CHAPTER 3
Vote
"I'm voted as the escort. So it's technically correct to say she's... my... muse."
Napakurap-kurap ako. Parang kumurap din ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko, halos naririnig ko na dahil sa katahimikan ng mga kaklase ko, pasalit-salit ang tingin sa amin ni Karim.
May iba bang ibig sabihin iyon? Wala naman, 'di ba? Totoo naman! Siya ang escort! At kung sino man ang iboboto, siya ang magiging muse niya!
Pero bakit ako?
"Kung tititigan mo nang malapitan, maganda nga yung Phoebe."
"Siguro kung inayusan, mas maganda pa kay Ariana."
Matalim ang tingin ni Karim sa mga lalaking nagsalita. Siguro kung wala lang teacher, may nagsapakan na.
Tumikhim si Gavin, "I close the nomination!"
"I second the motion," si Karim.
Pinayuko na ulit kami at ganoon pa rin ang dagundong ng puso ko.
Hindi naman siguro ako mananalo, 'di ba? Wala pa namang nakakakilala sa akin dahil bago pa lang ako. Si Ariana, mukhang sikat siya. Sure ako, siya ang mananalo rito!
"Raise your hands if you vote for Ariana Ong."
Pero kung siya nga ang mananalo, ibig sabihin, siya ang ka-pares ni Karim? Marami ang kikiligin sa tambalan nila?
Sa dati kong school, nakakapanood na ako ng events na involved ang mga muse at escort. Mayroon pang pageant tapos may performance na magkasama ang pares.
Marami ang boto kay Karim at Gavin dahil sila ang pinaka-gwapo sa section na ito. Si Ariana, marami ang pumalakpak kahit noong ni-nominate pa lang siya kasi siya ang pinakamaganda rito. Ako? Hindi nga nila ako kilala. Hindi ko rin mapapantayan yung ganda ni Ariana.
"Raise your hands if you vote for Phoebe Revilla."
Ang tanong, mayroon kayang magtataas? Pwede ba akong mag-abstain?
Sa huli, hindi na lang ako nagtaas ng kamay.
Nahihiya ako kung ako yung tatawaging muse ng section na ito. Hindi ko naman nakikita ang sarili ko na maganda. Wala naman akong pakialam doon, dahil ang mas pino-problema ko ay paano ko matutulungan si mama na magka-pera. Kung paano ako magiging mabuting anak sa kanya para hindi na ako dumagdag sa mga aalalahanin niya. Gusto kong makapagtapos para ako naman ang kakayod para sa amin ni mama.
Kaya hindi ako interesado sa mga ganito. Gagastos pa yata ako kung magiging muse nga ako. Syempre, kapag may event, ako ang bahala sa damit at makeup ko. Wala naman kaming extra'ng para sa mga ganoong bagay.
Pero kung si Ariana ang mananalo... at siya ang ipa-pares kay Karim...
"Our muse is Ariana Ong!" Anunsyo ng president, halatang tuwang-tuwa.
28 ang bumoto kay Ariana at 11 sa akin.
Naghiyawan ulit ang mga kaklase ko at nagpalakpakan. Ngumiti rin ako, kunwaring nasisiyahan sa resulta, natutuwang si Ariana na nga ang muse ni Karim.
Tumibok ulit nang malakas ang dibdib ko nang pumunta sa harap si Ariana, sa tabi ni Karim. Nagtama pa ang mata namin ni Karim at nginitian ko siya, pero halos hindi man lang siya kumurap.
Ngayong nakikita kong magkatabi sila, masasabi kong bagay nga. Maganda si Ariana at gwapo si Karim. Kahit magkaiba sila ng kulay—moreno si Karim at mestisa si Ariana—nagco-complement pa rin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
Roman d'amourWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...