Chapter 15

2 2 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 15
╚════════════. .✯ . ╝

Hindi na nila ako pina labas kagabi dahil sa nangyari kaya nag pahinga nalang ako. Ngayon ay lalabas kami para sa gagawin nilang pag sasakay

Nasa kanya kanya na kaming mga kabayo at sobra silang natutuwa dahil mararanasan na nila makipag laban habang naka sakay dito

Malapit lang naman ang training area dito at malawak iyon na puro buhangin. Hindi naman nag tagal ay naka rating na din kami sa lugar

"Bumaba na kayo sa mga kabayo niyo dahil mag sisimula na agad tayo" Utos sa kanila ni Rosh at bumaba mula sa kabayo nito. Sumunod na din naman kami

"Ang una niyong gagawin ay ang mag pana dahil isa ito sa mahalagang sandata" Binigyan ko naman sila ng tag iisang quiver kung saan naka lagay ang mga arrow

Kumuha na din sila ng sari-sarili nilang pana "Wag mamili, pare parehas lang yan" Sabi ko dahil natatagalan pa sila dahil sa pag pipili

"Ako ang nauna dito, Prince" Inagaw niya naman pana sa kasama niya na may pangalang Prince. Kinabisado ko din ang pangalan nila kagabi kaya kilala kona sila

"Isip bata, parang pana lang" Sabi naman nito at sinamaan ng tingin "Mang aagaw ka kasi" Akma pang sasagot si Prince pero inakbayan na sila ni France

"Mag aaway kayo o ako ang aaway sa inyo" Kita ko naman namutla ang dalawang lalaki kaya humingi agad sila ng paumanhin

"Justine, ang ganda naman ng pana mo mas maganda pa kesa sakin" Tumawa naman ito ng payak "Mas maganda sayo hahaha, tara na" Binitawan naman na sila ni France at dali dali na silang tumakbo

Tinawanan naman sila ng dalawang lalaki sa gilid ko "Mga tanga pare parehas lang naman ang itsura ng mga pana" Umiling naman ako sa kanila

Meron namang tatlong target na nasa harapan at pina pila sila sa harap ng mga target. Sakto lamang ang layo nito mula sa pwesto namin at meron ding kawal sa gilid ng target

"France, ipa kita mo sa kanila ang tamang gagawin" Pumunta naman siya sa gitna at pinuwesto niya ang kanyang katawan

"Tignan niyo ang bawat galaw niya" Kumuha na si France at nilagay na niya sa pana. At tumira na siya, tumama naman agad ito sa pinaka center ng target

"Ang galing kaya ko din yan" Sabi naman ni Kiel na nasa harapan. Siya na ang pina sunod ni Rosh dahil magaling naman na siya diba sabi niya?

Pumwesto naman siya at agad naman siya pinag tawanan ng mga kasama niya. Naka straight body lang kasi ito hindi talaga maayos ang postura niya

"Forward your left feet" Utos sa kanya ni France "At bakit sa taas naka tutok yan? " Lalo naman siya pinag tawanan kaya napa kamot nalang siya sa leeg

"Ano tinitira mo sa taas, Kiel? Hangin? " Asar sa kanya ni Tres kaya lalo siya pinag tawanan ng mga ito "Ikaw nalang kaya gumawa" Sinuway naman na sila

Pag tapos siyang turuan ni France ay tumira na siya. Muntik na tumama ang pana niya sa kawal at buti nalang naka iwas agad ito

"Sorry po, kuya" Paumanhin na agad nito "Mga hindi nakikinig kaya ganyan, tira lang ng tira" Sabi ni Rosh at tinawanan lamang siya

"Sir Rosh hindi kaba tira ng tira? " Napa tikhim naman ako sa sinabi ni Tristan. Muntik naman siya kutongan ni Rosh dahil sa sinabi nito

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon