Tanaw ko mula rito sa aking pinagtataguan ang kaguluhang nangyayari sa labas. Sinabunutan ng isang lalaki ang aking ina. Na sa aking hula ay ang tumatayong lider nila.
"Nasaan ang inyong anak hmm?"tanong nito. Madiin ang pagkakahawak sa buhok ng aking ina. Awang awa ako sa hitsura nito. Wala sa ayos ang buhok at naliligo sa sariling dugo.
"Wala kayong mapapala sa akin, kahit na patayin niyo pa ako hinding hindi ko ipagkalulo ang aking anak" ramdam ko ang galit ni ina habang sinasambit iyon.
"Matigas ka ha, tutal wala ka na rin lang silbi sa akin mas mabuti nang mamatay ka katulad ng asawa mo" naalerto ako sa sinabi ng estranghero. Pigil na pigil ang aking paghikbi habang dahan dahan nitong ibinubuka ang kanyang palad kasabay ng paglabas ng isang itim na usok.
Ang itim na usok ay diretchong pumasok sa bibig ni ina. Agad naman nitong binitawan ang ulo ng aking ina kasabay ng paporma ng isang nakakapangilabot na ngisi sa kanyang bibig. Gustong gusto kong lumabas at punitin ang ang bibig niya para hindi na siya makangiti ng ganon.
Maya maya pa ay bigla nalamang akong nakarinig ng pagkabali ng buto kasabay ng palahaw ng aking ina. Hindi ko kayang tignan siya sa ganoong estado kaya naman ay pumikit na lamang ako habang taimtim na nananalangin na sana ay hindi nila ako matagpuan sa aking pinagtataguan.
Kasabay ng kayang huling pagsigaw ay rinig ko ang isang pagsabog. Parang gripo ng tubig ang aking mata. Ang aking kaawa awang ina. Bigla kong naalala ang aking ama. Katabi ito ng aking ina wala nang ulo pinugutan nila ito.
Sa muling pagbukas ng aking mata ay ang biglang pagliwanag ng isang bagay sa mismong lugar kung saan siya sumabog. Lumulutang ang isang diyamante. Ito ang dahilan nila kung bakit nila pinatay ang mga kalahi ko. Ang diyamanteng ito ay ang pinakapuso naming mga wizard. At wala akong kaideideya kung saan nila ito gagamitin.
Wala kaming kalaban laban ngayong dahil kabilugan ng buwan. Isang beses sa isang dekada ito nangyayari at talagang itsinempo nila sa oras na ito upang salakayin kami. Kinuha ito ng lalaki at tumawa ng mala demonyo.
"Halughugin niyo ang buong kagubatan at hanapin ang batang iyon hindi siya maaaring makatakas"
Maya maya pa ay nagmartsa na ang mga ito upang umalis. Habang naglalakad ito paalis ay nalaglag ang robang nakasuot sa kanya dahilan upang malantad ang hubad niyang likod. May tattoo itong hugis triangulo habang mayroon itong mata sa gitna. Naikuyom ko ang aking kamao, mga hayop kayo sisiguraduhin kong kayo naman ang mamamatay sa harapan ko.
Lumabas ako ng bahay gamit ang sikretong lagusan na ginagamit ko kung gusto kong tumakas. Nanlumo ako sa aking nasaksihan. Nagkalat ang mga bangkay at tinutupok ng apoy ang mga kabahayan.
Hindi ko batid kung mayroon pang buhay ni isa sa kanila. Tumakbo ako ng mabilis. Mabilis na mabilis. Kahit na nakayapak ako ay hindi ko alintana ang sugat ng mga paa ko dahil sa mga sangang naaapakan ko habang tumatakbo.
Kailangan kong mabuhay.
Dahil sisingilin ko pa sila sa mga kahayupang ginawa nila kay ina, ama at sa mga kalahi ko.
BABALIK AKO
YOU ARE READING
The Last Wizard: Rewriting Destiny
RomanceLove. Betrayal. Sacrifice. Revenge. For Gabriel, life has always been straightforward-until fate intervenes and shatters everything he thought he knew. After a devastating loss of his family, Gabriel embarks on a journey fueled by a thirst for justi...