Chapter 15: Swimming Party

11 4 0
                                    


"10 days" bulong niya at umiyak ng umiyak hangang makatulog

Kinabukasan pumunta nga si K kila Ash kasama ang mga dumalo sa birthday ni Ash kahapon. Mag suswimming sila.

"Asher!! Good morning!!" Bati nila kay Ash

"Good morning!!" Masayang bati ni Ash

"May swimming kami Ash sasama ka over night!" Luke

"Kaya Ash mag impake kana" sabi ni Kate

"Ah..ehh---" di naituloy ni Ash dahil sumabat si K

"Bawal tumangi Ash" sabi ni K. Wala ng nagawa si Ash. At umakyat na sa kwarto nya.

Nag impake na si Ash at umalis na sila. Masaya silang nag kwekwentuhan, nag laro at kung ano ano pa.

"Tag off war tara boys vs. girls" sigaw ni Mark

"Sige sige. Girls wag tayong papatalo!" Asher

"Kami ang mananalo!" Si Louie

"Game!!" Pumunta na sila sa magkabilang dulo ng pool at nag hilaan.

"Guys hila wag tayong papatalo" boys

"Girls yung pinag usapan ha. Kim alisin mo na ang robe ni Kelly" sinunod nga ni Kim ang sinabi ni Jane . Haha nanlaki ang mata ang mata ni Rus sa ginawa ni Kim. haha si Rus kasi may crush kay Kelly. Dahil sa pagkagulat ng mga lalaki kinuha nila Ash ang chance, buong pwersang hinila nila Asher ang tali kaya nanalo sila. Haha nadaan sa Akit..

"Naku naman Rus kasalanan mo ito!!" Sabi ni Sac

"Ako lang ba!" Sabi ni Rus

"Hahaha talo kayo blehh" .Sabi ng mga girls.

"Madaya kayo!!" Sabi ni Rus

"Ikaw ang may kasalanan humanda ka!!!" Nag lapitan ang mga lalaki kay Rus at nilunod. Nag swimming na ang lahat,laro dito,laro doon

"Tama na yan tara dinner na!" Tawag ni Mary. Nag si ahon sila at pumunta sa mesa.

Masaya silang kumain pagkatapos ay nag laro sila ng spin the bottle at nag tayo ng bonfire. Ng matapos na sila nag si tulog na sila..

Araw araw silang nag bobonding mag kakasama. Gala sa mall, pasyal pasyal kung saan saan. Nag lalaro pa sila ng basket ball boys vs. girls. Masayang masaya si Ash sa araw araw. Akala niya na hindi nya madadama ang ganito bago siya mawala. Five days.. five days nalang..

"Ash nag eenjoy ka?" Tanong ni K. Nasa park sila ngayon. Sila lang dalawa.. nasa swing at nag uusap habang pinapanood ang mga tao

"Oo naman akala ko di ako mag kaka kaibigan" sabi ni Ash

"Teka Ash. Naalala ko lang sabihin mo na kung ano ang meaning ng pangalan mo" sabi ni K. Diba sabi ni Ash na pag nahulaan niya ang meaning ng pangalan ni Ash may isa siyang wish na tutuparin

"Bawal alamin mo! Haha nasa attitude ko ang meaning sa Thursday mo sabihin saakin ha! At oo nga pala bawal mag internet ha. Di ko tutuparin ang wish mo pag di mismo sayo nanggaling ang answer" Sabi ni Ash

"Sige.. Promise.. diba may one wish ako. Tuparin mo ha" sabi ni K

"Oo naman, tara uwi na" yaya ni Ash. Sunday ngayon. Nag mass sila kanina at himala di late si K haha.

"Sige" tumayo na sila at umuwi.

Asher's Pov

Ha may Pov ako?? Yippiee ang saya naman!!^•^

Hi ako si Asher hi po nice to meet you po^_^v

Kakahatid lang saakin ni K. Ayiee kinikilig ako haha.. Pumunta ako sa room ko para tapusin anh mga dapat kong tapusin. Mga keychain para sa mga new friends ko, angel na nilagyan ko ng mga initials. Tapos yung dinrawing ko nilagay ko na sa frame. Naka upo sila sa bench si tita at tito nasa gitna si K at ako ang nasa likod naka angel suit haha ang hilig ko sa angel no! Para akong guardian nila nakahawak ako sa balikat ni K. Ang ganda ng drawing ko..

"Yan ayos na ang lahat" nilagay ko lahat sa isang box na malaki..

Nag tataka siguro kayo no? Kung saan ako pupunta. Secret muna malalaman nyo sa thursday. Hangang dito muna bye muna;)

A Little Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon