chapter x x i i : tagaytay

17 1 0
                                    


[★★★]

It was almost midnight.

The trip to Tagaytay wasn't really that long but, judging kung paanong napakaraming ganap ang nangyari bago kami bumyahe, tulog na nga din ang lahat sa byahe pa lamang. Tulog dahil sa pagod.

The whole trip was . . calming, to say the least.

Vaughnn and I just listened to the radio, casual talks here and there para lang mapanatili siyang gising habang nagmamaneho.

Soon enough, we would eventually be reaching the hotel na tinutukoy niya kanina pa lamang sa bahay.

It was quite the grand. Nakapag-check in na naman ako sa ibang hotel sa buong buhay ko pero, iba 'tong hotel na pinagdalhan niya sa amin ngayon. Lakas makapangmayaman, malaki at tanaw na tanaw talaga ang buong Tagaytay lalo na sa rooftop.

From quite a distance, nakita ko na nga si Vaughnn na papalapit ng sasakyan. Tinulungan niya kasi muna sina Lola Yuu na ibaba ang mga gamit mula sa kotse at hanapin na rin ang mga hotel rooms na ibinook niya.

Kung bakit pina-iwan niya ako dito sa kotse while Mel, Lola Yuu, and Xeno already got checked into our rooms, I don't understand. Ang tanging explanation na ibinigay niya sa akin, may pupuntahan pa daw kasi kaming dalawa ng bukod--- lugar na kami lang daw dalawa.

"Alam mo, magtatampo na talaga ako sa'yo.." Bungad ko kaagad kay Vaughnn pagkasampa na pagkasampa nito ng sasakyan.

Agad naman ako nitong nilingon, a pout upon my lips as I crossed my arms in front of my chest.

"Bakit na naman?" Nakangiti nitong sagot. "Wala na nga akong ginagawa sa'yo, ehh.."

"Siguro, balak mo 'kong itanan, nohh? Kaya hindi mo pa ako pinabababa?"

A soft chuckle immediately left his mouth.

"Excuse you, hindi po kita itatanan. Idadaan kita sa legal na pamamaraan, nohh.." Sagot nito, putting on his seatbelt.

Lalo naman akong napanguso, keeping my arms crossed in front of my chest.

"Edi, saan mo nga ako dadalhin?" I kept on persisting. "Gabi na kaya ngayon, tapos . . mag-isa lang tayo ngayon dito sa sasakyan.."

Nilingon ko ang paningin ko sa bintana ng maramdaman ang pagsisimula ni Vaughnn ng kotse. I could feel his gaze immediately shifting onto me, a smirk I am sure curving by the corner of his lips.

"You know what?" He stopped for a moment before continuing with his reply. "Keep pestering me with that stupid question, ibibigay ko talaga sa'yo 'yang hinihiling mo, sinasabi ko sa'yo.."

"Nagtitino 'yung tao dito, tapos . . gaganyanin mo ako? Sige, ganyan ka pala, ahh.." Vaughnn pouted, his hand finding its way on my thigh.

Hindi naman na ako umimik, a soft chuckle instead escaping my lips. We were comfortable in that kind of intimacy already. He wasn't weirding me out or anything, his touch is actually quite comforting now at this point.

Pinaandar na nga ni Vaughnn ang kotse at dinala ito sa rooftop parking lot ng hotel. Doon, muli niyang pinatay ang makina at bumaba upang iwanan ulit ako sa loob.

Gulong-gulo na talaga ako sa kung ano bang pinaplano ng lalaking 'to. Dumeretso siya sa likuran ng sasakyan at binuksan ang pintuan nito bago naman ako puntahan at pagbuksan din ng pintuan.

"Ano ba kasi talagang pinaplano mo?" Salubong kong tanong habang inaalalayan pa niya sa pagbaba. "Hindi ka mapakali, alam mo 'yun?"

A smile immediately curved by the end of his lips as he kept his hand holding onto mine.

Umaasa (Ba Sa Wala?)Where stories live. Discover now