhang maagang gumising ang aking asawa para ipag-bake niya ako ng cake.
Mayroong kandila sa ibabaw ng cake. I closed my eyes for a wish and blew it as soon as he finished singing for me.
Isa lang naman ang wish ko...
I want to be healthy always. Pati na rin ang aking asawa, sina Mama at Tito Agustin at lahat ng mga taong malalapit sa akin.
Isang taon na pala ang nakakalipas nang maideklara ng doctor na complete remission nang estado ko. A year has already passed since my fight with cancer. At bawat araw, ipinagpapasalamat namin iyon ng asawa ko.
"Nag-abala ka pa, Makoy..." Ngumuso ako.
"Hindi naman abala. Paborito ko ang araw na ito. Palagi natin itong ice-celebrate."
Ibinigay niya sa akin ang cake. Kinuha niya ang phone at itinapat sa akin.
Mas lalong humaba ang pagnguso ko.
"Makoy, hindi ako ready! Hindi ako fresh!" himutok ko.
Kagigising ko lang, paniguradong mayroon pa akong muta sa aking mata at may laway pa ang gilid ng aking mga labi.
"Bebe, you're the most beautiful in the morning." His smile was encouraging. "Come on, smile for me."
I did.
Ngumiti ako at nag-pose sa camera ng ilang ulit.
Naupo siya sa tabi ko at pinagmasdan namin ang results. The sun rays were striking my skin, it was adding more beauty to the picture. Maganda ang rehistro nito sa camera.
Kinuha ko ang kanyang phone at itinutok iyon sa aming dalawa.
It resulted to cute pictures of us.
My favorite was him kissing my cheek, it was captured by the camera.
Mayroon na naman siyang panibagong wallpaper. Simula pa naman noon, kaming dalawa ang wallpaper ng kanyang phone. Halos karamihan pa sa mga litratong ginawa niyang wallpaper ay nakanganga ako.
It wasn't his traditional wallpaper now.
Sweet pictures namin together ang ginagawa niyang wallpaper. Samantalang ako ang laman ng kanyang gallery.
"Let's celebrate your braveness today."
Tumitig naman ako sa aking asawa. "Let's celebrate my support system today. I wouldn't be brave if it weren't for you, Makoy. Thank you for all the surprises. Thank you for everything. Mahal na mahal kita."
His smile widened even more.
Pinagsaluhan namin ang isang matamis at masuyong halik. Inanyayahan niya ako sa dining area. Marami siyang nilutong agahan.
Palagi niya akong pinagluluto at palagi kaming sabay sa pagkain.
I also learned cooking by always watching him in the kitchen. I cooked for him as well. Madalas lang na asawa ko ang nagluluto para sa aming dalawa. Bumabawi naman ako sa mga gawaing bahay pero inaako na rin niya iyon.
Tumungo muna kami sa doctor para sa check up bago kami pumasyal sa siyudad. Lumabas kami at nanood ng movie. Nanumbalik nang lakas ng aking resistensya.
YOU ARE READING
To His Future Lover ✔ (Haciendero #5)
Ficción GeneralThey are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not decipher, they aren't gods to be perfect. They are either a dream or a nightmare and disaster combine...