Prologue
Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan maging masaya ng totoo. Walang halong sakit, walang pagpapanggap. Noong nakilala ko siya, parang umikot muli ang mundo ko.
"Tara! Doon sa simbahan!"
"Teka lang naman! Baka madapa ako!"
Masyadong mabilis ang pagtakbo niya, nihindi masabayan ng maliliit kong biyas ang bawat hakbang ng mga paa niya.
Parang bumagal ang oras habang tumatakbo siya, wala akong ibang makita kung 'di siya lang. Siya na tumatakbo habang hawak ang kamay ko, walang iba, kaming dalawa lang sa sarili naming mundo.
Pagkapasok sa simbahan ay naupo kaming dalawa sa upuang nasa gitnang bahagi ng simbahan. Tahimik ang paligid, tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig.
Napatingin ako sa kalapit ko, nakapikit siya. Magkadikit ang dalawang palad at taimtim na nagdadasal. Sobrang amo talaga ng mukha niya, parang isang anghel.
Anghel na sana kaso ang sama ng ugali minsan!
"Baka matunaw ako," paano niya nalaman na nakatingin ako gayong nakapikit siya?! "Magdasal ka na lang diyan, para naman mabawasan 'yang pagiging topakin mo."
Napaka ano talaga nito! Kung wala lang kami sa simbahan ay talaga naman matatamaan sa akin ang isang 'to.
Everything is so perfect that time. Kahit sa simpleng bagay, napapasaya niya ako. Tuwing inaasar niya ako, hindi ko alam pero may kakaibang pakiramdam na kumikiliti sa tiyan ko.
"Anong pinagdasal mo?"
"Why would I tell you? It's a secret."
Nandito pa rin kami sa loob ng simbahan. Hindi naman sa tumatambay kami, ewan ko ba rito sa katabi ko!
Nakapagtataka nga na niyaya niya ako rito sa simbahan, nag-alala pa nga ako na baka maging abo siya bigla. Kung nababasa niya lang ang iniisip ko, paniguradong bubugahan na naman niya ako ng apoy!
"Nakikita mo iyon?" Tinignan ko ang tinuturo ng kamay niya.
"Malamang! Anong akala ko sa akin? Hindi nakakakita?"
"Tsk! That's not what I mean!" Depensa naman niya. "Nakikita mo ba 'yang altar na 'yan?"
Napaka random ng tanong niya!
"Oo? Bakit naman?"
"Someday, iintayin kita riyan," nalipat ang tingin niya sa akin. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapupula niyang labi, "Ang sarap isipin na nakatayo ako sa altar habang pinapanood kang naglalakad papalapit sa akin suot ang pinaka magandang gown sa buong mundo."
He's really delusional.
"Maybe," nag aalinglangan tugon ko.
Napawi ang ngiti sa kaniya, agad namang nagsalubong ang kaniyang kilay. Masama niya akong tinignan, "anong maybe?? Hindi ka sigurado?? Dapat sure ka na, ako nga sure na sa 'yo kahit hindi ka kagandahan."
Wow?
"Shhh, tumahimik ka nga. Nasa simbahan tayo."
Agad na nagbago ang expression ng mukha niya, ang kaninang salubong na kilay at masama ang tingin, ngayon ay mukhang batang nagpapaawa na. "Ikaw kasi eh."
"Sige na nga."
Napangiti siya. "Payag ka na?"
"Oo, ikaw na ang best man sa kasal ko."
"Bakit best man? Kung ano-ano pang sinasabi mo, kanino mo ba gustong ikasal?" He pouted his lips. "I insist, I will be your groom in your wedding."
"Desisyon ka rin eh," kinurot ko siya sa bandang tagiliran na mahina niyang ikinaaray. "Hindi ganoon kadali iyon, hindi kita pwedeng pakasalan kung hindi kita mahal."
"Mahal mo naman ako, hindi ba?"
"Ha? May sinabi ba akong mahal kita?"
