Chapter 2

96 2 0
                                    

CHAPTER 2

Muse


"How old are you na?" Tanong ni Kat habang nasa cafeteria kami.

"Eleven, magt-twelve sa September. Kayo?"

Kahit nahihiya ay nilabanan ko iyon. Hindi ako sanay makipag-usap sa mga kapwa ko estudyanteng ganito dahil hindi naman ako nabigyan ng mga kaibigan simula nang mag-aral ako. Lagi ay pakiramdam kong hindi naman seryoso sa akin. Kakaibiganin ako sa una pero para lang pala mangopya o gagawin akong leader palagi sa group works at ako lang pala ang gagawa. Kung hindi naman, binu-bully na kaagad ako.

Baka dahil nakikita nilang mag-isa lang ako palagi at walang magtatanggol sa akin. Lagi akong nakayuko, nag-iisa sa sulok, at ako yung mas madaling target para i-bully. Hindi ko alam kung bakit ginagawa nila iyon. Natutuwa ba silang inaapi ang isang mahina?

Kung mahirap, pare-parehas lang naman kami sa public school. Kaya pakiramdam ko, labanan ng malakas at mahina ito.

"I'm the youngest pala among the four of us. Gavin and Donovan are eleven, my kuya's eleven pero next month, he's turning twelve na rin. He's the kuya of the group din. Oh! Can you come to my birthday party on Saturday? I'm turning eleven na! Sa McDonald's at Forbes Town! May mascots then games kaya sure ako, you'll enjoy!"

"F-Forbes Town? Saan iyon?"

"It's in Taguig! Our house is near Forbes Town kasi and McDonald's is my favorite fast food. On my past birthdays, we go to Disneyland or Universal Studios then now naman, I want to celebrate my birthday with my friends. Where do you live ba?"

"Sa... Pasay," alanganin pa ang pagsagot ko.

"Pasay?" Kumunot ang noo ni Kat at sumulyap kay Karim.

"Iyan ba yung sa may Mall of Asia?" Tanong ni Karim at humilig sa lamesa.

Tumango ako, "Siguro ten minutes o fifteen kung may sasakyan."

"That's near lang, 'no? Can you go? Please? I want you to be there!"

Natutuwa akong naimbitahan ako sa isang birthday party. First time ko 'to. Nakakain na rin ako sa McDonald's o Jollibee noong buhay pa si papa. Doon din niya kami dinadala ni mama kapag birthday ko o kapag nakapag-ipon ipon.

"Baka hindi ako payagan ni mama."

Nanghinayang naman ako dahil unang beses kong maimbitahan sa birthday party pero mukhang hindi pa ako makakapunta.

"It's okay! Pero ask permission from your mama first, then tell me if you're allowed to go. If no naman, it's okay! I'll just give you the souvenir on Monday."

"Magpapaalam muna ako kay mama." Sana lang, payagan ako!

Humagikgik si Kat at niyakap ako patagilid. Ngumiti siya nang malapad sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Wala namang dress code so you can come in any outfit you want."

Outfit? Pwede kayang t-shirt at shorts lang? Mayroon naman akong rubber shoes na binili ni mama sa ukay-ukay para daw sa PE ko. Iyon na lang.

Maisip ko pa lang na makakapunta ako sa isang birthday party at masasali ako sa mga laro na sinasabi ni Kat, excited na excited na ako!

"Phoebe, can we get your number and socials? Isasama ka rin namin sa group chat namin," sabi ni Gavin habang may pinipindot sa malaki niyang cellphone na touchscreen.

Napakurap ako. Mayroong cellphone si mama, de-keypad. Iyon ang ginagamit niya dahil kailangan para maghanap ng trabaho. Pero ako?

"W-Wala akong cellphone, eh."

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon