Capítulo 5

14 3 0
                                    


Agad namang sumama ang tingin sa'kin ni Darmex dahil sa sinabi ko sakaniya habang ako naman ay ngingisi-ngising itinuon ang tingin sa kalsada. Nang mag green na ang ilaw ng stop-light ay pinaandar ko na muli ang aking Mustang pero sa pagkakataong ito, sakto nalang ang pagpapatakbo ko.

Hindi naman na umimik si Darmex sa passenger seat hanggang sa makarating kami sa Parking Lot ng building na tinutuluyan namin pareho. Nang makapag-park ako ng maayos ay binuksan ko kaagad ang lock ng aking sasakyan upang makababa siya. Ngunit ilang minuto na ang nagtagal ay hindi pa rin bumababa si Darmex kaya naman nilingon ko siya.

"Ano? Bumaba kana. Nakalibre kana oh?" I said to him while arching one of my eyebrows.

"Tulungan na kaya kita sa mga bibit-bitin mo?" tanong niya sa'kin pabalik. "Gusto mo lang malaman unit number at unit floor ko eh" pairap na sagot ko sakaniya.

"Oo. Baka. Hindi." 

"What kind of answer is that?" painis na banggit ko dahil may toyo nanaman yata ang isang 'to.

Hindi niya na ako sinagot at bigla nalang siyang bumaba mula sa passenger seat at sinundan ko naman siya ng tingin. Pumunta siya sa compartment ng aking Mustang at nakita ko na sinenyasan niya ako na buksan 'yon. 

Pinindot ko naman ang button ng compartment para mabuksan ito. Bumaba na rin ako sa mula sa driver seat at tinulungan si Darmex sa pagkuha ng mga pinamili ko. Nang mapaghatian namin ang bibit-bitin ay pinindot ko ang lock ng aking kotse at paunang naglakad papuntang elevator.

Agad na sumunod sa'kin si Darmex at pinindot ang up button ng elevator dahil mas madami akong bitbitin kumpara sakaniya. Sabay kaming naghintay na bumaba ang elevator. Hindi rin nagtagal ay bumukas ito at agad na rin kaming pumasok. 

"What floor?" tanong ni Darmex sa'kin.

"21st floor."

Agad niya namang pinindot ang  floor number na binanggit ko at saka umayos ng tayo.

"So..You're rich?" basag niya sa katahimikan sa loob ng elevator.

"I'm unemployed." sagot ko.

"Unemployed pero may Mustang at talagang nasa pinaka-last floor pa ang condo." he said sarcastically. Hindi naman ako sumagot at itinuon nalang ang pansin sa monitor ng elevator kung saan nakalagay kung anong floor na kami.

Sa hindi inaasahan ay bumukas ang elevator door sa 7th floor. Doon ay bumungad sa'min ni Darmex ang isang matangkad na lalaking naka polong puti na gusot gusot dahil sa labis na paghahalikan nila ng babaeng kasama niya. 

Agad na nanlaki ang mata ko at nilingon si Darmex upang tignan ang kaniyang reaksyon. Katulad ko ay nanlalaki rin ang kaniyang mata dahil ang tila walang pakealam ang dalawa na may tao sa loob ng elevator at patuloy silang naghahalikan sa corner side. 

Naiilang na umusod naman si Darmex papunta sa side ko at halos kainin na kame ng lupa sa hiya dahil sa ginagawa nung babae at lalaki sa likod namin.

Ito na yata ang pinakamatagal na pagtapak ko sa elevator

Rinig na rinig ng sarili kong taenga ang paghahalikan ng dalawa lalong lalo na ang mga impit at munting ungol na lumalabas sa bibig ng babae. Pati ang pagsisipsipan nila ng labi ay rinig na rinig ko dahil wala naman silang pakealam kahit gaano pa kaingay maghalikan!

Nang lingonin ko si Darmex ay halos mahimatay na yata siya sa sobrang kapawisan. Tiyak ko na dahil yun sa hiyang nararamdaman niya kaya naman ay hindi ko naiwasan na mahinang mapatawa sakaniyang reaksyon.

Agad na bumalik ang diwa ko ng magsalita ang lalaking nakikipag-makeout session.

"Baby, press the 21st Floor.." ani ng malagom na boses ng lalaki. 

Itinuon ko lamang ang pansin sa monitor ng elevator at nasa 14th Floor palang kami.

"Jusko, napakabagal ng elevator na 'to." mahinang bulong ko sa sarili ko. Nilingon naman ako ni Darmex ngunit hindi naman siya sumagot.

"Hey, I said press the 21st Floor." ulit ng lalaki sa girlfriend niya. "Baby, it's already pressed.." sagot ng babae na medyo may kalandian ang boses. 

Matapos non ay pasalamat ko nalang dahil mukhang tumigil na sila sa kanilang makeout session sa loob ng elevator dahil wala na rin akong naririnig. Hindi rin nagtagal ay bumukas na rin ang elevator,  hudyat na narating na namin ang 21st Floor.

"Room number?" Darmex asked cooly habang bitbit ang iba ko pang canvas.

"Magtatanong ka pa, sumunod ka nalang kaya?" sabi ko habang naglalakad papunta sa harap ng pinto ko.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng unit ko ay ibinaba ko muna ang ibang  pinamili kong painting materials para mabuksan ang pinto.

Agad ko naman inilapat ang aking thumb button sa digital side ng pintuan at hindi rin nagtagal ay tumunog na rin ito. Binuksan ko muna ang pinto bago ko binitbit ulit ang mga inilapag ko kanina. Ngunit bago ko mabitbit ang iba pang canvas ay naapakan 'yon ng isang pulang stiletto heels kaya naman agad na nabutas ang parte ng canvas na 'yon.

