Chapter 1

172 3 0
                                    

TRIGGER WARNING
Cancer | Mention of grief and loss

CHAPTER 1

Cheepee


Losing a loved one is one thing. Losing everything is another.

Ayaw ng magulang ni papa kay mama dahil pera lang naman daw ang habol. Handang talikuran ni papa ang lahat para kay mama, kaya simula nang maikasal sila, hindi na tulad nang dati ang naging buhay niya.

From luxury cars, he settled for an old one. Growing up in a household with maids, only he and mama did all the chores when they got married. Sa Huwes nga lang sila ikinasal at hindi sa simbahan. Only their friends were the witnesses. Mula sa pagiging tagapagmana ng isang malaking kompanya, sa ekstrang pera nila ay itinayo na lang nila ng karinderiya at iyon ang naging negosyo.

Ngunit mas naghirap lang sila noong ipinanganak na ako. While mama took care of me, papa hunted for higher-income jobs, but he was blacklisted in all the companies he applied to.  Kagagawan iyon ng kanyang magulang, my grandparents. They all loathed him for turning his back on his family so that he could be with mama. Plus, he's not finished with college as well.

I was in grade two when I learned that papa was suffering from liver cancer. Puro daw kasi unhealthy food ang kinakain ni papa dahil ang masusustansyang pagkaing isusubo na lang niya ay binibigay niya sa amin ni mama. Para sapat ang nakakain naming dalawa, siya ang nagsasakripisyo.

Since then, mama insisted to find a job. Ayaw ni papa na magtrabaho si mama dahil gusto niyang tuparin ang pangako niyang hindi niya kailangang kumayod kapag ikinasal sila dahil siya ang gagawa noon. Ganoon din si papa sa akin, gusto niyang ibigay sa akin ang buhay na nakasanayan niya noong lumalaki siya.

Papa had no choice but to let mama work for the three of us. At a young age of eight, I want to quit school and work, too. Kahit kasi may sakit na si papa, pinipilit pa rin niyang magtrabaho. But of course, both of them didn't let me. Tuloy sa pag-aaral, kahit anong mangyari. Iyon ang palaging sinasabi sa akin ni mama at papa. Ang makapagtapos lang daw kasi at makahanap ng trabaho ang magpapa-unlad sa akin. Nailipat lang ako sa pampublikong paaralan para hindi gaanong kalaki ang gastos.

And when papa died, we didn't have enough money to pay the remaining balance in his hospital fees and even his funeral. Doon na naglakas loob si mama na puntahan ang magulang ni papa para ibalita sa kanilang patay na siya. I was in fourth grade at that time. Nakita at narinig ko kung paano kami pagsalitaan nang masama ng lolo at lola ko, sinisisi kami na nagkasakit ang anak nila at namatay.

Sa sobrang galit, pati ang bahay namin ay kinuha nila. Si papa naman daw kasi ang kumayod para magkaroon kami ng matitirhan.

"Anak, ayos ka lang ba rito?" Hawak ni mama ang kamay ko habang nililibot namin ang tingin sa kwarto na inupahan namin sa isang compound.

Halos kasing-laki lang iyon ng kwartong mayroon kami sa bahay noong buhay pa si papa. It's just a four-walled space, sakto para sa aming dalawa. May mattress na iisa lang yata ang kasya, maliit na lutuan, lamesa at dalawang monoblock na upuan, isang maliit na cabinet, at banyo.

Dinig pa ang pag-aaway ng mga kapitbahay—sigawan at murahan. Bago makaakyat dito ay puro basura ang madadaanan. Tanghaling tapat ay may mga nag-iinuman na. Maraming mga nakasampay na damit sa labas at mga batang naglalaro.

"Opo, mama." Nginitian ko siya at niyakap. "Ang mahalaga naman po ay magkasama tayo."

Huminga siya nang malalim at tumango bago haplusin ang buhok ko. "Pasensya ka na, ha? 'Di bale, kapag nakapag-ipon na ako, hahanap ulit tayo ng bago nating matitirhan. Ayaw ko ring lumaki ka sa ganitong kapaligiran."

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon