Kabanata 37
What could've been
Wala si Chance sa tabi ko nang magising ako.
Marahan akong bumangon at hinanap ko siya. Bahagyang mayroong awang ang pinto ng banyo, doon ko narinig ang mahinang pag-iyak ng aking asawa.
I've seen him crying alone a lot of times even before in my first diagnosis.
His body was shaking whenever he held me at night.
Alam ko naman kung bakit ayaw niyang makita ko siyang umiiyak, he doesn't want me to be disheartened.
Gusto niyang malakas na anyo lang ang palaging humaharap sa akin.
Sometimes, my man is a liar... because he needs to be strong for the both of us.
Marahan kong binuksan ang pinto. Nataranta naman siya at agad na pinahid ang luha sa kanyang pisngi.
"Crim, why did you wake up early? Dapat nagpapahinga ka pa..." Basag ang kanyang boses na pumunit sa aking puso.
Tumayo siya upang pabalikin ako sa kama, but I already sat down where he was sat.
Naupo naman siya sa harap ko.
I didn't know how to confront his cries before. Alam ko namang ayaw niya iyong ipaalam sa akin. There were silent sacrifices in our relationship.
"It's okay, you can cry some more..."
Hinawakan ko ang kanyang kamay habang nagtatama naman ang aming mga paa. Ipinatong niya ang paa ko sa kanya para hindi ko maramdaman ang lamig ng tiles sa banyo.
"You should still be sleeping." Umiling naman ako.
Hinalikan ko ang kamay niyang hawak ko.
"I know you're crying. I've always known, you know. Alam ko ring ayaw mong ipaalam sa akin na umiiyak ka kapag may pagkakataon. That's enough. Gusto kitang damayan. It's okay if you cry." Hinaplos ko ang kanyang kamay. "I'm sorry that I let you cry on your own."
He shook his head.
"It's not your fault... I don't want..." Huminga siya ng malalim. "I don't want you to see me crumbling."
"Wala namang masama sa pagiging mahina..."
Hindi sa lahat ng pagkakataon na malakas ako. Dapat ding i-acknowledge ang pagkakataong hindi positibo ang isip ko at nanghihina ako upang lumaban sa mga pagsubok sa buhay.
I cried and bounced back.
Inalalayan ako ang mga taong nakapaligid sa akin lalo nang asawa ko. Hindi na niya kailangan pang sarilihin ang pag-iyak, andito naman ako para damayan siya. I should've done this before... but I was weaker at that time.
Para akong isang babasaging bote na anumang oras ay p'wedeng mabasag nang unang dapuan ako ng leukemia. I understood why my husband didn't want to show me his weakness.
Physically, I'm weaker. Mentally, I'm stronger than the first time I had the illness.
I broke down when I found out. I broke down when the therapy failed.
After that, I gathered my strength and fought again... even if it was a losing battle.
Unti - unti ko siyang ikinulong sa aking yakap. Naramdaman ko na lang nabasa ang aking suot na damit. I caressed his back as he cried. Paulit-ulit kong winika kung gaano ko siya kamahal.
I even sang our favorite song to comfort him.
Nanatili kami sa banyo hanggang mag-umaga.
"Nailabas mo na ba lahat ng takot at pangamba sa pamamagitan ng pag-iyak? If you want to cry again, I'm here, okay?" I kissed his forehead.
YOU ARE READING
To His Future Lover ✔ (Haciendero #5)
General FictionThey are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not decipher, they aren't gods to be perfect. They are either a dream or a nightmare and disaster combine...