Simula

3 0 0
                                    

Pinili ko 'to. Walang dapat na magdikta sa buhay na mayroon ako. I am 20yrs old back then, nang makilala ko s'ya. He's very nice and ambitious person. Marami s'yang pangarap na isang bagay na hindi ko kayang ipagkait sa kanya. May pangarap din kasi ako at alam ko na darating talaga ang araw na mas kailangan namin piliin yon.

Ngayon na unti-unti ko ng naaabot ang sa akin minsan naiisip ko s'ya. Kumusta na kaya s'ya? Nakamtan na ba n'ya ang kanya? Naiisip n'ya rin kaya ako.

"Maria Bright!" May kamay na dumapo sa braso ko.

"Yes Architect?"

"Sabog ka na naman, may tulog ka ba?" Nakataas ang kilay na sabi ni Architect Perez — isang senior architect, mas nakakataas sa amin.

Napangiti ako. "Nakatulog ng three hours."

"Oh kape ka muna," nilapag n'ya sa table ang isang paper cup. "kanina ka pa tulala. Pupunta akong site kaya kailangan gising ang diwa n'yo. Wala ako rito."

"Salamat Architect, and noted po."

"O siya sige pakisend na sa'kin yung bungalow house floorplan para mapakita ko na sa client." Tumango ako.

Mabait si Ar. Perez. Bata pa ito dahil sakto lang ang taon n'ya sa pag-aaral, hindi s'ya sumobra ng taon. Hindi rin s'ya naabutan ng k12 curriculum kaya naman bata itong nagsimula sa field. Nasa iisa kaming firm company, ako bilang isang junior architect na nagsisimula pa lang sa hamon ng profession.

Mahirap ang tinatahak naming landas gayunpaman, mahal namin ito. Kung wala si Ar. Perez baka nalulugmok na ako ngayon. Sobrang bait n'ya na tipong hindi mababa ang tingin n'ya sa amin. Parang magkapantay lang kaming lahat. Magaling s'ya mag train ng tao na ginagawa ko talagang inspirasyon. Gusto ko maging tulad n'ya. Tinitingala at nirerespeto ngunit hindi n'ya tinitignan na iba ang katrabaho.

"May isang project tayo sa Quezon City. A two storey house na fifty square meter. Binata ang gustong magpatayo para sa future wife n'ya." Paliwanag ni Ar. Gomez.

"I already have the space programming and I'll let you know if may idadagdag pa." Dugtong nito.

"Ar. Dos and Ar. Rozal, pansamantala muna kayong ilalagay sa site. Hindi available ang ibang Architect. Okay lang ba sainyo?"

Nagkatinginan kami ni Ar. Dos. Tumango s'ya sa akin at naglagay ng maliit na ngiti sa labi. First time ko 'to sa site. Kaya hindi ako sigurado.

"Your salary will increase since sa site na kayo."

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Not bad. Malaki din ang itataas ng sahod ko. Kailangan din sa bahay dahil nag sunod-sunod ang gastusin.

"Okay lang po sa akin Architect." Sagot ni Ar. Dos.

"How 'bout you Ar. Rozal?"

"Okay lang din po." Sagot ko.

"Good. I'll send all the materials needed and the process." And he dismissed.

"Swerte natin Ar. Rozal!" Bungad agad sa'kin ni Meri Knole.

"Shhh..."

"So kelan daw kayo mag site visit." Excited nitong tanong.

Meri Knole is my best friend. She's also an Architect in different company. Pero yung company namin ay connected to each other kaya mabilis din dumating sa kanya ang balita.

"Planning pa lang sa floorplan and design but next week ichcheck namin yung lupa."

"Kayo din kakausap sa client diba?"

"Oo for additional na lang sa gusto nung client. Nakausap na ni Ar. Gomez kaya may background na kami. Later ko babasahin."

"Diba yung ex mo taga-QC? Hindi kaya magkita ulit kayo?" Usisa n'ya.

"Malaki ang QC, malabo 'yun. Saka past is past Meri so don't bring it up." Inirapan ko s'ya.

"Greatest love hard to forget." She sang.

"O shut up." Inis ko.

"Pikon." Pang-aasar n'ya.

"Alam mo pumasok ka na. Baka hinahanap ka na nung boss mo na obsess sa'yo."

"Hoy! Anong obsess mabait lang 'yung tao." Depensa n'ya.

"Sobrang bait na tipong lagi kang pinagddrive pauwi sainyo. Alam ko na 'yan."

"Pano mo alam di ka nga ulit nagkajowa after ni Lance."

Inis ko s'yang inirapan.

Pag kauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mama sa kusina. Nag hihiwa ito ng pang sahog sa ulam mamaya.

"Ang aga mo ata ngayon Lili."

Lili short for Liwanag na tagalog ng tunay kong pangalan. Ito na ang palayaw ko simula pagkabata. Masyado daw kasing mahaba ang Maria Bright. Kaya sila mismo ang nagpaikli nito.

"Maaga natapos mga ginagawa sa office." Paliwanag ko.

Nilapag ko lahat ng dala ko at naupo sa sofa habang nakatingin kay Mama. Maliit lang ang bahay namin ngunit konti lang ang gamit. Mas pinili ko ang disensyong ganito. Minimalist. White wall painted, curved sofa, a simple chandelier for a height ceiling, and gray marble for our kitchen counter. Everything is light in humans eye. Ganito ang gusto kong makita sa tuwing uuwi ng bahay.

"Umuwi na pala ang Ate mo. Binayaran na n'ya ang sa kuryente ikaw na daw ang bahala sa tubig."

"Next week ko na bayaran Ma."

"Sige, magpahinga ka muna at mamaya pa 'to maluluto."

Ipinikit ko ang mata ko. Napagod kakarender kanina sa bungalow house. Bukas naman ay aasikasuhin ko ang para sa another project namin sa QC.

Napadilat ako. Naalala ko na kailangan ko pala basahin ang space programming and profiling ng client. Kinuha ko ang laptop at binuksan ito.

Louie France Willen, 29 years old. Engaged.

Namawis ang aking kamay at nanlamig ang aking sikmura sa nabasa. Siya pa for all of people na pwede namin maging client. At engaged with whom? Bakit pangalan lang n'ya ang nakasulat.

Matagal na nga naman 'yon bakit pa ako umaasa na magiging single s'ya. Maraming mas deserving n'ya. Hindi ako 'yon.

Handa na ba akong harapin s'ya? Seaman na siguro s'ya. Hindi malabo iyon dahil matalino at masipag s'ya. Pagdating sa pangarap seryoso s'ya dito kaya hindi na ako magtataka kung napakataas at layo na n'ya. Ang swerte ng babaeng pakakasalanan n'ya.

Mapait akong napangiti.

Ako lang naman itong umaasa. Umaasa na pag nagkita ulit kami ay free at single s'ya. Na kaya namin dugtungan ulit ang naudlot na kahapon. Mali pala ako. Marami nga palang pwedeng mangyari sa mga taon na hindi kami magkasama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No title Where stories live. Discover now