Chapter 2

6 0 0
                                    

*Vhera's pov*

Nagising ako ng 12 am at naalala ko na mamaya na pala ang biyahe ko papunta sa Ormoc, Leyte kaya nag-ayos na ako. Sapat naman siguro yung tulog ko kasi naman buong araw akong natulog para takasan yung pag-lulumbay na nararamdaman ko dahil sa nawala si lola Julia. Ngayon nakapag-isip isip na ako na ganito ang buhay nating mga tao, pinanganak tayo, lumaki tayo, tatanda tayo at mamatay tayo pero hindi dapat 'yon ang naka-highlight habang tayo ay nabubuhay. Oo, 'yon yung cycle ng tao pero dapat habang nabubuhay tayo gawin na natin yung dapat gawin para sa kabutihan ng sarili natin at sa ibang tao. Habang nabubuhay tayo alamin na natin kung ano ang misyon natin sa buhay, kung papaano tayo makakatulong sa ibang tao at kung anong kabutihan ang maiiwan natin dito sa mundo. Puno man ng kurapsyon, hindi pagkakaintindihan, problema, at lahat ng negatibo dito sa mundo hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa dahil parte na 'yan habang tayo ay nabubuhay kaya dapat may natitira pang kabutihan sa ating mga puso. Hindi p'wedeng alisin ng iba kung ano mang kabutihan ang mayroon sa ating puso, kaya kung may nakikita kang masama na ginagawa ng iba 'wag kang matakot na punahin mo ito dahil sino paba ang pupuna sa mga taong may masamang gawain kundi yung mga taong nasa tuliro pa? Kaya kung natatakot kang punahin ang ibang tao at wala ka pang lakas ng loob ay ok lang 'yan dahil hindi ka lang naman ang nag-iisa na may mabuting puso kaya ipagdasal mo ang lahat ng problema mo at patatagin mo yung pananampalataya mo dahil diyan huhugot ang Diyos sa pananampalataya mo para tuparin kung ano ang pinangako ng Diyos. Kahit kakarampot lang pananampalataya mo hindi ka bibiguin ng Diyos dahil ginawa mo ang dapat gawin ayon sa kalooban niya. Pero sa ngayon nakaka-intriga sa akin kung paano namatay si lola Julia at bakit hindi masabi ni Atty.Limosinero nang may pagka-prangka kung paano namatay si lola Julia. Ngayon, naghihinala ako na may masamang nangyari kay lola at sana maabutan ko pa kung may burol pa si lola hanggang ngayon at sa aking pag-dating. Bumaba ako sa stock room para kunin yung maleta ko at linisan dahil sobrang alikabok na, ngayon lang kasi ako ulet makaka-biyahe ng malayo matapos ko mag-trip to Japan 2 years ago kaya ngayon bibiyahe ako ulit pero may kirot na sa aking puso dahil 'yon nga wala na siya. Pinagpag ko at pinunasan yung maleta at tsaka ko na inakyat sa kwarto ko para paglagyan ng damit. Binuksan ko yung mga drawer at kinuha ko na yung mga damit at niramihan ko kasi matagal ako mag-iistay doon sa probinsya dahil mabigat yung nangyari na aayusin naming magkakapatid. Kinakabahan ako kung ano talaga ang nangyari kay lola kasi hindi man lang sinabi sa akin, hindi talaga ako makapakali. Bago ako umalis kumain lang ako ng cup noodles at nag-kape at unting ayos lang sa sarili at umalis na ako ng maaga para hindi traffic. Mag-uumaga na nang naka-sampa na ako sa barko papunta sa Ormoc at hindi ko mapigilan ang excitement dahil makikita ko ulit yung mga kapatid ko. Minsan lang kami mag kita ng mga 'yon dahil busy na sa kani-kanilang mga buhay at ngayon lang magkakaroon ng pagkakataon na magkita-kita kami. Pinagmamasdan ko lang yung view dito at nag-iisip ng malamim kung anong p'wedeng mangyari pagdating ko roon, ang lugar na ngayon ko lang ulit mababalikan, ang lugar na maraming ala-alang permanente na sa aking puso't isipan.

(Somewhere in Cavite)

*Daisy's pov*

10 pm palang nag-ayos na ako ng sarili ko at nag-impake narin. Chinat ko narin kung kapit bahay ko na siya na ang bahala na mag-dilig ng mga halaman ko sa garden kasi mamamatay 'yon pag hindi nadiligan ng ilang araw, 'yon pa naman mga alaga ko. Bago dumating ang 11 pm sinigurado ko na lahat ay ok na, simula sa mga damit, pera at iba pa kaya umupo lang ako ng saglit para manood ng balita at baka mamaya may bagyo. Lagi pa namang naulan sa Pilipinas at baka ma-cancel ng wala sa oras yung flight ko, pinagdasal ko na 'wag sanang magkaroon ng bagyo. Nang sumapit ang 10:50 pm nilibot ko yung buong bahay ko at sinigurado ko na walang naka-saksak na appliances, naka-sarado dapat yung gripo, walang bukas na bintana at naka-patay ang lahat ng ilaw at tsaka na ako umalis. May halong kaba at saya dahil makikita ko yung mga kapatid ko at makakapunta na ako sa probinsya ni lola Julia. Nakakalungkot lang kasi kapag bumibisita ako sa kanila ay masaya ako kasi may bibisitahin ako na mahalaga sa buhay ko pero ngayon bibisita ako ng may kalungkutan dahil bibisita ako para sa huling hantungan ng lola Julia ko. "Ano kayang ikinamatay ni lola?" ang tanong ko sa sarili ko.

(Somewhere in Airport)

Nakarating na si Daisy sa Parañaque papunta sa NAIA para makarating sa kanilang probinsya at hindi niya inaasahan na makakasabay niya si Jm na kapatid niya. Pero bago niya ito lapitan ay tahimik siyang lumapit kay Jm para gulatin.

Daisy: BULAGA!
Jm: AY! POT-, NAKNAMPUCHA! ANO BA 'YAN!
Daisy: Ay sorry HAHAHAHA, hala natapon yung kape mo sorry...
Jm: Gago ka, ang aga-aga nanggugulat ka.
Daisy: Dito rin pala flight mo? Siguro same plane tayo?
Jm: Tingin nga ng ticket mo
Daisy: Oh ayan
Jm: Ay oo nga same plane tayo ta's magkatabi pa tayo ng upuan.
Daisy: Ay weh? Oh edi maganda tara upo muna tayo
Jm: Sige

Nang mag-announce na para sila ay pumunta sa loob ng eroplano ay tumayo na sila dala-dala ang kanilang mga bagahe at hinanap na nila ang upuan at tsaka nila tinabi ang kani-kanilang mga bagahe at tsaka sila nag usap.

Daisy: Nakakalungkot isipin na wala na si Lola akala ko kapag babalik ako ay buhay pa siya pero wala na.

Jm: Oo nga eh pero nasabi ba sayo kung ano ikinamatay niya? Hindi kasi sinabi ng attorney eh.

Daisy: Hindi rin eh, yun din yung iniisip ko kung ano ang ikinamatay niya pero hindi sinabi sa akin.

Daisy: Pero mas excited ako kung anong mana ang ibibigay sa atin ni lola.

Jm: Ako rin eh, ano kaya yung ipapamana sa atin?

Daisy: Malalaman nalang natin 'yon pag-dating natin doon.

Habang ang dalawa ay nag-iintay ng ilang oras bago sumampa sa lupa ang eroplano ay nasa barko parin si Vhera at naglalayag papunta sa paroroonan niya. Nagpahinga muna sila Daisy at Jm habang si Vhera ay natulog muna sa barko hanggang sa sila ay makarating na sa pupuntahan nila.

*Vhera's pov*

Nang matapos ang nakakahilong biyahe ay bumaba na ako sa barko at nagpahinga muna ng saglit at nag muni-muni muna. Habang naglalakad ay napadaan ako sa harap ng simbahan at maraming nagtitinda ng bulaklak kaya bumili ako. Ang bulaklak pala na binili ko ay mga rosas kasi maganda sa paningin at mabango pa kaya nagbayad na ako tsaka ako umalis at sumakay ng jeep. Tsaka nung malapit na ako sa lugar nila lola ay tsaka ako nag tricycle papunta sa bahay ni lola.

*Jm's pov*

Nang marinig ko na nag-announce yung flight attendant na malapit ng mag-landing ay inunat ko muna sarili ko at tinignan ko kung gising si Daisy, at ayun tulog pa kaya ginising ko. Nang magising si Daisy sinabi ko na malapit na tayong bumaba kaya nag handa na kami sa pagbaba ng eroplano kaya nung nag landing yung eroplano ay hinintay muna namin na may magsabi na p'wede na kaming bumaba. Nang makababa na ay sawakas matapos yung mahaba naming pagkakaupo ay makakatayo na kami kaya naglakadlakad muna kami para mawala yung antok namin at pagkatapos non naghanap na kami ng masasakyan.

*Vhera's pov*

Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko lalo na kanina habang papalapit yung tricycle sa lugar nila lola ay tanging yung tricycle lang ang gumagawa ng ingay at ng maka-alis yung tricycle bumalot agad yung katahimikan sa lugar ni lola. Hindi pa ako tumatagal sa kinatatayuan ko ay may dumating uli na tricycle at nung makita ko kung sino ang nakasakay nung may bumaba ay naging masaya ako dahil sina Jm at Daisy pala yung naka sakay sa tricycle. Masaya akong tinawag sila at nagyakapan kami.

Daisy: Kumusta kana? Matagal na tayong hindi nagkikita.

Vhera: Uy! Ito ok lang! Long time no see!!

Jm: Hi ate!

Vhera: Jm! Kumusta buhay? Long time no see!

Jm: Ok lang ako ate!

Vhera: Tara pasok na tayo

Bago pumasok ang magkakapatid ay pinagmasdan nila ang bahay kung saan naaalala nila ang masasayang nakaraan noong kasama pa nila ang lola Julia nila. Bakas sa kanilang mga mukha kung gaano kahalaga ang nawala sa kanila.

(End of chapter 2)

PAGMAMAY-ARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon