Chapter 77

177 17 0
                                    

°°°Chapter 77°°°

Hapon, Alas tres

Nasa bungad pa lang ng Baryo San Gabriel ang kalesa kung saan nakasakay sina Nanay Weng, kasunod ang tatlong kabayo kung saan nakasakay sina Brent, Jude at Ernie, habang nakatayo na nakamasid sa loob si Vleane kung saan nakaupo siya sa likuran ng kalesa

"Malansa,"ani niya sabay takip ng ilong,"Napaka lansa at napakabaho,"

"Mga aswang,"ani naman ni Tatay Lito,"Mga Busaw at Alasik,"dagdag pa nito

"Tay, si Elinea,"kinakabahan na sambit ni Nanay Weng na kababakasan ng takot at pangamba para sa bunsong anak nila

"Nay, Tay, mukhang nilusob na po tayo ng mga aswang,"ani naman ni Ernie,"Mukhang ilang araw na po silang nananalasa dito habang wala po tayong lahat,"

"Diyos ko po,"ani ni Aling Jacinta,"Mukhang mas marami pang mga aswang dito kaysa sa Baryo namin,"

"Tara na po,"yaya niya sa mga kasama bago mabilis na bumaba ng kalesa at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng Baryo habang hawak sa magkabilaang kamay ang matalas na gulok

"VLEANE!,"sigaw na tawag ni Lucas ng makita nitong tumakbo ng mabilis ang dalaga at pinapatay ang mga aswang na nakakasalubong nito papasok sa Baryo

"Hay ang tigas ng ulo,"iiling iling lang na sambit nu Jude

"Tara na po,"yaya ni Rene sa kanila bago pinalo ang kabayo kaya mabilis na iyong naglakad papasok sa Baryo habang naging handa naman ang lahat para sa mga aswang na sumasalubong sa kanila papasok ng Baryo

Naging abala na ang mag anak ni Tatay Lino kasama na din si Renena humarap sa mga aswang na sumalubong sa kanila papasok sa loob ng San Gabriel

Habang sina Lucas ay mas pinili na sundan ang mabilis na tumatakbong si Vleane na pinapatay lahat ng mga aswang na sumasalubong, nakaalalay naman sa binara sina Jude at Brent dahil hindi ito makalaban ng maayos dahil sa natamong sugat sa likuran nito

"Bilisan natin,"ani ni Lucas,"Mukhang mau masamang mangyayari,"

"Sana ligtas sila,"dasal na ani ni Jude,"Sana ay ayos lang sila, sana maabutan natin sila na buhay at ligtas,"

"Mga kuya ayos lang sila magtiwala lang po tayo,"ani ni Brent,"Kaya po kila ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Ang mahalaga lang po ay mahanap po natin sila,"

"Tama siya insan,"ani ni Lucas na pilit na lumalaban,"Nasaan na ba si Vleane?,"takot na tanong sa dalawa ng hindi na nito makita ang dalaga sa unahan

"Tara,"mabilis na yaya ni Jude,"Baka nasa bahay na siya,"ani nito bago sila mabilis na tumakbo pasunod kay Vleane papaunta sa bahay nila Nanay Weng kung saan naiwan nila ang tatlong dalaga kasama ang kapatid ni Lolo Ernie







Samantala,

"Elinea, lumaban ka,"ani ni Angela,"Darating na sila Nanay Weng,"umiiyak na sambit ni Gela habang kalong ang ulo ng naghihingalong dalaga na nakangiti

Butas na ang leeg nito at patuloy sa pag agos ang masaganang dugo doon, butas din ang tiyan nito kung saan nakalabas ang lahat ng lamang loob nito, sumusuka na din ito ng dugo

Hindi na makapag salita ang dalaga pero umiiling at tumatango lang ito

"Lolo Elinea,"iyak na yakap ni Veronica ang dalagang halos kaedaran lamang nito,"Lumaban ka po, darating na po si Ate Vleane, lumaban ka po,"umiiyak na niyakap nito ang dalaga

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon