Si Namjoon ay isang makulit na bata. Masayahin, palabiro, mahilig sumayaw at mahilig mag-rap.
Oo, hindi siya 'ganun' kagwapo. Gayun paman, talented naman siya kaya maraming sumusuporta't humahanga sa kanya.
Lagi niyang naiisip na kahit ganun siya kabait, masayahin at talented, may kulang parin sa kanya. May kulang pa para tuluyan na siyang makapasok sa pinapangarap niyang entertainment.
Ang Big Hit Entertainment.
"Namjoon! Pa-autograph naman oh?" Sabi sa kanya ng kanyang babaeng kaklase.
Autograph.
Tinatanong niya sa kanyang isipan na kung may nagpapa-picture sa mga sikat na tao, bakit wala sa kanya? Bakit hanggang autograph lang? Ganun na ba talaga siya ka-hindi kagwapuhan?
Minsan rin, naiisip niya na baka ampon lang siya. Yung ate niya, maganda, naging beauty queen pa nga. Yung nakakabatang kapatid niya naman na lalake, heartthrob sa eskwelahan nila.
Napa-buntong hininga siya.
"Hi Jiyeon!" Bati niya sa isang magandang babaeng dumaan sa harapan niya.
Hindi siya pinansin nito. Ni-tumango, hindi. Ni-kumibo, hindi.
Hinding hindi na talaga siya mapapansin ng babaeng kanyang gusto at pinapangarap.
-----
Pagkauwi ni Namjoon sa kanilang bahay, dumiretso siya sa may kakahuyan. Iyon ang lagi niyang ginagawa tuwing nalulungkot at gustong mag isip-isip.
"Bakit hindi pa kasi ako naging gwapo? Bakit?" Sigaw niya at humikbi.
Biglang lumiwanag ang paligid. At katulad ng ibang alamat, may umepal na isang...
Diwata.
"Bakit hindi ka gwapo? Hindi naman iyan basehan para maging perpekto. Ang pagiging gwapo ay hindi naman kinakailangan upang mapansin ka ng iba. Bakit, hindi ka naman talaga kagwapuhan pero napansin naman ng ibang tao ang talentong tinataglay mo."
Nabigla naman si Namjoon sa biglang pagpapakita ng isang diwata sa kanya. Akala niyang nananaghinip lang siya pero pagsuntok niya sa sariling mukha, nalaman niyang totoong totoo pala ang nangyayari.
"P-pero, hindi parin ako napapansin ng babaeng gusto ko. Sa paningin niya, isa lang akong multo." Sabi niya.
Nagsalita naman ang diwata, "Nagra-rap ka ba dong?"
"Hindi p-po!"
"Ganun ba? Ang bilis mo kasing magsalita eh. Natatakot kaba sakin?"
"Hindi rin po!"
"Mabuti. Hindi ko narin papatagalin pa ito. Lumingon ka sa kaliwa" utos ng diwata.
Sinunod naman ito ni Namjoon.
"Aaaaack!" Sigaw niya, at nang hawakan ang kaliwang pisngi, nalaman niyang dumudugo pala ito kaya mabilis siyang tumakbo pauwi sa bahay nila.
Ikinuwento ni Namjoon ang tungkol sa nakita niya at ang mga nangyari noong mga oras na iyon. Hindi naman naniwala ang mga magulang at kapatid niya at sinabing baka nasobrahan lang siya sa pag iisip kaya inakalang may nagpakita na diwata.
Nilagyan ni Namjoon ng band aid ang kaliwang pisngi niya.
"Hindi na nga ako gwapo, nagkasugat pa ako sa pisngi. Siguradong peklat ito. Tsk. Masamang diwata" sabi niya sa sarili.
Dumaan ang maraming araw at sinabihan siya ng kanyang nanay na kunin na ang band aid sa pisngi niya.
Pagkatanggal nito, nagulat lamang sila sa nakita.
Walang peklat.
Kundi isang magandang pagkakahugis na bilog na parang butas.
"May dimples na akooooo!!!" Sigaw ni Namjoon at nagtatatalon sa tuwa. Kay gandang tignan. Na sa tuwing ngumingiti siya, may pumupormang dimple sa kaliwang bahagi ng pisngi niya.
Dahil doon at simula ng araw na iyon, maraming magagandang bagay ang nakamit niya.
Marami nang nagpapa-picture sa kanya, nqpansin na siya ni Jiyeon at natanggap siya sa BHEnt. Sumikat siya, nagkaroon ng grupo na BTS kung saan siya ang leader at tinawag na Rap Monster.
Gayun paman, hindi niya parin nakalimutang bumalik sa may kakahuyan at magpasalamat sa diwata kahit hindi na ito nagpapakita sa kanya.
Wakas.
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇
Yiiiiiii~ ang inspirasyon ko sa alamat na to ay ang kapitbahay namin. Isa siyang batang lalake na may dimples at nacucutan ako sa dimples niya. Kuwento niya sa akin na hindi raw yun since birth kundi bunga raw yun ng pagkakatusok niya sa isang kahoy o tinatawag na 'tukog' sa bisaya. Kaya ginawan ko ng alamat na si RM ang bida kasi may dimples siya iiih. Haha. Yun lang. Hope 'ya liked it! ;D
xoxo ExhaustedImagination
BINABASA MO ANG
Alamat ng Dimples ni Rap Monster (One Shot - BTS RapMon FF)
FanfictionSaan nga ba nakuha ni RapMon ang dimple niya? Gusto niyong malaman? Edi basahin niyo :3