"What the fuck?" madiin na mura ko dahil sa labis na pagkagulat sa nangyari.

Nnag mag angat ako ng tingin ay bumungad sa'kin muli ang magjowang nag make-out session na parang walang bukas sa loob ng elevator. Agad na nandilim ang paningin ko dahil tila wala manlang pakealam ang babae na nabutas niya ang canvas ko. Labis na kinakailangan ko talaga ang canvas na 'yon para sa mga susunod kong painting projects.

Tinitigan lang ako ng babae at inirapan saka sumunod sa lalaking gusot ang polo.

"Tangina? Wala manlang sorry, ha?" pasigaw na habol ko sa babaeng malanding naglalakad papunta sa likod ng jowa niya.

"Nize, save it. Bumili nalang tayo ulit." banggit ni Darmex sa tabi ko at niyaya akong pumasok na sa loob ng aking unit.

Agad naman akong huminga ng malalim para hindi lalong uminit ang ulo ko. Masamang tinignan ko ang likod ng babaeng nakabutas ng canvas ko at saka isa isang pinulot ulit yung mga nilapag ko kanina.

Nang makuha ko lahat ng maayos ay pinasunod ko naman si Darmex sa loob ng aking unit. Nag automatic bumukas lahat ng ilaw sa aking unit. Nakaprogram talaga 'yon habang ang aircon ko naman sa aking unit ay hindi ko na pinapatay.

"Ilapag mo nalang d'yan sa may sofa, ako nalang ang mag-aayos mamaya. Salamat." pagpapasalamat ko kay Darmex. Siya naman ay pasalampak na umupo sa aking sofa.

"Hindi ka manlang ba natakot na bigla mo nalang akong pinapasok sa unit mo? kanina lang tayo nagkita oh??" takang tanong ni Darmex sa'kin habang nakasandal sa aking sofa.

"lahat ng may Mustang, mabait." sagot ko pabalik saknaiya.

Napanganga naman siya sa dahilan ko.

"What?? You're basing my personality when it comes to my car??" nagugulat na tanong sa'kin ni Darmex.

"Yeah." 

Hindi na siya sumagot muli at saka inabot ang dakasi na pinatong niya kanina sa center table ng aking sala. 

Umupo na lang rin ako sa pang isahang sofa at saka kinuha rin ang aking Okinawa milktea. Agad ko naman 'yon tinusukan ng straw at saka tinikman ang drink.

"So, you paint?" he asked while sipping some boba.

"Hindi ba halata?" pabalang na sagot ko sakaniya. Pairap naman niyang inalis ang tingin sa'kin.

"Grabe yung dalawang magjowa sa elevator kanina. I can't believe it!" pagbasag niya sa katahimikan at pag-iiba niya sa topic.

"You look like you're about to passed out earlier, dahil sa kahihiyan na nararamdaman mo." sabi ko sakaniya habang medyo natatawa. "Oh come on! Sino bang hindi mahihiya sa ganon na situation? I will never do that!" singhal niya pabalik sa'kin na tila nangangasim ang mukha. Siguro'y naaalala niya ang mga tunog kanina sa loob ng elevator.

"'Wag ka mag sabi ng tapos, baka bukas makita kita sa elevator may kahalikan" pabiro kong sambit sakaniya.

"If it's you, why not?" sambit niya na may mapaglarong ekspresyon.

"If it's you, I'll probably kill you using your own Mustang." sagot ko sakaniya habang may pekeng ngiti sa labi at matalim na mata.

"Chill, Nize. I'm just kidding! Sabi ko nga, I will never do that." 

Hindi ko na siya sinagot at hindi rin nagtagal ay tumayo na siya mula sakaniyang pagkakaupo at nagpaalam na siyang aalis.

"I'll probably head out now, I'll get my kisses tomorrow. Ako na ang pupunta dito, siguro around 6pm?" pagpapaalam niya sa'kin.

"'Wag kana bumalik dito. Bawal peste sa loob ng unit ko" singhal ko pabalik habang ginagawi ko na siya palabas ng pinto ng aking unit

"I'll be back. Kukunin ko kisses ko, pati yung bayad sa Dakasi!" pasigaw na banggit ni Darmex habang naglalakad na papunta sa elevator.

"Bahala ka. Ulol!" sigaw ko pabalik at kumaway sakaniya. "Thank you!" pahabol na pagpapasalamat ko. Itinaas niya lang naman ang kaniyang kamay habang patuloy na naglakad patalikod sa'kin. 

Akmang babalik na ako sa loob ng aking unit ng bigla akong napatigil dahil sa isang boses na nagsalita.

"Wow. What a PDA couple, saying he'll be back for some kisses tomorrow" ani ng isang malagom na boses ng isang lalaki na nagpatulos sa mismong pwesto ko.

Hindi ako nakasagot dahil tila nandilim ang paningin ko. It's the man inside the elevator earlier, making out with his girlfriend.

"Says the man na nakikipaghalikan sa loob ng elevator." singhal ko pabalik at saka hinarap ang lalaki ngunit hindi ko na ito naabutan na nakaharap dahil naglalakad na ito pabalik muli sa harap ng kaniyang unit.

"It's not your business to meddle with. Play and twist your own life, Sir" I said sarcastically to his back. Hindi nanaman siya sumagot muli at ako naman ay pumasok nalang sa unit ko.


Hindi ko na hinintay kung may hinabol ba siyang sinabi dahil ibinagsak ko nalang bigla ang pinto ng aking unit dahil sa labis na pagkainis.


Inis sa sariling multo ang gago!




SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon