Chapter 29

201 13 2
                                    

Chapter 29

[A/N: Errors ahead!]

Gayle Uchika Diaz

Halos hindi ko na maintindihan kung anong dapat kong maramdaman. After learning what had happened to Aki ay hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Why do these things happens all at once? Hindi na ako magkandaugaga dito habang naghihintay ng update sa kung ano nga ba ang nangyari.

Gustuhin ko mang hanapin si Aki but I couldn't do anything at all. I just can't take the risk lalo na dahil sa nangyari kanina and Sol has been keeping me by his side. He should be at his headquarters pero hindi ako nito iniwan.

"Wala pa rin bang balita kung nasaan si Dylan? Imposible namang naiwala niya si Aki, hindi ba? What if something—", hindi naman na naituloy ang sasabihin dahil sa niyakap na ako ni Sol.

"I need you to calm down, Gayle. You need to calm down, okay? Now, breathe.", sambit nito kaya napatango naman ako. I couldn't help but to burst into tears dahil sa mukhang wala akong maitutulong para mahanap si Aki. Hindi ko gusto ang ganito. I don't like this feeling of helplessness.

Kahit na humingi na ako ng tulong kina Klient ay wala pa ring balita. May lead na raw sila pero hindi pa rin sila nakakasiguro since suspicion pa ang meron sila. Iisa lang naman daw ang nagmamay-ari ng logong nabanggit ni Aki. It was owned by the Luezzo's.

Pero ang sabi ni Sol ay imposible rin naman daw na ang mga Luezzo lang ang may pakana nitong lahat. He has been saying na baka trap lang daw ito kaya sinisiguro na muna niya kung tama nga ba ang mga hinala nila.

"Boss, nahanap na raw si Dylan!", napatingin naman ako kay Lander nang bigla nalang itong sumulpot sa kung saan. Napatayo naman ako nang tumayo si Sol.

"No, you're not coming with us.", aniya kaya napalunok naman ako.

"Pero—", umiling naman ito.

"You're gonna stay here. You're not going anywhere, Gayle Uchika.", anunsyo niya kaya napapikit naman ako ng mariin.

"We don't know yet what is happening. We just want you to be safe, so please, baby. Stay here, okay?", malumanay nitong sambit kaya wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango. Tinuyo naman nito ang pisngi ko saka ako hinagkan sa noo.

"I'll update you. We will call you once we make sure what is happening, okay?", sabi ni Sol kaya tumango naman ako. Susunod pa sana si Lander sa kanya nang tumigil si Sol.

"You're gonna stay here. Bantayan mo siya.", sambit ni Sol kaya napanganga naman si Lander.

"Boss naman.", reklamo pa nito pero sinamaan lang siya ng tingin ni Sol. Sinulyapan naman ako ni Lander saka ito ngumiti.

"Sabi ko nga magb-bonding na muna kami ni Gayle.", aniya kaya napailing nalang ako.

I just waved my hand at Sol bago ito tuluyang umalis. May kung anong ibinulong pa ito kay Lander saka siya lumabas. Napabuntong hininga nalang tuloy ako. Makaraan din ang ilang minuto ay sumulpot naman si Deej na panay kamot sa ulo.

"Grabe si boss, iniwan ba naman tayo dito.", sabi ni Deej saka umupo sa tabi ko habang si Lander naman ay umupo na rin sa kabila.

"Do you really need to sit this close to me?", tanong ko sa kanila at tumango naman silang dalawa.

"Kapag daw nawala ka sa paningin namin ay siya na rin daw ang katapusan ng buhay naming dalawa kaya dapat dito ka lang.", sagot sa akin ni Deej kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Okay lang ba si Dylan? Nahanap na siya, hindi ba?", tanong ko at umiling naman si Lander. Napatitig nalang ako dito.

"Hindi pa siya nahahanap, pero may probable location nang nahanap si Pavel.", napatango naman ako.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon