The Class
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
Magsasalita na sana 'yong lalaking kulay abo ang mga mata kaso bigla'ng dumating si Miss Selvina at hinihingal siyang napahawak sa braso ni Yana.
"Rizyana, I apologize for the inconvenience and for providing you with incorrect information. Section V is your classroom and not Section VI. I sincerely apologize." sabi ni miss Selvina na ikinalaki ng mga mata naming dalawa.
"Miss Selvina, how about me? Nagkamali rin po ba kayo ng nailagay na section?" Kinakabahang tanong ko.
Nagbabakasakali akong mali rin ang section na nailagay nila sa'kin.
Kung pangalan ko na nga lang ay nagawang baguhin ng mga pinsan ko, baka nagawa rin nilang baguhin ang section ko, 'di ba?
"Only Rizyana will transfer to another section. Sa section VI ka talaga napunta, Miss Ramos. Iyon na ang nakalagay sa card and record mo." Sabi ni miss Selvina. Bumagsak ang balikat ko sa narinig.
Ngumiti si Miss Selvina sa'kin bago tumingin kay Yana at iginiya na siya papunta sa section V.
Napatingin sa'kin si Yana at malungkot ang mga mata niyang umalis sa harapan ko.
Huminga ako ng malalim at hinarap ang lalaking kaharap ko na agad ko ring pinagsisihan.
Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin.
Tignan ka ba naman mula ulo hanggang paa, sino ang hindi maiilang? Para niya akong hinuhusgahan sa paraan ng pagtingin niya.
Nang mapansin niyang nakatitig ako sa mga mata niya ay mataimtim niya rin akong tinitigan sa mga mata.
"How long have you been doing Capoeira?" Malamig niyang tanong na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Capoeira? H-hindi ako nagca-capoeira" Pag-amin ko.
Natigilan siya sa sagot ko. Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Nakarinig din ako ng bulungan galing sa mga kaklase namin.
"How come you're in Section VI?" naguguluhang puna ng kaklase namin sa likod.
Lumingon ako sa kanya. Siya 'yong singkit ang mga mata.
"Dahil ba dito?" tanong ko at itinaas ang blue card na ginamit ng unibersidad para matukoy kung saang section ako ilalagay.
Napatayo ang lalaking singkit ang mga mata at naglakad papalapit sa'kin. Mabilis na kinuha ng lalaking singkit ang mga mata ang blue card na hawak ko. Mas lalong nangunot ang noo niya.
"No way..." Rinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko at lumapit na rin sa'min. Siya 'yong nakita ko kanina na nakasuot ng shades.
Tinanggal niya ang shades niya at kinuha sa kamay ng kaklase niyang singkit ang mga mata ang blue card na hawak.
"I don't understand... Given that you are not even familiar with capoeira, why were you assigned here?" Nakakunot noong tanong ng lalaking singkit ang mga mata.
"Baka naman nagkaroon ng error sa system" saad ng isa sa mga kaklase namin.
"Kung may error edi sana pati siya binalikan ni Miss Selvina kanina. Eh 'yong isang kasama niya lang ang binalikan..." sagot sa kanya ng lalaking katabi niya. Napataas ang kilay ko ng ituro niya ako sabay sabing "...siya iniwan."
Napatikhim ang lalaking kulay abo ang mga mata kaya nalipat ang atensyon ko sa kanya.
Nakapamulsa siyang sumandal sa gilid ng upuan habang mataimtim niya akong pinagmamasdan.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mistero / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...