22. "Correct and Guide them"

2 0 0
                                    


•Wai's P.O.V

"Wai Jaaaa! (dearrr!)... halika halika, sabay ka sa'min" kakababa ko palang ay hinablot na agad ni Darika ang kamay ko upang mapasama sa ginagawa nilang zumba dito sa labas at nakaharang pa sa daraanan. Isa sya sa mga nagdo-dorm dito.

"Oyyy! Tai tai tai (goshhh)... my honeybunch is here! Sali ka sa'min Wai baby" malambot na napalapit itong si Lucia at hininto muna ang pagsayaw. Dito rin sya nakatira at sa tuwing makikita ako ay talaga namang hindi ito magsasayang ng pagkakataon para makipag flirt sa akin.

"Tumigil ka nga Lucia, this handsome guy is mine! Tabi ka nga" sumapaw ang isa pang babae na kaibigan din nila.

Tumawa ako. Wala lang 'to sa akin dahil malapit rin naman ako sa kanila at alam kong katuwaan lang ito. "Pasensya na kayo. Hindi ko kayo masasamahan ngayon ladies, pero tuloy nyo lang. Maganda yan sa kalusugan" saad ko.

They are all pouting and grumble to complain in a playful manner. I grin.

"Fine!" Lucia said in a sad face.

"Mhm!... hayaan na natin ano ba kayo, tsaka mukhang may lakad ka rin ata ah! You are all dressed up." Pag-pansin ng isa pang babae.

"Chai (right)... also, you look hot in this outfit ha! Don't tell me may date ka ngayon. Tai tai tai (goshh!!)"

Tumawa ulit ako. "Ano ba kayo, may lalakarin lang." I answered.

"Totoo ba'yan?... pero in fairness sa attire mo ha! Para kang gangster na mafia chu chu chu chu. Naka itim kapa lahat tsaka halos takpan mo na yang gwapo mong mukha sa suot na cap. Ano ba ganap mo ngayon?"

Kinilatis na nga lahat ni A'Jie itong kasuotan ko. Pumorma ako dahil totoo namang may dating ako sa suot.

"Wala lang ito A', para naman maiba. Tsaka ayaw nyo 'yon? You guys got to see me in another style" pagbanat ko na nililiitan ang pagbuka ng mata. Kinilig naman kaagad ang iba sa kanila ngunit pigil ang pagsigaw.

"Magsitigil nga kayo, para kayong bulati na ginigisa eh" pagsaway ni A'Jie at pabirong hinahampas ng pamaypay ang mga bewang nila.

Nakisali narin ako sa katuwaan at pagsitawanan.

Unti unti namang binabawi ni A'Jie ang malapad na pagngisi dahil napansin nya ang taong dumaan sa likoran ko pababa ng hagdanan. Nagsitigil kaming lahat at lumingon rito. Lahat sila ay nakataas ang kilay, napahawak sa bewang at mataray na binantayan ang paglakad ng babae.

"Tignan nyo! Napadaan ang bruha na parang hindi nambulabog ka gabi."

"Eh kaya naman pala mabilis humawi sa atin ang masaming hangin, malapit lang pala kasi ang nagdala"

"Meee! (Aysusss)... kala mo naman maganda, maputi lang tsaka sexy tsaka sosyalin, pero ansama ng ugali"

"Jing! (Truth)"

Malakas na nagsibulungan ang nasa gilid ko kaya imposibleng hindi ito marinig ni Nana. Ngunit hindi nya ito pinansin o di kaya'y huminto manlang para pumatol, para bang wala itong narinig.

Nang papalapit naman ito sa direksyon ko ay dali dali akong tumagilid upang hindi nya ako mamukhaan, inayos ko din ang pagkakalagay ng takip ko sa ulo upang wala syang mapansin.

Saka lang ako sumilip nong tuluyan na syang makababa. Ito na'yon, lumabas din ang target.

"Uhm... A'jie, ladies... maiwan ko muna kayo ha! Kailangan ko ng umalis eh. Ituloy nyo lang yan ha! Mas lalo kayong si-sexy dyan" nagmamadali ako sa pagpapaalam at walang tigil sa pagsilip sa ibaba.

"Aw! Ang bilis naman, nagmamadali ka ba?"

"Jaaa! Ingat ka ha, pagbalik mo sobrang payat ko na"

"Ingat ka baby! Mwa mwa"

Behind those liesWhere stories live. Discover now