"Edi mahalin mo ako," he said seriously. Ikinawit niya ang braso sa braso ko, nakakailang ang pagdidikit ng katawan namin. Para akong kinukuryente, ayaw kong makaramdam ng ganito. "I will do everything until we meet each other on the aisle."
That's how we used to be. Sa sobrang saya naming dalawa, hiniling ko na sana hindi na matapos pa. Na sana hindi dumating ang araw na masisira kaming dalawa, na susukuan namin ang isa't isa.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, akala ko iyon na. Akala ko siya na talaga, pero nagkamali pala ako ng akala.
Lahat ng saya, napalitan ng galit at sakit. Sa pangalawang pagkakataon, parang bumagsak na naman ang mundo ko. He's my builder when I'm broken, he's my rest, my home. But, I didn't expect na siya rin ang sisira at ang papagod sa akin, na magiging dahilan para maramdaman kong nag-iisa na naman ako.
"Totoo ba?"
Nakatingin lang ako sa kaniya, ano bang dapat maramdaman? Sa halo halong emosyon, para akong sasabog. Sobrang sakit, ang sakit-sakit.
"Iyong ano? Tara na, kakain na tayo. Pinagluto kita ng sinigang na hipon, favorite mo iyon, hindi ba?"
"Tang ina naman! Pwede ba? Tigilan mo na! Huwag kang umakto na parang gustong-gusto mo ako!" Ano pa bang inaasahan ko? Na mamahalin niya ako ng totoo? Pamilya ko nga, hindi magawa 'yon. Siya pa kaya na hindi ko kaano-ano.
"H-Ha? A-Ano bang sinasabi mo?" He forced his self to laugh. "Alam mo? Gutom lang 'yan, tara na."
Akma niya akong hahawakan ngunit nauna na ang palad kong dumapo sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko, hindi niya inaasahan na magagawa ko iyon. Pero mas hindi ko inaasahang gagawin niya iyon sa akin, akala ko iba siya.
Mahal niya ako, ayon ang pinaniwalaan ko. Binulag ba ako ng pagmamahal? O nabulag ako sa sarili kong kagustuhan na makaramdan ng totoong pagmamahal?
"Why? May problema ba? Tell me, aayusin natin."
Aayusin? Paano maayos kung itong puso ko ang mismong problema.
"Tama na, uuwi na ako sa amin."
"Why? Ano ba kasing problema?" Kunot noo niya akong tinignan. Naguguluhan ba talaga siya? O isang pagpapanggap na naman? "Let's fix whatever is it."
"Uuwi na ako, tama na."
Kinuha ko ang maleta sa ilalim ng kama, binuksan ko iyon at inilagay ang mga damit mula sa cabinet.
"What are you doing? Aalis ka talaga? No, hindi ako papayag," inalis niya sa loob ng maleta ang mga damit na nailagay ko. Bakit ba kasi hindi na lang niya ako pabayaan?
"Pagkatapos mo akong gamitin? Pwede ba?! Pabayaan mo na ako!"
Natawa siya sa sinabi ko. "Narinig mo pala, ngayon alam mo na."
"Kaya pabayaan mo na ako."
"Let me explain my side, pag-usapan muna natin."Sana nga lahat ay nadadaan sa pag-uusap. Sa nangyaring iyon, parang binagsakan ako ng langit. Natuto akong magmahal, natuto akong lumaban. Nagawa kong maging masaya, pero nasaktan din ako ng sobra.
"Maniwala ka, minahal kita."
Akala ko talaga ay iyon na. I thought Lord gave him to me, pero hindi. Lord gave me to him, to used me. He used me, just to escape from his destiny.
Paano ako uuwi? Where can I find my way back home?
YOU ARE READING
Way back home
General FictionIn a world full of evil, there's always someone you can lean on. Be your handkerchief to wipe your tears, a light to give hope, a pillow to hug when you feel heavy, a safe place you can rest and a home you can run to when you want to escape the comp...