Wala akong ganang pumasok ngayong araw.
Ang rason? Hindi ko alam.
Kahapon lang kami nakauwi mula kina Jeremiah at medyo nasasanay na ako sa ideyang baka lagi talagang kahihiyan ang mangyayari pag nagkikita kami ng crush ko.
Umalis si Reo kaagad at ako natameme lang habang pinagmamasdan ang likod niya na papalayo. Todo tanong tuloy si Jeremiah sa akin kung kilala ko ba ang lalaki at hindi ko na siya sinagot.
Room 1003.
Doon ako papunta ngayon. Alas otso pa lang ng umaga at kahit inantok pa ako ay kailangan talagang pumasok.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Dahil sa wala akong maisip na OOTD ay isang simpleng dress lang ang sinuot ko at sandals na siguradong bagay dito.
Approved ni Mama, eh.
Akmang liliko na sana ako sa may hagdaanan dahil nasa taas pa yata ang room ko ng makita ko si Parker na nag-iisang naglalakad rin.
"Parkerr!!"
Naka polo ito at halatang hindi ako napansin dahil dere-deretso lang siya na naglalakad.
Maging ako ay hindi makapaniwala na ako ang unang tumawag sakanya. Halatang nagulat rin siya ng makita ako sa building.
Akala ko ay papanindigan na talaga namon ang sinabi namin na tuwing may event lang kami magkikita.
"Why are you here?" tanong niya kaagad.
Balak ko sana siyang pilosopohin at sabihing malamang nag-aaral ako dito kaya ako nandito pero pinili ko nalang mamuhay ng payapa at sagutin ito ng maayos.
"May class ako rito" tanging sagot ko.
PE ang klase ko ngayon dito. Lahat kami ng blockmates ko ay nagtaka bakit dito at hindi sa gymnasium ang deretso ngunit paliwanag saamin ay orientation lang naman daw.
Itinawag niya kami sa isang classroom dito sa isang building at pinagsuot ng lang ng casual clothes.
Excited pa naman sana akong makita doon si Reo dahil narinig ko na nagsingit 'yon ng academics na Org sa scheds niya at saktong Physical Educ pinili niya. Student coordinator pa rin ang lalabs ko.
"Anong room?" tanong naman niya kaya agad kong sinabi ang room ko.
.
"1003 daw, alam mo ba kung saan iyon?" tanong ko sakanya pabalik.Napatigil naman siya mula sa paglalakad at halatang nabigla sa sinabi kong room. Maging ako ay napahinto at nagulat bakit naging ganoon ang reaksyon niya.
May nasabi ba akong mali?
"Physical educ?" tanong niya kaya tumango-tango lang ako.
"Oo, bakit?--" hindi niya ako pinatapos.
"Merge tayooo!!!" At ngumiti ng pagkalaki laki.
'Di ko alam kung tama ba ang pagkaka-intindi ko sa sinabi niya ngunit naunang mag-react ang katawan ko dahil tumalon-talon ako kaagad habang kapit-kapit ang braso niya.
“Mergee??!” pagkaklaro ko pa.
Para kaming mga tangang nanalong dalawa sa lotto at hindi aakalain ng ibang nakakakita sa amin na ang simpleng pinagdidiwang lang namin ay ang pareho kami ng klase.
Oa.
"Edi lagi pala tayong sabay twing Tuesday" saad niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
YOU ARE READING
It Didn't End With A Happy Ending
Random"Believe me is I say that it didn't end with a happy ending."